Sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim habang tinatahak ko ang paa palapit sa lamesa nila Alonzo.
Sumatotal nasa anim na lalaki ang nandoon sa kanilang pwesto kasali na siya roon at tatlong babae na sa pagkakaalam ko ay mukhang kaibigan lang nila.
Wala nang katabi si Alonzo na babae ngayon. Tahimik lang siyang nakikinig sa mga kasamahan niya na mukhang nagkatuwaan at nag-asaran. Ngunit ang kanyang blangkong tingin ay nakasunod sa bawat hakbang ko.
Hindi ko maiwasang kabahan sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Para bang may nagawa akong mali at kailangan kong pagbayaran iyon.
"May I take your order sir? I heard you called me?" pormal kong tanong kay Alonzo. My eyes were fixing the sticky paper in my hand.
Hindi ko siya magawang tingnan dahil ayaw kong kausapin ito nang harapan lalo na't may kasama siya sa lamesa.
The last time I remembered. Walang preno ang bibig niya baka mapahiya pa ako.
"Hot chicks, pre!" May sumipol na kasama niya.
Hindi ko na lang ito pinansin.
"Sino pre?" tanong naman ng isang kasamahan na lalaki ni Alonzo.
"The waitress...Sarap e!" Sabay nagtawanan sila.
Sa puntong iyon hindi ko maiwasang tumigil at tiningnan ang mga kasamahan nj Alonzo. Nasa akin ang tingin nu'ng apat na lalaki including Alonzo na seryoso pa rin ang titig sa akin.
"Oo nga...Hot!" sabi nu'ng isang lalaki sabay mwestra sa kamay niya sa bandang bewang ko. "Sexy..." he added.
Pakiramdam ko hinuhubaran nila ako sa paningin nila. Nanatili akong kalmado at nagawa ko pa ring ngumiti.
"Pwede ko bang makuha ang order niyo sir," tanong ko kay Alonzo. Binalewala ang mga kasamahan niya.
Nang magtama ang mata namin hindi pa rin siya kumibo sa inuupuan niya. His dark aura can intimidate me so I looked away and sighed heavily.
"Kung wala po kayong order...Aalis na po ako," magalang kong sabi saka inatras ang paa.
Bago pa ako tumalikod bigla namang umimik itong si Alonzo.
"We want more beers...And tequila."
Natigilan ako saglit ngunit ang atensyon ko ay wala sa lalaki. Sinulat ko ng tahimik ang order ni Alonzo sabay tikhim.
"Any add ons sir?" Inangat ko ang tingin sa kanya. Tinapangan ang sarili. And when our eyes locked again. Tila napaso ako sa titig niya. Mariin bawat tingin niya sa akin. Blangko ang kanyang emosyon. Pinaglaruan niya rin ang ang baso niyang hawak sa kanyang daliri.
"That's all and make it faster," seryoso niyang turan.
"Right away sir."
Tatalikod na sana ako kaso natigil ako nang tinawag ako ng isa sa mga kasamahan niya.
"Teka lang, Miss. Mukhang bago ka rito. Ngayon lang kita nakita...Gusto kitang maka-table ngayong gabi. Pwede ka ba?" tanong ng lalaking. Malaki ang ngisi niya sabay tawa nang hagalpak.
Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya pero mukhang wala sa kanyang emosyon ang pagloloko. Mukhang seryoso ito nang maglapag siya ng pera sa lamesa.
"Magbabayad ako ng singkwenta mil...Tabihan mo lang ako ngayong gabi. Kailangan ko ng kasama."
Kinurap ko ang mga mata. Ramdam kong nasilaw agad ako sa pera na pinakita niya. Malaki iyon at hindi ko makukuha ang perang iyon sa isang araw kahit kumayod pa ako sa trabaho.
"Bawal po sa amin ang makipag-table po sa costumer. Pasensiya na po."
"Ay ganoon? Sayang naman...Malaki sana ang ibayad ko." Muli siyang ngumisi.
Kumunot ang noo ko at bago pa ako makapagsalita may biglang humawak sa braso ko.
"Aba'y sir Gary nandito pala ulit kayo...Available itong waitress namin para samahan kayo ngayong gabi."
Nanlaki ang mata ko nang tingnan ko ang humawak sa akin...Walang iba kundi ang may ari ng club. Si Ma'am Alyza. Sumenyas siya sa akin na sundin ang gusto niyang mangyari na tabihan ko itong lalaking kasamahan ni Alonzo. Pinanlakihan niya ako ng mata nang iniling ko ang ulo bilang pagtanggi.
"Ma'am hindi ba't sabi ni mama bawal—"
Hindi ko natapos ang sasabihin nang humigpit ang kapit niya sa braso ko.
"Teka lang sir Gary...kakausapin ko lang itong waitress ko saglit. Pero huwag kayong mag-aala...Babalik rin siya agad."
Wala akong magawa nang hilahin ako ni Ma'am Alyza sa sulok para kausapin nang seryoso.
"Ano ka ba, iha...Huwag mong tanggihan ang regular costumer namin rito. Alam mo ba...Siya ang pinakamalaking magbigay, mayaman ‘yan. Sa tuwing may kasama iyan sa lamesa na mga empleyado rito sa club ko. Aba hinahanap nila si Gary."
Nagkasalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Pero po, sabi ni Mama hindi ko trabaho ang makisama sa mga costumer. At ayaw ko rin po na makipag-table."
"Ano bang inaarte mo diyan. Di ba nandito ka para kumita ng pera...Ayan na oh?pera na ’yan."
"Ayaw ko po, Ma'am Alyza...Waitress lang po ang gusto kong trabaho. Wala ho sa isipan ko ang suma-sideline sa ganyan."
"Hindi ka ba naawa sa Mama mo? Matanda na siya pero sumasayaw pa rin sa entablado para magkapera...Sana naman kahit ngayong gabi lang, tulungan mo siyang kumita ng malaki." Tinuro niya si Mama na nasa entablado. "Wala namang masama kung kikita ka rin ng mas malaki pa."
Dumapo rin naman ang atensyon ko doon kay Mama na halos wala na itong kahihiyan sa bawat sayaw niya. Halos akitin na ang mga kalalakihan sa club.
Nanlamig ako sa mga oras na iyon lalo na't may dalawang lalaki ang inabutan si mama ng malaking halaga sa bandang dibdib nito pagkatapos binulungan nila si mama. Agad rin namang tumango ang ina ko sa sinabi nu'ng lalaki sa kanya.
"Ano na, iha? Ako na ang bahalang mapaliwanag sa ina mo...Basta lahat ng perang makukuha mo ngayon ten percent lang ang kukunin ko. Lahat ng matitirang kita mo sa club. Sa'yo ko na ibibigay. Walang labis, walang kulang."
Muling nakuha ni Ma'am Alyza ang atensyon ko. Napasinghap ako sa mga oras na iyon at wala akong magawa kundi pumayag na lang. Ngunit bago ako sumang-ayon may tinanong muna ako sa kanya.
"Ayaw ko pong sumama sa lalaki..."
"Huwag kang mag-alala. Walang mangyayari sa'yong masama. Tatabi ka lang kay sir Gary at kakausapin mo lang siya. Mabait ‘yan at pihikan mamili ng babae. Swerte mo mga at na gustuhan ka niya. Sa pagkakaalam ko bukod sa gwapo ang batang ‘yan may respeto din sa babae. Magkakasundo kayo niyan."
Dahil sa sinabi ni Ma'am Alyza. Napapayag niya akong makipag-table doon kay Gary.
Nandito ang takot ko pero dahil sa pera kailangan ko itong gawin..Ang sabi ni Ma'am Alyza sa akin...Siya si Gary Velencia. Anak ito ng mayor ng siyudad lahat daw ng mga kasama niya sa lamesa ay puro mayayaman. In short mapera silang lahat. Medyo matanda itong si Gary. Mas matanda ng ka onti kay Alonzo.
Bumalik na kami roon sa lamesa nung Gary at muling nagtama ang tinginan namin ni Alonzo. This time may katabi ulit siyang babae...Hindi ito iyong babaeng katabi niya kanina kundi isang babae na sobrang sopistikada. Maganda ang katawan, presko ang mukha, matangos ang ilong sobrang puti. Sexy rin sa suot niyang bodycon dress. Pormal itong nakaupo sa tabi ni Alonzo at nag-uusap ang dalawa. Medyo nakahilig rin ang babae sa kanyang balikat. Pasimpleng hinahaplos ang lalaki sa dibdib.
Masiyadong malalim ang usapan ng dalawa kaya hindi napansin ni Alonzo na nakabalik na ako sa lamesa nila.
"Pasensiya na sa paghihintay Mr.Gary...Pwede na hong tumabi si Ms.Jade sa inyo... Available siya for tonight para may kasama kayo rito... Tungkol naman sa order niyo may ibang waitress ang maghahatid rito."
"Akala ko bawal siyang makipag-table?" Ngumisi iyong Gary sa akin.
"Hindi niya alam ang rules rito...Kaya pinaliwanag ko na sa kanya. Alam mo na, bago lang siya rito. But don't worry.. She's fine now. We already talked about it. You can have her all night." Ngumisi si Ma'am Alyza pagkatapos nagpaalam na siya na aalis.
Nang mawala si Ma'am Alyza umingay ang lamesa nila at sumipol iyong lalaking kanina pa maloko sa kanyang mga salita.
"Mukhang bagong putahe na naman ang gusto mo, Gary...Iba ka talaga!"
"Shut the hell up, Falcon. You make her uncomfortable!" saway ni Gary na tinawanan lang ng kanyang kaibigan. Binalingan naman ako ng lalaki saka ngumiti siya. "Have a seat, Miss... Don't mind them. Huwag mo rin silang kakausapin kung kinakailangan. Mga baliw ang mga ’yan."
Tumango ako saka tumabi na doon kay Gary. Malakas ang kabóg ng puso ko. Hindi humuhupa ang tensyon dahil na rin siguro nasa lamesa ako nina Alonzo.
Sa mga oras na iyon hindi ko alam ang gagawin. Nakayuko lang ako. Hindi ko rin matingnan ang harapan ko dahil nasa tapat ko si Alonzo at iyong babaeng katabi niya.
"Care to explain your personal information, Miss? And tell me what's your name?" bulong ni Gary sa akin.
Kahit maingay ang togtug ng club ngunit narinig ko pa rin siya dahil magkalapit lang kami.
"Uhm...Just call me Jade... I'm just a new waitress."
"Are you studying?"
Tumango ang ako at hindi na siya binigyan pa ng ibang detalye. Hindi rin naman ito nagtanong pa ulit bagkos binigyan niya ako ng inumin.
"Umiinom ka ba? Here?"
Binigyan niya ako ng isang shot glass ng tequila. Kinagat ko ang pang-ibabang labi.
Ang sabi ni Ma'am Alyza sa akin dapat raw sumunod ako sa kung ano'ng gusto ni Gary sa akin katulad ng pag-inom ng alak at kung hahawakan man ako ng lalaki...Hindi raw ako pwedeng mag-inarte. Iyon lang daw ang pwede kong gawin dahil bawal na sa akin ang lumabas ng club kasama itong si Gary.
"Ah...Oo..." Mabilis kong kinuha ang shot glass ng tequila at ininom iyon ng diretso. Siguro sa kaba ko kaya hindi ko na iniisip na pwede akong malasing ngayong gabi.
"Woah..." Gulat pa si Gary sa ginawa ko at natawa na lang.
"Ang lakas mo pa lang uminom, Miss... Ano'ng pangalan mo ulit?" tanong ng isa sa mga kasamahan sa lamesa, iyong lalaking may pangalan na Falcon.
Napilitan akong tiningnan ang lalaki para sagutin siya.
"Jade po..."
"Drop the 'po'—Hindi pa ako matanda." Humagalpak ulit siya ng tawa.
Ngumuso na lang ako. Bigla namang umimik itong katabi ni Alonzo na babae.
"Mukhang gusto mo yata itong si Jade, Gary...Bagay kayo! Am I right, babe?" Bumaling siya kay Alonzo. Hiningi ang opinyon ng lalaki.
Alonzo shifted on his seat. Napansin ko na sa akin galing ang titig niya bago niya binalingan ang babae sa kanyang tabi.
"They're not compatible...Gary deserves someone better. Not a woman who seems easy to get." Alonzo coldly said.
Nagtama ang titigan namin nang balingan niya ulit ako. Nakakapaso ang kanyang mga mata, parang may sariling apoy. Sa mainit niyang mga titig parang pwede na akong mamanhid.
"Oh my god, babe. Your words... Don't insult her like that. Hindi mo pa siya kilala... I'm really sorry Jade. Ganito talaga magsalita ang lalaking ’to."
Napatitig ako sa babaeng katabi ni Alonzo dahil para itong anghel na bumaba sa langit. Mahinhin itong magsalita at mukhang mabait rin. Bukod sa maganda ito...Mukhang friendly rin dahil nginitian niya. She keeps on saying sorry to me.
"Oo nga naman. Grabe ka naman, pre...Mukhang inosenti itong si Jade...Malay mo naman...Hindi siya kagaya ng iniisip mo na easy to get." Tanggol ni Gary sa akin.
"I don't trust a woman easily. We don't know their real intention. Ngayon ko lang siya nakita. You can't blame me for judging based on what I see." Tumingin ako kay Alonzo nang makita kong mas tumigas ang kanyang pananalita. Masiyado itong seryoso at mukhang galit rin.
"Paano mo nasabi na easy to get nga si Jade?" tanong ni Gary.
Alonzo tilted his head. Uminom muna siya ng alak. Klaro ko ang paglagok niya.
"Mabilis siyang pumayag na sumama sa'yo dahil sa pera. Baka ’yan din ang rason para isuko niya rin ang sarili niya sa'yo ngayong gabi...Pera lang din ang gusto niya. Mahirap magtiwala agad kung hindi mo lubusang kilala ang isang tao." He smirked.
I felt insulted...Masakit marinig na may nasabi ulit siya sa akin. Tingin niya talaga sa amin ni mama mukhang pera.
Kung pag usapan nila ako ngayon. Parang wala ako rito sa harapan nila.
"Tama na nga ito...Jade, ipapakilala kita sa mga kasamahan natin rito sa lamesa," pag-iiba sa usapan ni Gary. "This is Falcon Alcazar.... And this man in front of you his name Alonzo Arandiego...He's an asshóle sometimes."
Una niya akong pinakilala sa mga lalaking kaibigan niya na agad ko lang tinanguan.
Nawalan ako ng gana dahil sa mga naririnig kong sinabi ni Alonzo. Iniiwasan ko talagang magkatinginan kaming dalawa. Sa tuwing nagtama ang titigan namin ramdam ko na halos ayaw niya akong makita ngayong gabi. Hindi mawala ang kanyang matalim na tingin sa tuwing nagtatama ang mga mata namin.
Ayaw kong mag-eskandalo rito para lang magalit sa kanya. I pretended to act normally. Tinago ko rin ang pait na nadarama.
"And by the way...This woman in front of you. Her name is Ariella Rafaela Calderon...Fiance siya ni Alonzo."
Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ang huling sinabi ni Gary.
Fiance? Ikakasal na pala ang lalaking ’to kung ganoon.
"Hi, Jade..." bati nu'ng Ariella. Siya ang babaeng katabi ni Alonzo na fiance pala. Naglahad siya ng kamay. "It's nice to meet you. I'm sorry sa sinabi ni Alonzo sa'yo. Trust me, he is a nice person. Kailangan mo lang talaga kilalanin."
Natulala ako saglit pagkatapos kinuha ko rin ang kanyang kamay para makipag-shake-hands.
"Okay lang po...Ngayon ko pa lang siya nakita. And I'm working here as a waitress not as a prostitute. Of course, he will say bad things about me. Kahit kabaligtaran naman ang lahat ng ‘yun sa iniisip niya sa akin." Bahagya ko ring pinagtanggol ang sarili.
"You know what. Hindi ka bagay maging waitress. I can help you, Jade...Mukhang hindi ka sanay sa trabaho mo. I can give you more opportunities that suit you. Just call my number. And we'll talk about it."
Naglabas si Ariella ng isang calling card at nilapag niya sa lamesa. Sa mga oras na iyon nanliit ako sa sarili ko.
I don't know why...Siguro, iniisip ko lang na hindi talaga ako bagay sa ganitong lugar. Maraming tao ang pwedeng huhusga sa'yo. Including Alonzo.
"Ang swerte mo talaga kay Ariella, pre...Maganda na, mabait pa," sabi ni Falcon doon kay Alonzo.
Ngumiti naman si Ariella. "Sayang ang beauty niya. Can't you see... She's very beautiful. She has a perfect glow. She can work with me...If that's alright with you, Jade? Call me, alright?"
Kinurap ko ang mga mata. Bigla akong tumingin sa katabi niyang lalaki. Wala namang reaksyon si Alonzo. Kunot ang kanyang noo bago niya ininom ang huling laman ng basong hawak niya. Until I saw his evil smirked again.
"She's not fond of having a decent job, Ariella. Maybe she likes to work here rather than accepting your offer...Mas malaki ang kita niya rito dahil binabayaran siya ng mga lalaki ng malaking halaga para sa isang gabi," imik ni Alonzo. "Am I right, Miss?" he asked more roughly.
"Tatawag na lang po ako, Ma'am Ariella." Kinuha ko ang calling card niya saka pinasok ko sa aking bulsa. Hindi ko na pinansin si Alonzo na panay puna sa akin.
Gusto niya talaga akong ipahiya ngayong gabi.
"Yes...I'll wait for your call!" Makikita ang tuwa ng babae. "For sure magkasundo tayo."
Tumango lang ako saka umayos ng upo. Iniwas ko na ang tingin sa harapan.
"Ayos na 'yan! Sumayaw na nga tayo sa dance floor, pre! Mukhang nagkasiyahan na roon!" putol ng mga kasamahan nila sa lamesa.
Nagtayuan ang iba sa kanila at naiwan kami ni Gary, Falcon, Alonzo at itong si Ariella sa lamesa.
"Let's enjoy our night, Jade. Wala akong gagawing masama sa'yo...Uminom lang tayo rito. I want you to have fun with us and be comfortable. Is that okay with you?"
"Opo sir."
"Drop the 'sir'—Just call me...Gary," he whispered.
Nagkasiyahan na ang lahat sa dance floor pero itong si Ariella at Alonzo mukhang walang balak na sumama sa ibang lalaki. Ganoon din si Falcon na masaya ng umiinom sa lamesa. Siya lang itong maingay sa amin rito. Paminsan-minsan sinasabayan siya nina Gary at Alonzo pati si Ariella nakikisali na rin sa usapan. Ako lang itong tahimik.
Buong oras na nasa tabi ako ni Gary kuyom ang kamao ko. I can't help but feel anger at him. Alonzo is very cruel in his words. Hindi mawala sa isipan ko ang lahat ng sinabi niya.
Mabuti na lang magaling akong magtimpi. Binibigyan naman ako ni Gary ng tequila na hindi ko kayang tanggihan. Sa mga oras na iyon alam kong mataas ang alcohol tolerance ko dahil umiinom ako kasama ang mga kaibigan ko noong Senior high pa lang ako hanggang sa kasalukuyan. Aminado akong matagal malasing.
Sa buong gabi na iyon inaabangan ko talaga kung iinsultuhin ulit ako ni Alonzo sa harapan ng kanyang fiance at sa mga kaibigan niya pero hindi ko narinig sa kanyang bibig kung paano niya insultuhin ang katayuan namin ni Mama.
Paminsan-minsan tumatawa siya sa tuwing may joke si Falcon. He's like living a normal life. He acted like I didn't exist in front of him. Hindi rin naman niya ako tinatapunan ng tingin.
Habang palihim naman akong nakabantay sa bawat galaw niya. Nakita ko ang pa simpleng paghaplos niya sa balikat ni Ariella nu'ng giniginaw ito. Minsan ko ring nakita na may binubulong siya sa kanyang fiance na ikatuwa ng babae. He's very sweet to her. He's gentle and very calm. Iyan ang napansin ko sa loob ng dalawang oras na kasama ko sila sa lamesa.
"Saan kayo pupunta pre?" tanong ni Falcon kay Alonzo nang tumayo ang dalawa sa sofa.
"Ihahatid ko lang itong si Ariella sa bahay nila."
"I'm sorry boys, nag-text na si Dad..He find me already...See you next time na lang," mahinang sabi ni Ariella.
"Goods lang, Ari...Next time ulit. Salamat sa pagpunta rito sa birthday ko." Si Gary.
"Yeah...Happy birthday, Gary. Thanks for inviting me here."
Hinayaan ko silang mag-usap.
Kalaunan umalis na sina Alonzo sa bar. Hindi ko na siya binalingan ng tingin. Nagpanggap akong busy sa pagtingin sa mga taong nagsasayawan sa dance floor. Nginitian ko lang si Ariella at iyon na ang huling angat ko ng tingin kay Alonzo. As usual wala siyang reaksyon. Malamig na emosyon ang binabato niya sa akin.
Napansin ko lang ang paghawak niya sa bewang ni Ariella para alalayan ito at protektahan sa mga taong nakakasalubong nila palabas.
"Let's drink more, Ariella..." sabi ni Gary.
Nagpaalam naman si Falcon na pumunta ng dance floor para samahan ang mga kaibigan nilang nandon kaya naiwan kami ni Gary dito sa lamesa.
Nag-uusap lang kaming dalawa. I greeted him with a happy birthday. He also asked me for personal information. May sinagot ako katulad na lang ng previous work ko na isa akong janitor, nag-aaral din ako at isang scholar. Sinabi ko rin na nakatira lang ako sa isang apartment kasama ang mama ko. Hindi ko sinabi sa kanya na nandito rin si mama nagtatrabaho bilang dancer. Hindi ko rin sinabi na kilala ko si Alonzo.
Lumalim na ang gabi at masiyado pa ring nag-enjoy ang mga kasamahan ni Gary doon sa dance floor. Ramdam ko rin na lasing na ako dahil medyo umiikot na ang paningin ko. Si Gary naman medyo touching na ito sa akin.
Inaakbayan niya ako. Sa tuwing may sasabihin siya nilapit niya ang bibig sa tenga ko. Dahil lasing na rin ako hinahayaan ko na lang ito at mas iniisip ko na lang ang mag-enjoy na lang din.
"Ang ganda mo, Jade...Nakuha mo talaga ang atensyon ko kanina."
Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses niya akong pinuri ngayong gabi. Tanging ngiti lang ang ginawad ko rito.
Nanlamig ako bigla nang binalikos ni Gary ang kamay niya sa bewang ko at medyo nilapit niya ang bibig sa aking pisnge.
"Tingnan mo nga ako, Jade?"
Dahan-dahan ko namang sinunod ang sinabi niya. Tinitigan ko siya sa tabi ko at ganoon na lang ang gulat ko nang nilapit niya ang bibig sa labi ko. Nagdikit ang labi naming dalawa. My eyes widen. Parang nawala ang kalasingan ko at natuod na lang sa biglaan niyang paghalik sa akin.
Naramdaman ko rin na hinawakan niya ang bandang hita ko. Hinaplos ng marahan. Hindi pa rin ako makagalaw sa mga oras na iyon. Hindi ko ito first kiss. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin lalo na't costumer siya. At utos ni Madam Alyza sa akin na huwag ko raw itong sampalin, bastusin o maski sigawan. Kahit ano'ng gawin ng lalaki sa akin. Huwag akong mag eskandalo.
Itutulak ko na sana ito palayo sa akin ngunit nagulat kami nang marinig ang malakas na kalabog sa ibabaw ng lamesa.
"I ordered another tequila. Baka kulang pa."
Lumayo si Gary sa akin sabay ngisi. Binitawan niya rin ang paghawak sa hita at bewang ko. Binalingan niya ang dumating. Ganoon rin ako, tumingin sa lalaking nagsalita.
Una kong napansin ang dalawang bote ng tequila na mukhang sinadyang binagsak ng malakas sa lamesa kaya ito umingay.
"Alonzo..." bulalas ni Gary sabay na tawa. "Dàmn bro... What's wrong with you?"
Halos gumuho ang mundo ko nang magtama ang tingin namin ni Alonzo. Kunot ang kanyang noo at mariin ang titig niya sa akin. Tumigas rin ang kanyang panga. Hindi ko naman maiwasang magulat sa kanyang presensiya.
"Am i disturbing your make out?" walang gana niyang tanong kay Gary.
"The heck, Dude. Ginulat mo ako. Hindi mo sinabi na babalik ka pala...himala!" Iniling ng katabi ko ang kanyang ulo.
"Wala akong gagawin. Hinatid ko lang saglit si Ariella." Umupo si Alonzo sa inuupuan niya kanina. Sa tapat ko mismo. Nagdekwatro siya roon habang nagbubukas ng beer.
"Unang beses na bumalik ka para uminom ulit...Sa tuwing may drinking session tayo...Hindi ka na bumabalik kapag umaalis ka na." Tumawa na naman si Gary. "Nawawala ka na bigla lalo na kapag may babae ka nang nabingwit noon. Your insane bro!"
Nagkasalubong ang kilay ni Alonzo sabay tungga ng beer. Hindi pa rin nagbago ang kanyang ekspresyon. Iniling niya ang ulo sabay sandal sa sofa. Pinagpahinga niya ang isang braso sa sandalan.
"It's your birthday...I want to enjoy the whole fúcking night. I have been very busy lately. I want to spend more time with you all."
Saktong dumating na sila Falcon at ang iba pang mga lalaki na may kasama na ngayong mga babae. Ganoon din si Falcon may ka akbay na ring babae. Mukhang lasing na ang mga ito
"Uy! Alonzo...Bumalik ka pala!" sabi ni Falcon. Ganoon rin ang iba. Mukhang nagulat rin dahil bumalik itong si Alonzo.
Sinagot rin naman sila ng lalaki kung paano niya sagutin si Gary. Nagtuloy-tuloy ang inuman at katuwaan ng lahat pagkatapos nilang asarin si Alonzo.
Sa mga oras na iyon. Hindi na ako mapakali dahil may mga matang nakamasid sa akin. Walang iba kundi si Alonzo.
Ilang beses ring nagtama ang mata naming dalawa. Kahit sumasabay siya sa usapan ng lahat nandoon pa rin ang pagalit niyang tingin sa akin. Hindi ko matagalan kaya iniiwas ko rin ang atensyon ko sa kanya.
Huminga ako nang malalim. I felt really uncomfortable right now. Mas dinamihan ko rin ang pag inom ko. Kinakabahan ako sa mga oras na iyon dahil natatakot ako na baka lumalim ang usapan at sasabihin niya sa mga kaibigan niya kung ano ako...At sino si Mama.