Chapter 3

2236 Words
Kanina pa paikot-ikot si Austine sa kanyang silid at napapatitig sa kanyang laptop. Uupo, tatayo na parang may hinahanap na hindi matag puan. "Ano ba 'tong babaeng ito, walang kahit anong social media? Tao ba 'yon? Kahit anong search ko sa pangalan niya hindi ko mahanap. Hay naku Lorraine. Lorraine.. Loraine.. Ginugulo mo ang isip ko, bakit wala ka ng kahit isang social media man lang, tao ka ba? Wala ka bang cellphone at higit sa lahat wala bang internet sa inyo? Saan lugar ka ba lumaki?" Napapa sambunot sabay hilamos na lang sa kanyang mukha si Austine dahil sa buong buhay niya ngayon lang s'ya nakakilala ng babae na wala kahit anong social media. ***************** "Bestfriend, halika nga at magselfie tayo bilis. Halika na at mamaya na 'yang paghuhugas mo ng pinagkainan natin, mag selfie muna tayo. At para naman alam na nila daddy na ok na ok tayo dito," saad ni Krisha kay Lorraine. "Mamaya na!" sigaw ni Lorraine buhat sa kusina. "Ewan ko sa iyo Lorraine.. Takot ka ba sa camera? O, nahihiya ka lang sa mukha mo? Eh, ang cute cute mo naman," muling saad ni Krisha. Habang abalang-abala si Lorraine sa pagliligpit at paglilinis ng pinagkainan, si Krisha naman walang ibang ginawa kundi ang magselfie ng magselfie sa kanyang latest na modelong cellphone. Samantalang si Lorraine ay nag tyatyaga sa keypad na cellphone. "Lorraine ano ba! Ang tagal tagal mo riyan?" singhal ni Krisha. "Malapit na 'to, saglit na lang tapus na ako maghugas ng pinagkainan natin. Maglalampaso lang ako saglit para bukas kahit maagap tayong pumasok hindi marumi ang unit mo sa pag uwi natin," tugon muli ni Lorraine. Likas na masipag si Lorraine sa gawaing bahay, palibhasa panganay siya at bata pa lang ay natutunan na n'yang maglinis, magluto at kung ano-ano pang gawaing bahay. "Ok halika na, mag selfie na tayo." Agad lumapit si Lorraine kay Krisha ng matapos siyang maghugas at magligpit. "Yakkk.. Ano ba Lorraine, maghilamos ka muna, magsuklay man lang. Nakakadiri ka na parang taong grasa, bilis lakad sa shower room at magpalit kana rin ng damit," diritsahang saad ni Krisha sa kay Lorraine. mabuti na lang at sanay na sanay na si Lorraine, sa asal ng kaibigan at baliwala na sa kanya ang pagiging diritsahang pananalita nito. Mabilis na tinungo ni Lorraine ang comfort room, upang maglinis ng katawan at magpalit na rin ng damit. "Oh, ano ok na sige na mag selfie na tayo ok?" saad ni Lorraine kay Krisha matapos siyang mag shower at magbihis ng pangtulog na damit. Napangiti naman si Krisha at agad kinuha ang kanyang cellphone. Hindi na mabilang ni Lorraine, kung ilang beses silang nagselfie at ibat-ibang awra ang knilang pinakita. May naka wacky, may naka smile may naka seryuso na waring galit at suplada. "Lorraine, wala ka ba talagang balak gumawa ng kahit anong social media? Kahit isa man lang?" tanong ni Krisha sa kaibigan. Kasi simula ng umuso ang social media wala itong kahit anong accounts. "Gusto mo gawaan kita ng mga social media accounts?" nakangiting tanong ni Krisha kay Lorraine. "Naku, huwag na. Useless lang naman kasi kung gagawa ako ng ganyan. Alam mo naman sa bahay namin sa bundok walang signal ng cellphone at kailangan pa namin pumunta ng bayan para magka signal ang cellphone kung may importante man kaming ete-text o tatawagan man lang," tugon ni Lorraine. "Hays.. Oo nga naman. Hmmmmp... Sayang, hindi mo ma pa-follow ang 3 angels sa mga social media accounts nila," saad ni Krisha. "Eh, ikaw? Friends mo ba sila sa mga social media?" Nakataas ang kilay ni Lorraine habang nakaharap sa kaibigan na abalang abala pa rin sa kakapindot ng kanyang cellphone. "Ano, hindi nila ako ina-acept eh, saka hindi nila ako pina-fallow back man lang." malungkot na humarap si Krisha kay Lorraine. "Pero ok lang, nakikita ko naman ang mga pictures nila kung saan sila pumupunta at sino-sino man ang kasama nila. Lalo na si papa Austine ko." Nangiti si Krisha. At mabilis pang kinuha ang laptop nito at pinakita ang social media accounts ni Austine. "Crush mo si Austine?" tanong ni Lorraine sa kaibigan habang natingin sa larawan ni Austine na nasa laptop. "Oo, actually silang lahat. I mean silang tatlo. Pero, pinaka gusto ko si Austine para ngang mahal ko na s'ya ei," nagpapacute na saad ni Krisha na parang kinikilig. "Alam mo Krisha, hindi ko talaga ma-imagine na ini-ignore nila beauty mo. Ang ganda kaya ng bestfriend ko, naalala ko pa ng high school tayo lagi ka ngang muse at pangbato sa mga beauty pagent sa atin, at take note laging sa iyo ang corona," pagmamalaking sambit ni Lorraine sa kaibigan niya. "Naku bestfriend, kung hindi ako umiinum ng gluta at ngtuturok ng gluta na iyan, hindi ako mapapansin. Saka anak kasi ako ng gobernador, kaya lagi nila akong sinasali at pinapanalo ng mga beauty pageant. Eh, mas maganda ka panga sa akin, kung aayusan ka tiyak lalabas ang tinatago mong ganda bestfriend, kahit na kayumanggi ang kulay mo ang ganda mo. Kaya, imposible na hindi ka mapapapansin ng 3 angels. Pero, sa 3 angels grounded ka kay papa Austine ha? Akin lang si Austine, sa iyo na si Markus at Steven. Feeling ko ang sarap siguro e-uwi ang 3 angels sa probinsya natin. Siguradong pagkakaguluhan sila doon, dahil walang ganon mukha sa probinsya di ba?" saad ni Krisha. "Maliban na lang sa dati kong manliligaw na si?" dagdag ni Krisha na napapatawa. "Si Roberto, ang patpating anak ni mayor," sabay na saad ni Lorraine at Krisha ang habang nagtatawanan. ***************** "Kanina pa ako dito parking Lot hindi ko alam sa sarili ko bakit tila may hinihintay akong tao dito. Ano ba self, chill ka lang kanina kapa tense eh," bulong ni Austine sa kanyang sarili. Alas sais pa lang ng umaga nasa university na si Austine at ginugol ang kanyang oras sa parking lot habang kinakalikot ang kanyang cellphone. Halos naka idlip na nga siya sa tagal ng oras na naroroon siya hanggang biglang may kung ano sa puso ni Austine na hindi maipaliwanag. Sunod-sunod ang kabog nito na tila nag unahan ng may biglang pumaradang sasakyan sa tabi ng sasakyan niya at lalong sumidhi ang kanyang kaba ng lumabas dito ang isang babae at ang babaeng gustong-gusto niyang makita mula pa kanina. Ang babaeng may dahilan kung bakit ang agap niyang pumasok sa university. Ito rin ang dahilan kung bakit tila may tumatambol ngayon sa kanyang puso na halos mabingi na siya sa lakas. "Gosh! Bakit ganito ako sa iyo Lorraine, lakas ng presensya mo sa akin. Sa iyo lang ako nagkakaganito, ikaw lang ang may kakayahang magpalakas ng t***k ng puso ko," saad ni Austine habang nakakatitig siya sa mukha ni Lorraine na papalapit sa kanya. Nakaramdam na siya ng kabog sa dibdib kahapon ng mapagmasdan si Lorraine, kaya nga siguro nagka interest siya dito. Pero bakit tila mas lumalala ito ngayon dahil tuluyan na siyang nagka interest sa pagkatao nito. Katulad ng naunang araw, isang simple na shirts at maong pants ang suot ni Lorraine. Hindi magkamayaw si Austine dahil lumapit sa kotse niya ang dalawang dalaga. At sinisilip silip pa ni Krisha ang loob ng kanyang kotse, lingid sa kaalaman ng dalawa na pinagmamasdan lang sila ni Austine. "Tsssk... Miss. Kahit anong gawin mong pagsilip hindi mo ako makikita, tinted ang kotse ko. Hindi ko naman naintindihan ang pinagsasabi ng dalawang ito pero base sa buka ng bibig nila ay mukhang ako ang hinahanap nila," saad ni Austine sa kanyang sarili. Nabigla si Austine ng si Lorraine naman ang sumubok sumilip at tumingin sa bintana ng kanyang kotse. Lapat na lapat ang dalawang kamay ni Lorraine sa bintana na nag pursigidong makita kung anong meron sa loob ngunit biglang binaba ni Austine ang bintana, kaya biglang nasubsob sa pisngi niya ang mukha ni Lorraine. Naglapat ang labi ni Lorraine sa pisngi ni Austine, mabuti na lamang at nakatagilid siya kung nagkataon na humarap s'ya nahalikan na s'ya sa labi ng dalaga. "What are you Doing?" tanong ni Austine kay Lorraine. Na kapwa pa sila nagkatinginan. Parang may biglang kuryente naman ang dumaloy sa buong pagkatao ni Austine, ng lumapat ang buong mukha ni Lorraine sa pisngi niya, lalo na ang labi nito. Kuryenteng gumising sa buong pagkatao niya. ---------- in Hour ago -------- "Ops... Inagapan ko na nang gising ha, five pa lang ng umaga bumangon na ako at nagluto ng almusal natin. Nakakagutom kasing pumasok sa school ng walang laman ang tiyan," saad ni Lorraine sa kanyang kaibigan na kakagising pa lang. Alas sais pa lang ng umaga papunta na sila sa school. Syempre, dahil may pera naman ang pamilya ni Krisha afford nitong magkaroon ng sariling kotse . Saktong ala syete ng umaga nasa university na sila. Naghahanap ng parking lot si Krisha, nang bigla itong humiyaw na parang nakakita ng multo, kaya bahagyang nagulat si Lorraine. "Wahhhhh!!! O my Gosh! Sasakyan 'yon ni papa Austine, andito na s'ya O.M.G." Hindi magkamayaw si Krisha sa paglabas ng sasakyan at sinundan lang ito ni Lorraine. "Kotse 'to ni papa Austine ko, tara lapitan natin baka andiyan pa siya sa loob ng kotse. Wait, silipin ko lang ha, hays.. Ano ba 'tong kotse na ito, bakit tinted hindi tuloy makita ang nasa loob. Ikaw na nga bestfriend ang sumilip. Silipin mo baka makita mo kung may tao sa Loob bilis Lorraine dali." Utos ni Krisha sa kaibigan. "Paano natin makikita ang nasa loob eh, kulay itim ang bintana oh. Sarili ko nga nakikita ko," saad ni Lorraine. "Basta silipin mo!" singhal ni Krisha. Kaya agad sinilip ni Lorraine ang bintana. "Oo, ito na nga oh. Sinisilip na, hindi ko nga makita Krish, madilim," saad muli ni Lorraine habang pinipilit niyang makita and loob ng kotse. "What are you doing?" "Arayyy may tao!" Nabigla si Lorraine, dahil hindi n'ya maipaliwanag ang sarili dahil sa paglapat ng kanyang buong mukha niya sa lalaki. At nakaramdam si Lorraine, ng parang kuryente na nanalantay sa kanyang buong pagkatao na lalo na't nakita niya ang mata nito at salubong ang kilay na tumingin sa kanya kaya bigla siyang napatakbo. "Wait Lorraine.. Hintayin mo ako Lorraine," saad ni Krisha na patakbong humabol sa kaibigan. hingal na hingal ang dalawang magkaibigan ng pumasok sa silid nila at diri-diritso sa kanilang upuang dalawa. "Nakakahiya... Anong ginagawa ko hays..." Sampal sampal ni Lorraine ang kanyang mukha dahil sa kanyang nagawa. "Hoy!! Nakaka inggit ka nga eh, nahalikan mo pisngi ni papa Austine ko, tssssk.... Nakakainis ka Lorraine! Huhu." Halos napapaiyak na si Krisha, habang hinahampas nito ang balikat ni Lorraine. Ngunit wala lang si Lorraine dahil mas nanaig sa kanya ang kahihiyan sa sandaling makita niya ang binata. Nakatulala lang si Lorraine habang dumarating ang iba nilang kamag-aral. Nabawi lang ang kanyang pagkatulala ng biglang pumasok ang Guro nila kasabay nito ang 3 angels. Hindi alam ni Lorraine,kung saan babaling ang kanyang patingin wari niya kasi ay nakatingin sa kanya si Austine. Good morning class," bati sa kanila ng kanilang Guro. Good morning sir," tugon ng mga estudyante. "Gusto ko lang, sabihin sa inyo na magkakaroon kayo ng by groupings at by four. At umpisa ngayong araw ang inyong kasama sa groupings ay siyang makakasama ninyo sa lahat ng inyong gagawing thesis, research at kung ano pa man na proyektong gagawin," paliwanag ng kanilang guro. Agad naman nag groupings ang mga estudyante at kanya-kanyang group na ang binuo. Tatayo na sana si Lorraine, upang tumungo kay Krisha, pero nagulat na lang si Lorraine ng may lalaking tumabi sa kanyang upuan. "Sir, ok na po kaming apat. Ako po, si Markus, si Steven, at Miss. Lorraine," saad ni Austine. Hindi na nakapag salita si Lorraine, hindi lang sa pagsali ni Austine sa kanya sa kanilang group kundi sa presensya nitong malapit sa kanya. Feeling niya kasi, naninigas ang kanyang buong katawan at hindi makagalaw. Paglingon ni Lorraine sa kanyang likuran ay naroroon si Markus at Steven na parehas ngumiti sa kanya. Pagtingin naman niya kay Austine ay kumindat lang ito sa kanya kaya imbes na aayaw siya at tutungo kay Krisha ay hindi na niya nagawa. "By the way Miss. Jacinto, bakit wala kang sss acount na pinasa sa akin?" tanong ng guro kay Lorraine. "Po? Ano po 'yon?" tanong ni Lorraine. Biglang nagtawanan ang lahat ng estudyante sa silid dahil sa sagot n'ya. Hindi naman talaga niya alam kung ano 'yung sss acount na 'yun. "Miss. Jacinto, so hindi mo talaga alam kung anong sss acount? at wala ka noon?" Kumunot ang noo ng Guro nila. Umiling-iling si Lorraine at doon muling nagtawanan ang buong kaklasi niya maliban sa kanyang matalik na kaibigan na si Krisha at Austine. "Miss. Jacinto, kailangan mong magkroon ng sss acount, dahil isa 'yun sa pinaka mahalaga sa klase natin dahil dito ninyo ipapasa sa akin ang lahat ng research, at thesis ninyo," saad muli ng kanilang Guro. Sasagot na sana si Lorraine ng biglang nagsalita si Austine. "Ok na sir, ako na lang po gagawa ng sss account ni Lorraine, saka ka groups na namin siya, kaya hindi na masama kung ako tutulong di ba Lorraine?" saad ni Austine. At tumingin pa ito kay Lorraine ng nakangiti. "Ha? Oo," tanging naging tugon ni Lorraine, at bahagya nitong inusog ang kanyang upuan palayo kay Austine. Napatawa naman si Markus at Steven sa kanilang likuran. For the first time kasing parang may umiwas kay Austine, at si Lorraine pa ito na isang probinsyana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD