"Ano ba kasi ang ginagawa natin dito Krisha? kanina pa tayo dito mag iisang oras na, alas syete na oh, alas sais pa lang andito na tayo sa parking lot sino ba kasing hinihintay natin dito?" tanong ni Lorraine sa kaibigan dahil bored na bored na siya sa loob ng kotse at hindi mapakali sa kanyang upuan dahil nanatili sila sa loob at walang balak lumabas ng kotse si Krisha at pinipigilan din siya nitong lumabas.
"Wait lang Lorraine, hihintayin natin ang 3 angels. Dito kasi laging nag pa-park si Austine eh, saka si Steven at Markus, " tugon ni Krisha habang nakangiti.
Nakaramdam ng kunting inis si Lorraine dahil sa inaasal ng kanyang kaibigan na animoy parang isang stalker sa tatlong magkakaibigan.
"Hayy naku best friend ganyan ka ba talaga ka disperada? Dahil nagiging stalker ka na nila
si Austine kagabi-"
Hindi na natuloy ang pagkwento ni Lorraine dahil biglang ng tumili ito na parang na iihi.
Nang tiningnan ni Krisha ang sidemirror nito may tatlo ngang sasakyan na paparating at sakto doon nga mag papark sa katabing kotse ng kaibigan niya, kaya ngayon alam na ni Lorraine ang trip ng kanyang kaibigan.
"Ayan na na sila waaaaaaah!! halikana Lorraine labas na tayo," saad ni Krisha na akala mo nanalo sa lotto sa sobrang saya.
Pailing-iling na lang si Lorraine at sumunod sa kaibigan ganoon na lamang ang pagka bigla niya na maraming kababaihan ang nag aabang sa tatlo na ang akala
n'ya ang kaibigan lang niya ang nagmumukhang stalker sa tatlong campus crush.
"Hi Lorraine ang agap mong natulog kagabi ha?" saad ni Austine na tumigil sa harap ni Lorraine at napangiti pa ito, saka nagpatuloy lumakad papasok ng university.
Si Steven naman at Markus kapwa rin napangiti kay Lorraine kaya lalong napakunot ang noo ng mga babaeng naroroon na nag aabang sa pagdating ng tatlo.
Kaya si Lorraine napalaki ng mata ng bahagya dahil sa sinabi ni Austine, kaya tuloy napakunot ang mga noo ng mga babaeng nakarinig at tumitig sa kanya maging ang kanyang kaibigan na si Krisha.
"Wait Lorraine ano 'yun? Binati ka ni Austine tapus alam n'yang maagap kang natulog kagabi?Tapatin mo nga ako bestfriend ha ano 'yun?" tanong ni Krisha at nakapamewang pa ito sa harap ni Lorraine.
"bestfriend, diba nga sabi n'ya s'ya raw gagawa ng sss account ko? kaya ayon kahapon kinuha n'ya cellphone number ko para raw sa mga detail na itatanong niya," tugon ni Lorraine at hindi niya magawang mag sinungaling sa kaibigan.
"So, s'ya 'yung ka text mo kagabi? Oh my Gosh!? Siya ba ang ka text mo kagabi? " paulit ulit na tanong ni Krisha kay Lorraine habang hawak hawak nito ang magkabilang balikat at parang batang nagtatanong at nagtatampo sa style na pinapakita ni Krisha.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin Lorraine, bakit? Napakaswerte mo naman talaga, dahil sa bukod sa katabi ka nito palagi sa upuan during classes, binabati ka pa at ang malala ka text mo na siya," saad ni Krisha na parang mangiyak ngiyak na ito sa pagsasalita.
"Hay naku, napaka arte mo walang meaning 'yung palitan ng txt messages namin kagabi ano ka ba. Tinulungan n'ya lang ako sa sss account na iyo, at bukod doon wala na don't worry bestfriend hindi ako sasama sa fansclub niyo na hangang hanga sa tatlong iyon lalo na kay Austine, at alam mo naman ang dahilan ko kung bakit ako andito ngayon diba? Nag aaral ako at hindi para humanap ng lalaki, naiintindihan mo ba Krisha?" seryosong saad ni Lorraine sa kaibigan.
"Oo na, oo na pero nakaka pag selos ka pa rin, dalawang taon na akong stalker ng 3 angels tapos kahit hi, wala akong natatanggap samantalang ikaw na isang linggo pa lang? Naka txt mo na at si Austine pa 'yun ha? Hays... kung hindi lang kita bestfriend sinambunutan na kita. Hmm.. Bestfriend paalala lang ha, alam mo naman maraming babaeng admirer at stalker iyan si Austine, kaya mag ingat ka at baka mabully ka nila, tingnan mo simpleng bati lang sa iyo ni Austine ang sama na ng tingin sa iyo ng mga babaeng saksi sa pagbati sa iyo ng 3 angels, lalo na ni Austine," saad ni Krisha.
"Hays... Bakit kasi binati bati pa ako ni Austine, mas lalo tuloy akong naiilang sa kanya. Dagdag pa itong mga babaeng akala mo inagawan ng yaman, " bulong sa isip ni Lorraine habang papasok
na sila sa kanilang silid.
-----------
"Good morning class," pagbati ng propesor nila sa kanila.
"Good morning sir," tugon nilang lahat na mga estudyante.
"Miss Jacinto mabuti naman
at nakapagpasa ka na ng sss acount mo, at s'ya nga pala class nxtweek magkakaroon tayo ng program dito sa university at katulad ng nakagawian natin yearly, ang welcome freshmen, Miss Jacinto, binasa ko ang files mo at nalaman ko sa dati mong eskwelahan ay isa ka sa artist ng eskwelahan n'yo? Pwede bang ikaw sana ang gagawin kong tagapangasiwa ng arts sa darating na program pwede ba 'yon? Makakatulong din ito sa pag aaral mo bilang isang scholar dahil dagdag income dahil babayaran ka sa lahat ng arts na gagawin mo ng university, ok ba miss Jacinto?" paghingi ng pabor ng propesor.
"Opo sir, ok na ok po iyon sa akin," tugon ni Lorraine, at napangiti ito dahil totoong pagdating sa art doon siya maaasahan dahil sa husay at galing niya dito.
"Pero miss Jacinto, kaylangan mo ng makakasama dahil hindi mo makakaya kung nag iisa ka lang, " saad muli ng guro nila.
"Sir.. Kami na lang pong tatlo nila Markus at Steven, tutulungan namin po si Lorraine, " biglang sabat ni Austine na kinabigla ng Lahat maging ang guro nila dahil sa mungkahi nito.
"No!! Mr. Mendoza, hindi mo na kailangan gumawa ng ganyan dito sa university, you are the second son ng nag mamay-ari ng university na ito baka mapatalsik ako ng ama mo kapag nalaman nilang may pinapagawa kami sa iyo," pagtutol ng guro sa mungkahe ni Austine.
"No sir, buo na po ang disisyon naming tatlo diba guys?" Sabay lingon ni Austine sa likuhan sa dalawang kaibigan na hindi rin alam ang gagawin kung o oo ba o, hi-hindi, kaya napatango na lang.
"Saka don't worry prof,
wala pong problema kay daddy kung maging bahagi ako ng programa sa university na ito baka nga matuwa pa iyon eh," muling saad ni Austine.
"Ok, ok," tugon ng guro at napilitan na lang sumang ayon sa gusto ni Austine.
"Miss Jacinto, Mr. Mendoza at Mr.Shy ikaw rin Mr.Sevilla, puntahan n'yo ako mamaya sa aking opisina para pag usapan ang iba pang detalye sa program," saad muli ng guro sa kanila.
Si Lorraine naman napakunot ang noo dahil hindi niya maintindihan na trip ni Austine, "Bakit kayo pa makaka partners ko? Naku naman nakaka hiya ha, pero by the way marunong ba kayo sa arts?" pabulong na tanong ni Lorraine kay Austine.
"Oo naman, Siyangapala hindi ka pa nagpapasalamat sa akin dahil sa pagtulong kong gumawa ng sss account, isang salamat naman diyan ohh," bulong din ni Austine kay Lorraine.
"ok salamat, manahimik ka na diyan takot akong mapagalitan ni prof, ha." Siniko ni Lorraine si Austine kaya napatahimik tuloy si Austine dahil medyo masakit ang pagsiko na nagawa ni Lorraine pero napangiti si Austine dahil pinapansin na siya ni Lorraine pananakit nga lang.
------------------
3 angels private room
"Bro, hindi ako makapaniwala? At sinama mo pa talaga kami ni Steven ha? paano tayo makakapukos n'yan sa mga fresh chika beb kung sa program may obligasyon tayong pagtutuunan hay bro, nakakapanibago ka talaga dahil simulat sapol hindi ka naman ganyan eh," saad ni Markus na pagbagsak pa itong umupo sa sofa na kakagagaling lang nilang tatlo sa office ng propesor na para pag usapan ang detalye ng programa.
"Mukhang inlove na kasi itong bestfriend natin Markus.." Napatapik tapik naman si Steven sa balikat ni Austine habang paupo ito sofa.
"Huwag ka na umangal Markus, ikaw magbago ka na nga napaka babaero mong tao puro babae ang nasa isip mo, tsssk... Saka Steven hindi ako inlove, linawin ko lang ha, ang gusto ko lang bago tayo maka graduate sa paaralang ito makatulong naman tayo, sa kapwa natin mag aaral diba?" seryosong tugon ni Austine.
"Weeeeh!?" sabay na sabay ang dalawa sa pag salungat sa pahayag ni Austine.
"E di 'wag kayong maniwala." Napakunot ang noo ni Austine," Mga bro, matanong ko nga naranasan n'yo na bang kumabog ang dibdib n'yo na parang? Hayyss.. hindi ko mapaliwanag nararamdaman ko basta iyan ang pakiramdam ko pag malapit sa akin si Lorraine," saad ni Austine na napahawak pa sa kanyang labi.
"Ha ha...."
Nagtawanan ang dalawa dahil sa sinabi ni Austine.
"Bro, seryoso ka ba? Ha ha.. Ang isang Mr. Austine Kient Mendoza pinapakabog ang dibdib ng isang probinsyanang Lorraine Ann Jacinto?" Tawang tawang kumakapit pa sa tiyan si Markus sa pang aasar kay Austine, samantalang si Steven pinipigilan lang matawa muli dahil seryosong seryosong na ang mukha ni Austine na parang gustong bigwasan si Markus anytime dahil napipikon na ito sa pang aasar nito.
"Hindi ako nakikipag biruan sa inyo! Diyan na nga kayo." Tumayo at lumabas si Austine sa kanilang silid na seryoso ang pagmumukha.
"Bro, saan ka na? Mag ku-kwentuhan pa tayo ha ha.. " At doon na binitawan ni Steven ang tawa n'ya na kanina pa pinipigilan.
Hindi na nag aksayang lumingon pa si Austine dahil sa ayaw siyang paniwalaan ng mga kaibigan at pinagtatawanan lang ng mga ito ang kan'yang seryosong pagtatanong ukol sa kanyang nararamdaman pag kasama niya si Lorraine.