Hiyang-hiya si Lorraine, sa kanyang sarili dahil sa totoo lang s'ya lang ang bukod tanging naka jeans at t-shirt.
Kung babasehan nga sa kanyang kapwa mag-aaral ay pa rang laging pupunta nang party at halos lahat naka pustura maging si Krisha na kanyang kaibigan. Masisi ba n'ya sarili n'ya hindi s'ya mayaman at lumaki siya sa mahirap, kaya ang tanging nakakayanan lang niyang suotin ay tanging white t-shirt at maong na jeans.
Tanging magsasaka lamang ang ama Lorraine at ang kanyang ina naman ay taong bahay lamang. lima silang magkakapatid at s'ya ang panganay.
Maswerte s'ya dahil nakapasok s'ya sa university na 'to na walang kahirap hirap.
Dahil sa ama ng kanyang kaibigan na si Krisha Silay, na inasikaso nito ang scholars n'ya.
Sa madaling salita scholar s'ya ng gobyerno.
Nag iisang anak si Krisha kaya lahat ng gusto nito nasusunod nang walang kahirap hirap. Simula pa high school bestfriend n'ya na ito at s'ya lang naman ang nakaka intindi sa ugaling pagka brat nito. Kahit na minsan ginagawa s'ya nitong katulong taga bitbit ng pinamili o kaya tagaluto, taga laba, tagalinis pero masaya s'ya kahit papano nasa tabi n'ya ito sa lahat ng bagay at problema na dumarating sa buhay n'ya at maasahan sa lahat ng bagay.
"Hi, ako po si Lorraine Anne Jacinto, galing po akong province. Ahm... Ako po ay isang scholar at transferee sa university na ito ahm.." Hindi na makapag salita si Lorraine dahil halos matunaw s'ya sa kanyang kinatatayuan dahil sa naririnig n'yang bulong-bulungan.
"Aww poor little girl," wika ng isang kaklase niya sabay irap sa kanya.
"Mukhang katulong, look the outfit yak!" wika naman ng isa pang kamag-aral niya.
"Mas mukha pa siyang yaya, sa yaya ko. Oh my God nakakahiya so weird," wika ng isang babae malapit sa kanya.
"Ok Miss. Jacinto, go back to your sit now," wika naman ng kanilang guro. Dahil siguro naramdaman nito ang pagkapahiya niya ay hindi na siya pinatapos pa sa pagpapakilala.
Nakayukong tinungo ni Lorraine ang kanyang upuan at bago s'ya umupo ay napatingin sa s'ya sa gawi ni Austine na nakatitig sa kanya. Nakaramdam naman
s'ya nang hiya at pagkaawa sa kanyang sarili.
"Estudyante pala itong babaeng ito dito. Transfer student akala ko maid, cute sana tatanga tanga lang," bulong ni Austine sa kanyang isip habang napapangiti at napapasulyap kay Lorraine.
Sino ba naman ang mag aakala na ang dalawang beses niyang muntik nang mabundol na babae ay kamag aral niya pala.
"Ok ka lang Bestfriend? Tsssk.. Huwag mo silang pansinin ganyan talaga dito ibang-iba sa pinasukan mong kolehiyo sa probinsya natin. Masasanay ka rin, sa umpisa lang sila ganyan. At kung makikilala ka lang nila, ay tiyak na hindi ka nila huhusgahan ng ganyan," wika ni Krisha sa kanya.
"Bestfriend, mukhang hindi ako nababagay dito. Tingnan mo naman mga titig nila at tingin sa akin, para akong basahan. Bestfriend, kung bumalik na lang kaya ako sa atin? Kahit paano doon hindi ganito ang trato sa akin sa dalawang taon ko, hindi ko naranasan ang ganitong pangungutya," tugon ni Lorraine.
"So, iiwan mo ako dito? Matitiis mo na mag isa ako sa unit ko? Wala akong kasama, wala akong katulong, wala akong mahingian ng payo kung sakaling kailangan ko ng kaibigan sa oras ng may problema o, pagsubok. At higit sa lahat wala akong kasama sa lahat ng gagawin ko? Kaya mo ba akong tiisin?" nag tatampong tanong ni Krisha kay Lorraine, na kukunwaring umiyak-iyak pa ito.
"Hays... Oo na, oo na Krisha, magtitiis na nga ako para
sa iyo. At saka andito na ako eh, susuko pa ba ako? Kung hindi mo ba naman binully ang mga nagiging yaya mo sana may kasama
ka lagi. Iwan ko sa iyo Krisha at ganyan ka." Napangiti na lang si Lorraine sa kaibigan.
"Bestfriend, alam ko naman na hindi mo ako matitiis eh, salamat. Kaya nong ni-request ko kay dad, na asikasuhin niya papers mo para makapasok ka sa university na ito hindi nagdalawang isip si dad, dahil alam n'yang ikaw lang ang nakaka intindi sa akin. I Love you friend," nagpapa cute na saad ni Krisha.
"At saka, sinasadya kong awayin ang katulong at yaya ko para umalis, nakakainis na kasi iyong dalawang taon na bored ang buhay ko na wala ka," dagdag ni Krisha.
Hindi na muling nagsalita pa si Lorraine, at pinukos na lang nito ang kanyang atensyon sa guro dahil baka mapagalitan ulit sila dahil sa pagkukwentuhan nila ng mahina sa likuran.
----------------------------
"Ang boring mga bro, tara sa mga Freshmen, mukhang maraming mga beautiful and fresh na girl doon ngayon na pwedeng isama sa bar mamaya ni Steven," wika ni Markus na nakataas pa ang paa sa mesa.
Nasa isang private room ang magkakaibigan sa kanilang campus, ito ang kanilang tambayan pag lunchbreak o pag wala silang ginagawa.
Syempre dahil si Austine ang may ari ng university, sadyang nagpagawa s'ya ng ganitong private na silid para sa kanilang tatlo. sabi nga ng karamihan, sila raw ang tinaguriang 3 angels ng university. Tinanggap na lang nilang tatlong magkakaibigan ang bansag na iyon sa kanila dahil nagmukha silang famous at heartthrobs. Mula Elementary pa lang kasi ay magkakasama na sila kaya doon nag umpisa ang kanilang pagkakaibigan na hanggang ngayong kolehiyo na sila, ay sila pa rin ang magkakasama.
Magkakasama sa lahat ng bagay. Sa saya, at lungkot, sa problema na dumarating at lalong-lalo na sa kalukuhan.
"Hoy Austine! Tulala ka d'yan?Namamaligno ka ba?" singhal ni Steven sabay batok kay Austine.
"Sino bang iniisip mo Austine? At napapangiti ka pang nalalaman diyan? Mukhang kinakabahan na ako sa iyo ha," wika naman ni Markus na napatingin kay Austine.
"Wala, naiisip ko lang kung? Ahhh... Basta. Napansin n'yo
ba si Lorraine?" tanong ni Austine sa dalawa at nanatili ang ngiti nito sa labi.
"Yong transferee?" sabay pa sa pagsagot si Steven at Markus na kapwa rin napakunot ang noo.
"What the f*ck! Bakit? Anong plano mo don? Eh, ang weird nun. Pero cute s'ya at may pagka angelic face dahil.." Hindi natapos ang paglalarawan ni Markus dahil sa pagdugtong ng salita ni Austine.
"Dahil innocent at laking probinsya?" Pagdugtong ni Austine at nanatiling nakangiti ito habang nakatingala sa kisame.
Nagkatinginan naman si Steven at Markus at sabay na napatawa.
"So, type mo?" tanong ni Steven sa kay Austine.
"Hindi, Nahihiwagan lang ako sa kanya. Ngayon lang ako nakakita ng katulad n'ya na parang batang walang muwang sa mundo kaya nakaka curious ang kanyang pagkatao. Akalain mo 'yon? May babae pa pa lang katulad ni Lorraine, na mukhang walang alam sa mundo. Alam mo bang dalawang beses ko na siyang munting mabangga bago pa siya nagpakilala sa unahan kanina? Pero kahit tatanga tanga cute siya at mukhang sexy, and virgin. Hindi katulad ng mga babae n'yo na wala ng maipag malalaki. Kulang na lang tumira sa bahay eh, laging nakapalupot na parang ahas hays.. Ayaw ko talaga sa mga ganyang babae parang walang respesto sa sarili.
Ang gusto ko kasi kung mag kaka girlfriend man ako ng seryuso iyong sweet, pero sa paraang inosente 'yong ganun," paliwanag ni Austine.
"Bro, ok ka lang? Grabi ka naman sa maka babae namin. Hoy! Sino ba sa ating tatlo ang tinaguriang heart breaker at playboy? Hindi ba ikaw, kung maka describe ka ng babae parang ang tino mo," nang aasar na sabi ni Markus kay Austine.
"Hindi ako heartbreaker at lalong hindi ako playboy. Kasalanan ko ba na ang babae ang lumalalapit sa akin?
Hindi ako ang lumalapit sa kanila kundi sila. Eh, lalaki ako kaya pinagbibigyan ko lang sila sa kung anong gusto nila. S*x ay di go.. Ako pa ba, eh lalaki ako di ba? Di ba Steven?" saad ni Austine kay Steven na nakikinig lang
sa kanila na napapatawa.
"Sino nga Steven 'yung babae na nagregalo sa kanya ng bracelet na infinity? Pang first weeksarry daw hahaha at ang ugok na ito pinahiya lang sa buong campus," saad ni Markus at tinuturo si Austine.
"Si Athina bro," tugon ni Steven.
"Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa niya? Siya ang lumapit sa akin at nakipag halikan lang agad, tapus kami na agad? At ang masaklap pagkalipas ng isang linggo ay binigyan ako ng bracelet. Hays... hindi ko talaga ma feel at ayaw ko ng ganyan na tipong ang babae ang nag first move. Tapus mag gi-gift sa akin ng kung ano-ano? Nakakawalang gana mga bro,
basta sa ngayon ang gagawin ko at gusto ko lang mapalapit kay Lorraine, nais kong matikman at malaman anong meron sa isang innocent at probinsya girl," nakangiting saad ni Austine na humarap sa kanyang mga kaibigan.
Napapatawa na lang ang dalawa dahil sa naging asal ni Austine. Hindi na bago sa dalawang kaibigan ang pagka interest ni Austine sa babae lalo na bago sa paningin nito, ang nakakapanibago lang sa kanila ay ibang iba si Lorraine sa lahat ng babaeng nais nitong makuha.