Chap. 4 " String "

1601 Words
"Bestfriend, bakit hindi ka nagsasalita diyan? Ang laki na ng problema ko ano ba kasi yung sss acount na 'yon? Hays... Sa probinsya wala namang ganyan ganyan eh, basta may thesis ka ok na," saad ni Lorraine habang nakatingin kay Krisha. "Nakakainis ka kasi setmate kayo ni Austine nagseselos ako Lorraine huhuhu, Lorraine 'wag mong lalandiin si Austine ha? Lagot ka talaga sa akin at hindi na kita bestfriend pag ginawa mo yun naiintindihan mo ba!?" Halos sampalin na ni Krisha sa galit si Lorraine dahil sa selos na nararamdaman nito sa kaibigan. "Ano ba! Ikaw na lang pumalit sa akin doon ka umupo sa upuan ko kakainis eh, parang sinasadyang magka setmate kami tapos magiging partner kmi sa lahat? Kaka inis hindi mo ba alam halos lahat ng mga babaeng kaklase natin ang sama ng tingin sa akin, na parang gusto nila akong patayin hay naku!" pagmamaktol ni Lorraine, dahil pakiramdam niya pinagtitripan siya ng grupo ni Austine. "At saka wala sa plano ko, ang landiin si Austine, alam mo kung bakit ako naririto kahit mahirap dahil sa pamilya ko. Gwapo si Austine oo, pero hindi sapat na dahilan iyon para sirain ko ang pagkakataong naibigay sa akin kaya erase erase iyang maduming pag iisip mo," saad muli ni Lorraine. At sa pagkakataong iyon medyo kumalma si Krisha sa pagka bwisit sa kay Lorraine. -------- 3 angels private room "Bro, ngiting-ngiti ka na naman diyan? Nakakatakot ka na ha," saad ni Markus kay Austine ng makita itong napapangiti. Si Austine naman naka higa lang sa isang sofa habang nakatitig sa kesame na pangiti ngiti waring nag e-imagine ng kung ano-ano, at hindi pinapansin ang sinasabi ng kaibigan. "Mga bro, diba sabi ko sa inyo gagawin ko ang lahat para mapalapit kay Lorraine," tugon ni Austine dahil natahimik at nakatitig lang sa kanya ang dalawang kaibigan. "Tssssk.... Gusto mo ba si Lorraine bro,?" tanong naman ni Steven kay Austine at maging si Markus ay naghihintay ng sagot ni Austine. "I don't know mga Bro, basta ang alam ko gusto kong malaman ang pagkatao ni Lorraine masyadong interesting ang pagkatao sabihin na natin na... Ahmmm cute s'ya innocent face kahit simple shirts at jeans ang suot n'ya lakas ng dating eh, kaso ang weird walang social media hindi ko alam saan lupalop ng kabundukan nang galing si Lorraine kaya napaka interisado diba mga bro?" tugon ni Austine, at hindi mawala wala ang ngiti nito sa labi. "Tsssk... Baka inlove ka na bro, hahaha akalain mo sa dami daming babaeng lumalapit at halos maghubad sa harapan mo sa isang probinsyana ka lang nag ka interest ng ganyan diba Steven?" saad ni Markus, at napatingin pa ito kay Steven. "Mismo bro, don't worry Austine susupurtahan ka namin sa iyong unang pag -ibig haha," tugon ni Steven na napatawa pa ito sabay tapik sa balikat ni Austine. "Mga sira ulo!" Bumangon si Austine at lumabas ng private room nila. "Saan ka bro?" sabay na tanong ng dalawa ni Steven at Markus. "Sa cafeteria hahanapin ko ang aking setmate," nakangiting tugon ni Austine. Nagkatitigan naman si Steven at Markus sabay na natawa dahil sa mga kinilos na kakaiba ni Austine. ------------- "Paano ba kasi to gamitin laptop na ito sabi ni Krisha parang pisonet lng 'to eh, asan ka na ba Krisha?" Abala si Lorraine sa paggawa ng sss acount sa laptop ni Krisha ngunit wala s'yang alam paano gamitin 'yun, balibhasa di keypad ang cellphone niya at wala s'yang alam paano gumamit ng laptop. Pisonet maari pa dahil ito ang ginagamit n'ya para sa mga academic nya sa probinsya maging sa mga thesis. Pumasok ng cafeteria si Austine. Hinahanap niya si Lorraine kanina pa s'ya paikot ikot ngunit hindi niya makita ang babaeng hinahanap n'ya. Naiinis na nga s'ya sa mga babaeng buntot ng buntot sa kanya kanina pa. Kaya gumawa s'ya ng paraan para maka iwas sa mga ito at tinaguan lang naman n'ya ito sa puno malapit sa cafeteria. "Hays.... Nakaka inis din minsan ang maging pogi ano ba kasi 'tong mga babaeng to hindi ba sila nagsasawa sa mukha ko well hindi ko naman sila masisisi," bulong bulong ni Austine sa kanyang sarili habang nakangiti at believe na believe sa sarili. Aalis na sana si Austine sa puno upang bumalik sa kanilang private room ng marinig s'yang parang may tao sa likod ng puno kung saan s'ya nakatayo kaya umikot siya at inalam kung sino ito. Maingat n'yang sinilip kung sino ito, pero bakit tila ito na naman na may kung ano sa puso niya at bigla bigla na lang itong tumitibok ng malakas pagka ikot n'ya sa puno laking gulat ng nalamang n'yang si Lorraine ang taong naka upo abala sa pagpindot ng laptop at kanina pa hindi alam kung anong gagawin. "What are you doing Miss. Jacinto? Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala nagtatago?" tanong ni Austine kay Lorraine at agad itong ngumiti. Muntik ng maitapon ni Lorraine ang laptop ng kaibigan dahil nagulat s'ya ng may nagsalita sa likuran niya at lalo s'yang nagulat dahil si Austine ito. "Austine! Anong ginagawa mo dito?" tanong din ni Lorraine kay Austine. "Hinahanap kita kanina pa, dito lang pala kita matatagpuan ano bang ginagawa mo dito?" muling tanong ni Austine kay Lorraine at bahagya itong lumapit sa dalaga. "Ha? Hinahanap mo ako? Bakit?" tugon na patanong ni Lorraine habang tinuturo ang kanyang sarili. Pero bakit tila hindi maintindihan ni Lorraine ang sarili dahil para s'yang kinukuryente ang buong katawan dahil sa mga tingin at presensya ni Austine malapit sa kanya at lalong dumoble ang t***k ng kanyang puso ng tumabi ito sa kanya. Sinusuri ni Austine ang ginagawa ni Lorraine at halos matunaw siya ng nagtama ang kanilang mata parang s'yang lalagnatin sa oras na 'yun. Si Lorraine na ang umiwas dahil pakiramdam n'ya pulang pula na ang mukha n'ya sa init ng nararadaman niya. "Hinahanap kita, ahmm.. Ano kasi, dahil diba sabi ko sa iyo gagawan kita ng sss acount. Kasi... Kasi setmate kita at ano, wala lang," tugon ni Austine na halos magka utal utal na hindi makatingin ng diritso sa mata ni Lorraine. "Austine, salamat ha baka malate na tayo tapos na ang lunch break natin tayo na silid natin." Tumayo si Lorraine at lumakad papunta sa kanilang silid ng bigla s'yang tinawag ni Austine kaya napalingon ito sa binata. "Lorraine, pwede ko bang makuha ang cellphone number mo?" tanong ni Austine. Hindi alam ni Austine kung bakit sa lahat ng hiningian niyang number kay Lorraine lang siya nakaramdam ng kaba na akala mo'y may naghahabulan na kabayo sa kan'yang puso. Parang binuhusan ng mainit na tubig si Lorraine ng mga oras na iyon dahil sa tanong ni Austine sa kanya. "Ha? Ako? Number ko?" paniniguro ni Lorraine, iyon ang unang pagkakataon na may nanghingi ng number niya at si Austine pa ito. "Oo, cellphone number mo, 'wag mong sabihin wala kang cellphone? Akina ang cellphone mo at ako mag se-save ng number ko, tawagan mo ako mamaya ha at may itatanong ako about sa iyo diba setmate tayo dapat magkaroon tayo ng connection. I mean communication sa bawat isa." Nakalahad na ang kamay ni Austine hinihintay ang pagbibigay ng cellphone ni Lorraine. Dudukot na sana si Lorraine sa kanyang bulsa ngunit naalala n'ya ang hitsura ng kanyang cellphone. "Ano Austine, ako na lang magbibigay ng number ko sa iyo akina cellphone mo?" saad ni Lorraine at siya na ang naglahad ng kanyang kamay para sa cellphone ni Austine. Agad naman dinukot ni Austine sa kanyang cellphone sa bulsa at binigay kay Lorraine. Ngunit kapwa sila nagka titigan dahil sa paglapat ng kanilang kamay na waring parehas sila nagkaramdam ng kung ano mang kuryenteng nag ugnay sa kanila parehas na parang string na pinagdugtong sa kanilang kamay. Kaya agad napabitaw si Lorraine at nag type ng kanyang cellphone number sa phone ni Austine. Pagkatapos mag type ni Lorraine ng kanyang number, sa cellphone ni Austine, ay tumakbo na ito papasok sa room nila. "Austine text mo ako ha salamat," wika ni Lorraine habang pagtakbo papasok ng silid nila. "Ang weird mo Lorraine, binigay mo nga ang cellphone number mo, pero tinakbuhan mo naman ako. Hmmmp.. Naramdaman n'ya rin kaya 'yung kanina? Parang kuryenteng nag uugnay sa aming dalawa? Bakit kaya ganun? Sa dami daming babaeng lumalapit sa akin sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam?" bulong ni Austine sa kanyang sarili habang papasok sa sa kanilang silid. Seryusong pumasok si Austine ng pumasok sa silid ng makita n'yang andon na ang kanilang guro sa silid. Maging ang kanyang mga kaibigan ay naroroon na. Pa simple niyang pinagmamasdan ang babae sa kanyang tabi at hindi manlang s'ya tinatapunan ng tingin na kahit naka upo na s'ya nanatili lang itong naka yuko. Halos matatapos na ang maghapon na klase, ngunit si Lorraine parang walang katabi, hindi n'ya magawang kausapin ang katabi n'ya o kahit silipin man lang. Pakiramdam kasi ni Lorraine, muli siyang mapapaso kapag titingin o lalong kakausapin man lang si Austine sa tindi ng presenyang nararadaman niya dito. "Lorraine.... Lorraine.... Bakit ganyan ka? hindi mo ba ako napapansin? Kahit sulyap man lang hindi mo magawa? para tuloy akong tuod dito, kung ibang babae lamang katabi ko baka hindi lang simpleng tingin ang ginawa sa akin baka halos yakapin na ako," bulong ni Austine sa isip niya habang pinagmamasdan lamang nito ang kanyang katabi na walang pakialam sa kanya. Lalo tuloy naka interest si Austine sa pagkatao ni Lorraine, hindi dahil may kakaiba siyang nararamdaman kapag nakakausap niya ito, kundi dahil sa unang pagkakataon may isang babaeng tila ba umiiwas sa katulad niyang campus crush ng university.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD