Kanina pa si Lorraine sa arts room para mag umpisang mag pinta na gagamitin nila para programa sa isang puting tela.
Hinihintay niya ang 3 angels para makatulong sa gagawin nila pero halos kalahating oras na siyang andon pero wala pa ang tatlo kaya napag disisyonan n'yang mag umpisa na sa pag pipinta, sakto naman lahat ng kailangan n'ya andon na.
S'ya lang ang mag isa sa loob kaya para malibang habang nag pipinta uma awit si Lorraine ng mga love song.
"Sa bawat pagpatak ng oras ay ikaw ang iniisip isip ko hindi nahinto pintig ng puso hmmmp hmmp.." Feel na feel ni Lorraine ang pag awit ng Ikaw ni Yeng Constantino.
"Ikaw ang pag-ibig na hinintay puso ko ay nalumbay-" Ngunit natigilan si Lorraine ng may tumakhim at pumalakpak sa kanyang likuran.
"Ehem misteryosa ka talaga Lorraine, hindi ka lang magaling sa arts, ang ganda pa ng boses mo?" Puna ni Steven na pumapalakpak pa sa likuran ni Lorraine.
Hindi naman malaman ang nararamdaman ni Lorraine dahil hindi nito namalayan ang pagdating ng tatlo, pakiramdam ni Lorraine hiyang hiya siya dahil narinig ng mga ito ang boses niya na bihira niyang iparinig sa tao kahit may ganda itong taglay at sinasabi niya sa kaniyang sarili na wala siyang angking ganda ng boses. Pero totoo naman na bukod sa magaling siyang mag drawing eh, hindi rin mahuhuli ang boses n'ya. Minsan na rin siyang lumaban sa patimpalak at nanalo, ngunit hindi na ulit naulit dahil sa pagiging mahiyain ni Lorraine lalo na ang mag perform sa harap ng maraming tao.
----------- in Hour ago -------
"Mga bro, ano matagal pa ba 'yan?" tanong ni Austine habang nakakunot ang noo at halatang inip na inip na sa paghihintay sa, dalawang kaibigan.
Kasalukuyang silang nasa fast food chain dahil gusto nilang mag take out para sa meryenda nila.
Ito kasi ang naisip nilang dalhin para sa meryenda nila para mapadali, pero halos 30 minutes na kasi silang late sa napag usapan nilang oras para sa arts nila. At hindi inaasahan ng tatlo na lalo na ni Austine dahil mas lalo pala silang natagalan dahil ang daming tao sa fast food chain.
Halos liparin na ng kanila, kanilang kotse dahil halos isang oras na silang late nang makuha nila ang kanilang order at agad tinungo ang arts room at pagkarating nila doon mabilis nilang naiparada ang kotse sa parking lot.
Holiday noon at walang pasok pero naroroon sila sa university upang gawin ang kanilang obligasyon na tulungan si Lorraine sa arts bilang paghahanda sa programa na mangyayari sa lunes at may dalawang araw pa sila para mapag handaan ang programa.
"Mga Bro, mauna na ako sa loob ha? Baka kasi umuwi na si Lorraine isang oras na tayong late eh," saad ni Austine na halata sa mukha nito ang pagmamadaling makapasok sa arts room.
"sige, sige," tugon ni Markus kay Austine.
Patakbong tinungo ni Austine arts room at pagbukas n'ya ng pinto natigilan s'ya sa paghakbang nang narinig n'yang umaawit si Lorraine napa nga-nga na lang si Austine habang pinagmamasdan ang dalaga na nakatalikod habang nag do-drawing ang ganda ng dinu-drawing nito at sinabayan pa nito ng magandang awitin.
"Ang ganda ganda ng boses n'ya, para akong namalik mata sa nakita at narinig ko kasabay nito ang pag tambol ng aking puso. s**t! Bakit ganito? para akong na e- engkanto sa iyo Lorraine," bulong ni Austine sa kanyang isip habang nakatitig sa nakatalikod na dalaga hindi nito napansin ang dalawang kaibigan na naroroon na pala sa gilid niya.
Clap!!!Clap!!Clap!!
Saka pa nabalik sa ulirat si Austine sa pagpalakpak
ni Steven.
"Ehem.... Bro, kung ice cream si Lorraine kanina pa 'yan tunaw."
Pang aasar ni Markus kay Austine na bitbit ang mga pagkain papunta sa kinaruruunan ni Lorraine.
"Ahmm kanina pa kayo diyan? Ang tagal kasi ninyo kaya ito nag umpisa na akong mag drawing, actually naka dalawa na nga ako eh," nahihiyang saad ni Lorraine na halos hindi ito maka tingin sa tatlong lalaking bagong dating na makakasama.
"Ok nga Lorraine ah, ang galing mo sa arts bakit business management ang kinuha mong kurso? Hindi naman ito related sa arts?"
tanong ni Steven kay Lorraine, habang inaayos nito ang ibang kagamitan na naroroon.
"Actually, 'yon naman talaga ang gusto ko, ang kaso walang ganong kurso sa probinsya namin kaya business management ang kinuha ko at saka ito rin ang gusto ni bf kaya parehas kami ng kurso, pangarap din kasi namin na mag tayo ng resorts sa probinsya tapos kami na rin mismo ang mag ma-manage," naka ngiting tugon ni Lorraine sa tanong ni Steven.
"Bf?" sabay na sabay ang tatlong binata sa pagtatanong na mga naka salubong pa ang kilay.
"Oo, bf bakit?" nagtatakang tugon ni Lorraine sa tatlo, eh bakit hindi siya nito ma gets eh pinaikli lang naman niya nag term na best friend.
"Lorraine, sabi mo sa akin wala kang bf? Tapos ngayon my bf ka na pala?" tanong ni Austine na halos hindi maipinta ang kilay dahil sa lalong pagsasalubong nito.
"Huhhh..." Natawa si Lorraine sa sa klaseng pagtatanong ni Austine.
"Bakit may nakakatawa ba sa tanong ko?" muling tanong ni Austine na mas lalo pang umasim ang pagmumukha nito.
"Kasi naman, mali kayo ng pag intindi sa sinabi ko,
ang bf na sinasabi ko, bf means best friend, si Krisha ang tinutukoy ko ang best friend ko wala ng iba. Wala naman talaga akong boyfriend at wala pa akong balak magkaroon ng ganyan." Muling napatawa si Lorraine sa tatlong binatang kaharap niya.
"Yong kasama mo palagi na maputing payat?" tanong naman ni Steven kay Lorraine.
"Oo, si Krisha, hindi n'yo kilala si Krisha? pero ako kilala n'y nakakatuwa ha kasi, mas nauna iyon dito mag aral sa akin tapos ako ito ilang araw pa lang transferee," nakangiting saad ni Lorraine.
Natutuwa si Lorraine sa tatlo dahil kahit mga anak mayaman itong mga ito, na rerecognize siya at maganda ang pakikipag usap ng mga ito sa kanya na ang akala niya, tulad ng ibang kamag aral nila ay bubulihin at hahamakin lang siya ng mga ito.
"Paaano ka namin hindi makilala ei halos araw-araw kang bukang bi-" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Markus dahil pinasakan ng burger ang bunganga nito ni Austine.
"Kumain muna tayo Lorraine, bago natin tapusin ang dapat nating gawin may dalawang araw lang tayo para tapusin ito. Kumain ka na rin ha, daldal mo eh." Ngumisi si Austine kay Markus.
Napatawa naman si Steven dahil sa ginawa ni Austine kay Markus.
Inabutan ni Austine si Lorraine ng isang burger at drinks para kumain na ito.
"Salamat, paano 'to wala akong pera para pang ambag sa pagkain natin ngayon habang gumagawa ng mga drawing," saad ni Lorraine.
"Ah ok lang. Kahit sagutin ko muna ngayon ang pagkain natin, basta sa sunod sagutin mo lang ako ok na." Napangiti pa si Austine habang nagsasalita.
Napalayo naman ang dalawa dahil sa banat ni Austine at napatawa ng bahagya.
"Oo naman. Pero, sa ngayon wala pa talaga akong pera. Don't worry, pag nagkaroon na ako ng alawance ako naman man lilibre sa inyo ng meryenda," tugon ni Lorraine at uminom ito ng drinks.
Pagkatapos nitong kumain ng burger at uminom ng drinks bumalik na ito sa pag pipinta.
"Ulats pre, hindi man lang na gets ang banat mo, ayayyyayy," bulong ni Markus kay Austine.
Siniko ng bahagya ni Austine si Markus dahil medyo na saktan siya sa pag deadma ni Lorraine ng kanyang simpleng banat na hindi man lang nito na gets at nabaliwala man lang. Iyon pa naman ang una niyang pagpapansin kay Lorraine, pero hindi siya napansin.