Kahit naiilang sa pagkakalapit ng balat amin ng lalaki ay napakalma ko naman ang aking sarili, hindi ako puwedeng mataranra kapag kaharap ko ito. Agad aming naalis ang babae sa tiyak na pagkagulog sana nito. Nakita kong agad na ginamot ni Xavier ang babae. Walang salita na umalis ako rito. Tumingin ako sa ibaba ng overpass bridge. Nakita kong may mga sasakyan ang nandoon. Kailangan kong bumaba roon. Dali-dali akong umalis dito at umikot sa kanilang daan para makababa sa ilalim ng overpass bridge. Hindi pa ako halos nakakarating sa lugar ay dinig na dinig ko na ang mga daing ng mga tao. Dali-dali akong lumapit sa kotseng nakatumba. Narinig kong may bata ang humihingi ng tulong. Una kong narinig ang pag-iyak at pakiusap nito na tulungan siya. Nakita ko ring may dugo ito sa mukha. Agad ko

