Gusto kong tirisin itong si Alonzo dahil sa inis ko sa kanya. Tama bang maging katulong ako sa kanyang penthouse? Akala mo talaga siya ang gumagastos ng lahat. E, si Tito Enrico naman ang naglipat sa akin rito para magkaroon din ako ng tirahan pero dahil ayaw sa akin ng lalaking ’yun. Gusto niya akong pahirapan. Kung hindi lang talaga kay mama. Hindi ako papayag na dito ako titira. Malakas na lang akong nagbuntong hininga nang matapos kong linisin ang banyo ni Alonzo. In fairness maganda ang banyo ng kanyang kwarto. Malaki, malawak at malinis. High tech rin lahat ng gamit. Mas malaki ang penthouse niya kompara sa akin. May dalawang kwarto at kusina ang penthouse niya. Malawak rin ang dinning area pati ang living area. Meroon din siyang magandang tanawin dahil sa glass wall. Malaki a

