Chap. 5 "sss account "

1793 Words
Abala si Lorraine, sa unit ni Krisha sa pagluluto ng kanilang hapunan habang sinasabay n'ya na rin ang pagliligpit, paglilinis ng buong unit. Pawis na pawis s'ya ng matapos ang pagluluto at patakbong binalikan ang paglalampaso sa buong bahay ng tumunog ang kanyang cellphone at agad nitong sinagot ang tawag. Napangiti si Lorraine ng makita niyang ang ama ang tumatawag,"Hello pa, kumusta po kayo diyan? Nasa bayan pa po ba kayo? Anong oras na po baka gabihin kayo niyan pauwi sa atin," sunod sunod na tanong ni Lorraine sa kanyang ama. "Okey naman kami anak, ikaw kumusta ka na diyan? Ngayon lang kasi kami nakababa ng bayan kaya ngayon lang kami nakatawag sa iyo kumusta school mo? Okey lang ba?" tanong din ng ama ni Lorraine sa kabilang linya. "Ok naman ako pa, ito nag a-adjust ang hirap papa kasi, karamihan sa estudyante na nag aaral sa university na iyon, eh mayayaman. At ayon nga papa mukhang ako lang yata ang pinaka mahirap doon pero pa, 'wag po kayong mag alala dahil naririto naman po si Krisha eh, at hindi niya po ako pinapapabayaan," muling saad ni Lorraine habang hindi mawala wala ang ngiti sa labi. "Alam ko anak, kaya gawin mo ang lahat ng makakaya mo para sa pamilya nila. At napaka swerte mo at ngayon dahil nakakapag aral ka ng kolehiyo kung kami lamang kahit siguro high school hindi ka namin mapag aaral. At ang pag aaral mo 'yan ang malaking utang na loob natin sa kanila, dahil mula high school sila na ang tumutulong sa iyo sa pag aaral mo. Kaya tumanaw ka ng utang na loob sa kaibigan mo anak ha?" saad muli ng ama ni Lorraine, na nararamdaman naman ng dalaga ang kalungkutan ng kanyang ama. "Opo pa, ahmm pa... Mis na mis ko na po kayo, kayong lahat diyan ng mga kapatid ko at syempre si mama. Alam n'yo naman po na ngayon lang ako nahiwalay sa inyo ng ganito kalayo. Pa, mag iingat kayo diyan palagi ha? Pa, kapag nakapagtapos na ako nag pag aaral hindi na kayo magtatrabaho sa bukid, dahil may maganda na akong trabaho at iaahon ko kayo ang pamilya ko sa hirap. Pa... Pa... nariyan pa po ba kayo?" Bigla kasing tumahimik ang kabilang linya at waring wala ng nagsasalita. "Oo anak, salamat anak at napaka buti mong anak sa amin mag iingat ka palagi diyan ha? Miss na miss ka na rin namin ng mama mo maging ang mga kapatid mo. Oh hala sige anak uuwi na kmi at gumagabi na bye anak." Paalam ng ama ni Lorraine at agad nag end ang cellphone. "Bye pa," bulong ni Lorraine habang nakatitig sa kanyang cellphone. Napatulala na lang si Lorraine sa kanyang cellphone habang may mga luhang lumalabas sa kanyang mata. Alam niyang, katulad niya ay nalulungkot ang kanyang ama kaya agad itong nag paalam mula pagkabata kasi, ngayon lang siya napalayo sa pamilya. "Makakaraos din tayo pa, kaya natin 'to," saad ni Lorraine sabay punas sa mata niya at bumalik na s'ya sa kanyang paglilinis ngunit biglang tumunog muli ang cellphone at agad iyon sinagot ni Lorraine ng hindi tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hellow pa, sabi n'yo uuwi na kayo? Gabing gabi na papa at sige na may ginagawa rin kasi ako, naglilinis ako ngayon ng bahay eh. Pa... Hello pa.. Nariyan pa kayo?" tanong ni Lorraine sa kabilang linya. "Si Austine ito, ahmm sorry may ginagawa ka pala? Sige na tapusin mo muna iyang ginagawa mo bye." At agad pinatay ni Austine ang pagtawag. Parang binuhusan si Lorraine ng malamig na tubig dahil ang akala niya ang ama pa rin niya ang kanyang kausap ngunit si Austine na pala 'yon. Muntik na s'yang makalimot dahil naibigay nga pala n'ya ang cellphone number niya kanina kay Austine, at dahil wala naman kasing ibang tumatawag sa kanya kundi ang papa niya at si Krisha bukod doon wala ng iba kaya inisip niyang ang ama niya ito. -----------------Hour ago ---- Kanina pa dina-dial ni Austine ang cellphone number ni Lorraine ngunit laging busy ang linya nito. "Busy!? Naka tatlong dial na ako ah ngunit busy pa rin may kausap si Lorraine? Hmmp... Baka my boy friend na? " saad ni Austine sa kaniyang isip habang dial dial pa rin ang kanyang cellphone. Para naman may kumurot sa puso ni Austine kapag naiisip n'yang may karelasyon na si Lorraine at tila hindi niya matanggap kung sakali man mayroon ng nag mamay-ari kay Lorraine at kaya hindi siya nito pinapansin. "Hindi ma aari...Hindi pwedeng mayroon na siyang ka relasyon," bulong niya sa isip n'ya at isang dial ulit at biglang lumawak ang ngiti nito ng nag ring ang kabilang linya nangangahulugang hindi na ito busy. Napangiti na lang si Austine sa sunod sunod na salita ni Lorraine sa kabilang linya dahil hindi man lang nagtanong ito kung sino s'ya kaya noong nagpakilala siya ay agad siyang nag paalam dahil hindi mawala wala ang kanyang ngiti sa labi. Hindi na rin hinintay ni Austine ang sagot ni Lorraine, ang sagot nito nang nagpakilala s'ya dahil halatang nagulat ito sa pagtawag niya. Tatayo, lalakad, uupo ang tanging nagagawa ni Austine sa loob ng kanyang silid at hindi alam kung anong gagawin habang hawak hawak ang kanyang cellphone. "Tama... e-tetext ko na lang si Lorraine, sigurado naman makakareply s'ya kahit may ginagawa s'ya diba?" saad ni Austine habang kinakausap ang kanyang sarili sa salamin. ---Via TEXT--- "Hi Lorraine kumusta? Pasensya na at naabala pa kita sa ginagawa mo. By the way, ako 'to si Austine your classmate, at setmate." Pinadalang text ni Austine. "Pasensya na Austine, akala ko si papa ka." Reply ni Lorraine. "Ang ikli naman ng reply nito ano ba 'to?" Napasalubong ang kilay ni Austine habang binabasa n'ya ang reply ni Lorraine. "Ahm...Lorraine busy ka ba? pwede bang maka isturbo? May itatanong lang ako sa iyo? About your personal, diba alam mo na nag promise ako sa iyo at na ako ang gagawa ng sss acount mo at kaylangan ng personal na details na galing sa iyo :-)." Nilagyan pa ng emoji na smile ni Austine bago senend ang kanyang text. "Ok," tanging reply ni Lorraine. "What!? Ito lang talaga reply n'ya? Ok? Ang haba haba ng text ko reply ok? I can believe sa lahat ng katxt kong babae s'ya lang ang ganito tsssk ..." Napahawak si Austine sa kanyang ulo, at hindi pa rin makuha ang attention ni Lorraine. "I need your full name, birthday, address, status at vital statistics?" Napangiti si Austine dahil sa kanyang huling text. "Lorraine Ann Gabos Jacinto. July 10 19** Province of Quezon, Single at vital statistics? kaylangan pa ba nun? Hindi ko alam eh, diba pag vital statistics sukat ng katawan? Basta ang alam ko, ang sukat ng bra ko 34-B ang size ng pantalon ko 30, hindi ko alam bewang ko eh basta kahit ano na lang ilagay mo," tugon na text ni Lorraine. Napatawa si Austine ng mabasa niya ang reply ni Lorraine,"Sinagot niya talaga ang tanong ko at diniscribe pa talaga. Napaka inosente mo talaga Lorraine." Hindi mawala wala ang ngiti ni Austine sa kanyang mga labi. "By the way Lorraine, may boyfriend ka na ba?" Napapakamot si Austine habang muling binabasa ang kanyang etetext kay and Lorraine,"Bakit ko nga ba ito ginagawa? Pero sige na nga." At agad na send ni Austine ang kanyang text. Kaya ng tumunog ang cellphone ni Austine hindi ito magkamayaw kung anong reply ni Lorraine. "Kailangan pa ba talaga 'yan? Wala pa akong nagiging boyfriend, kaya ibig sabihin single ako since birth," tugon ni Lorraine sa text. Napahiga si Austine habang nakangiti at nakaramdam siya ng kasiyahan dahil sa kanyang nalaman tungkol kay Lorraine kaya agad niya itong nereplyan," Oo, kailangan 'yan. Ok sige salamat at gagawin ko na ang sss account mo ngayon at bukas na bukas ko rin ibibigay agad sa iyo ang details ng sss account mo maging password." Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ni Austine habang muling nag send ng text message kay Lorraine. "Ok salamat ulit, good night," tanging tugon ni Lorraine sa text. Kaya ang ngiti ni Austine kamakailan ay napalitan ng seryusong mukha,"What!? Good night na agad wala man lang itatanong sa akin?" Mag tetext pa sana si Austine ngunit hindi na dahil pakiramdam niya ayaw na s'ya nitong katxt base sa pag paalam nito sa kanya pero ang totoo ay nakagawa na s'ya ng sss account ni Lorraine bago pq siya tumawag dito. At iyong personal information ni Lorraine ay simple lang niyang nakuha dahil kinuha niya lang naman ang files nito sa eskwelahan kanina bago sila umuwi at syempre hindi makakatanggi na ibigay sa kanya ng office lalo na at anak s'ya ng may ari ng university. ------------------- "Heyy BFF sino ba 'yang ka txtmate mo? at mukhang napakaseryoso mo? Kanina pa kita pinag mamasdam ha. Ahmmm nagkapagluto ka na ba? Tara kain na tayo at nagugutom na ako." At agad naman tumayo si Krisha at hinila si Lorraine patungo sa kanilang mini kitchen. "Ahm.. Wala, oo, nakapag luto na ako," tugon ni Lorraine sa kaibigan at agad nitong tinago sa bulsa ang cellphone nito. Habang nasa hapag kainan naitanong ni Lorraine sa kaibigan n'ya kung kaylangan ba raw sa sss acount ang vital statistics, at kung may boy friend o, wala. Hindi kasi mapalagay si Lorraine at hindi mapakali sa pinagtatanong sa kanya ni Austine sa text messages. "What?" tanong ni Krisha kay Lorraine na muntik na itong mabulunan kaya agad itong uminom ng tubig, pagkatapos uminom tumawa na ito ng tumawa kay Lorraine. "Bestfriend, alam mo nakakatawa ka? sss account lang 'yun, saka ay naku ewan ko sa iyo. Ang kaylangan lang naman doon birthday mo, full name, cellphone no. Wala na iyong vital statistics at boyfriend boyfriend ano ka ba? Yaan mo, mamaya ipaggagawa kita ng sss account at madali lang naman 'yon," saad ni Krisha at nagpatuloy na ito sa kaniyang pagkain. "Huwag na Krisha, may gumawa na. Salamat na lang, nagpagawa na ako," tugon ni Lorraine. "Huh sino?" tanong ni Krisha kay Lorraine at waring nagtataka dahil sa naging saad nito. "Ahm.." Hindi alam ni Lorraine kung sasabihin ba niya na si Austine, dahil kung sakali baka sampalin siya nito dahil ayaw pa naman nito na dumidikit at umuugnay siya sa binata, "Wala, sige kumain ka na ng kumain para matapos na at gabi na, maagap pa tayo bukas." Pag iiba ng usapan nila magkaibigan. Mabuti na lang at hindi na ito nangulit at nagtaka kaya napanatag si Lorraine. Matapos silang kumain agad niyang niligpit ang kanilang pinagkainan, at habang nagliligpit siya, iniisip niya ang mga tanong ni Austine tungkol sa vital statistics at status niya dahil hindi niya pa rin maintindihan kung bakit maging iyon natanong ni Austine sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD