KITANG-KITA ko ang takot ng mga barkada ni Halose. Dali-dali ko namang kinuha ang aking posas para iposas si Halose. Nagpadala na rin ako ng minsahe kay Mr. Calooy at sinabi ko kung saang address kami naroon kasama ni Jelas. “Babe Jelas, ano’ng ibig sabihin nito ipapakulong mo ako?!” sigaw ni Halose. Mabilis na gumalaw ang aking kamay upang batukan ang lalaki dahil sa pagsigaw nito. “Makipag-usap ka ng maayos, tanga!” gigil na gigil na sabi ko. Lumapit din ako sa isang barkada ni Halose at basta na lang inalis ang kutsilyo sa palad nito. Nakita ko na rin na pumasok sina Mr. Calooy at may kasama iton. Mukhang ito ang magulang ni Jelas. “Ma, pa. Patawad po. Ngunit kailangan ko siyang sundin dahil nagbabanta si Halose na papatayin kayo,” umiiyak na sabi ni Jelas. Iiling-iling na lamang a

