5 CHAPTER: TREMBLING

1875 Words
"Juskong bata ka! Nandito ka lang pala!" boses ni Mama ang umalingawngaw sa likuran ko nang makita niya ako rito sa labas ng club, nakatatayo sa gilid ng kalsada. "Ma!kayo pala!" tanging nasabi ko. Gulat na gulat pa ako sa kanya dahil sa biglan niyang pagtapik sa braso ko. Kumunot ang kanyang noo. Nagtaka sa naging reaksyon ko. "Para ka yatang nakakita ng multo. diyan...Teka nga! Ano bang ginagawa mo rito? Di ba ang sabi ko sa'yo hintayin mo lang ako doon sa inuupuan mo. Bakit umalis ka roon?" Iniling ni Mama ang kanyang ulo. "Sumakit tuloy ang ulo ko kahahanap sa'yo, buti na lang may nakakita sa'yo na lumabas." Suminghap ako at napatitig sa kanya nang mariin. I felt suddenly uneasy. Bigla ko na namang naalala ang titig ni Alonzo sa akin kanina...Hindi ko matagalan kaya umalis na ako roon. Natatakot ako dahil alam kong galit siya sa huling pagkikita namin. And probably he won't forget how I slapped him. "Ma, nakita ko ang anak ni Tito Enrico...Nasa loob po." Namutla ako nang wala sa oras. Ganoon din si Mama. Nanlaki ang kanyang mata at tila hindi mapakali. "Sino? Si Alonzo ba?" Tumango ako nang marahan. Napasapo naman si Mama sa kanyang noo. Mukhang pareho kami ng iniisip. For sure, huhusgahan kaming dalawa ni Mama sa trabaho namin. "Naku...Paano na ‘yan, baka mas mahihirapan akong makasalamuha ang nakakatandang anak ni Enrico." "Sa tingin mo, Ma? Bakit po siya nandito?" "Siguro para makita ang trabaho ko rito...Baka inimbestigan niya tayo o sinundan." Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Mama. Kagat labi na lang ako dahil posibleng ganoon nga...Gusto ni Alonzo na makita ang totoong trabaho ni mama. At nakakahiya iyon kung makita niya ngayong gabi kung paano aakitin ni mama ang mga costumer niya. "Huwag na lang kaya tayong magtrabaho ngayon, Ma? Kinakabahan ako." "Hindi pwede anak...Baka sisantehin ako ng boss ko kung biglaan akong aalis ngayon. Oo nga pala, pumayag na ang boss ko na mag-partime ka gabi-gabi sa club na ito." Tila naging problmedo na kaming dalawa dahil sa presensiya ng Alonzo na ’yun. "Ano'ng gagawin natin, Ma? Ayaw pa naman ni Alonzo sa atin...Hiwalayan mo na lang kaya si tito Enrico baka sa gagawin mong ‘yan nanganganib ang simpleng buhay natin?" suhestyon ko na ikasimangot ng kanyang mukha. "Huwag kang mag-alala, iha...Anak lang siya ni Enrico. Kung hindi niya tayo matatanggap. Bahala na siya. Ang importante si Enrico, tanggap niya tayo. Kung magsusumbong man siya sa ama niya. Ako na ang magpapaliwanag kay Enrico kung bakit mo pinasok ang trabaho bilang waiter. Huwag ka nang maatakot kay Alonzo. Magtrabaho na lang tayo." Pinuno ko muna ng hangin ang dibdib bago ako tumango. Kung ano man ang masasabi ni Alonzo sa trabaho namin ni Mama. Dapat hindi ko na gawing big deal ‘yun. In the first place alam niya ang trabaho ng mama ko. Marangal din naman ang trabahong pinapasukan ko ngayon. Walang mali sa pagiging waitress...Bakit ko ikakahiya ito? Sino siya para matakot ako sa kanya? Tama. Sino nga ba ang lalaking iyon? Anak lang siya sa lalaking papakasalan ni Mama. Wala akong dapat na ikabahala. "Suotin mo ito, Jade...Ito ‘yung uniform ng waitress dito." Pumasok kami ni Mama sa isang kwarto na sa pagkakaalam ko dressing room niya. Ang sabi niya magbibihis na rin siya dahil malapit na ang oras ng kanyang trabaho...Sasayaw na raw siya sa entablado para akitin ang lahat ng mga costumer. Ito ang unang beses na makikita ko siyang sasayaw bilang pole dancer. Naisip ko pa lang ang gagawin ni Mama gusto ko na lang maiyak sa sitwasyon na meroon siya ngayon. I can't really imagine how she sacrifice herself just for me. Para makakain kami at may pambayad ng renta. Mula bata pa ako...Ginagawa niya na talaga ito. "Bagay sa'yo anak." Ngiti ang ginawad ni mama sa akin pagkatapos kong suotin ang waitress uniform. Isang itim na pencil skirt ang suot ko, sobrang iksi at kunting tuwad lang makikita na ang pwetan ko. Mabuti na lang masikip sa bandang hita kaya fit pa rin sa akin at bumagay. Kahit paano, hindi ako maisisilipan. Pinaresan ito ng white longsleeve, isang itim na heels, sakto lang din ang taas nito. "Ang ganda ng anak mo, Della!" Biglang may lumapit na babae sa amin ni mama. Medyo may edad na at masiyadong makapal ang make up niya sa mukha. Maputi rin ito at medyo chinita. "Naku Mada'm saan pa ba nagmana ang anak ko. Syempre sa akin!" Ngumisi si mama doon sa babae. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa nu'ng babaeng Madam. "I'm Alyza...Ako ang may ari ng club na ito. And you are?" Naglahad siya ng kamay. Kakaiba ang ngisi na ginawad niya sa akin. Ngumuso ako at tinanggap ang kanyang shake hands. "Jade po. Nice to meet you po, Ma'am Alyza." "I see...Ang sabi ng mama mo part time job lang daw ang gusto mo dahil nag-aaral ka pa. Sabihin mo lang sa akin kung interesado kang papasok bilang dancer...Marami pa kaming slot." Ngumiti siya ng makahulugan. "Mas malaki ang pasahod...Isang gabi, triple ang balik sa'yo." "Naku Mada'm...Hindi ko hahayaang magaya ang anak ko sa akin. Magtatapos pa yan ng pag-aaral at magtrabaho sa malaking Kompanya." Si Mama na ang nagsalita para sa akin. "Hanggang waitress lang po ang pwede niyang pasukin rito sa club." "Binigyan ko lang siya ng choices, Della...Huwag kang mag-alala. Hindi ako namimilit. Alam mo naman, hindi ako ganoong tao. Nasa kanila na lang iyan kung gusto nilang magtrabaho bilang dancer...O siya, magtrabaho na kayong dalawa. Marami ng costumer kaya pagbutihin niyo ang pag-entertain ng mga tao." Nagkatinginan nalang kami ni Mama. Alam ko ang tumatakbo sa isipan niya. Binabalaan niya ako na huwag patulan ang suhestyon ng kanyang boss. "Huwag mo nang isipin ang alok niya sa'yo anak. Mas mabuting ako na ang gagawa ng lahat ng trabaho...Masisira ang buhay mo kung papasukin mo ang trabahong ganito. Hindi madali,kahit pasayaw-sayaw lang ang gagawin. Parang dinala mo ang sarili sa kalbaryo." Marami pang paalala si Mama sa akin hanggang sa tinawag na siya para sumayaw na sa stage dahil maraming mga costumer raw ang naghahanap sa kanya. Sinuot ni mama ang kanyang crop top na damit at sobrang iksi na short na kita na ang singit sa sobrang iksi. Ako naman sinimulan ko na ang trabaho sa pagse-serve ng mga inuman sa mga costumer na um-order ng inumin. Meroong nagsasabi sa akin kung ano'ng gagawin. Iniiwasan ko talagang dumaan sa lugar kung saan nag-iinuman sina Alonzo at ang kaibigan niya. Lumayo rin ako sa kanila. Ayaw ko siyang makita o makausap man lang. Tiningnan ko naman si Mama sa entablado na sumasayaw na sa pole. Napaawang ang bibig ko dahil mahirap ang ginagawa niya para lang matuwa ang mga nanonood sa kanya. I admit she's very hot on her age. Ramdam ko ang kahihiyan sa mga oras na iyon nang mapagtanto ko na may ina akong ganito ka delikadesa para magkapera. She will do everything, including her dignity. Masakit makitang sa edad niya kailangan niyang magpanggap na wala siyang anak para lang kumita. Hindi ko maiwasang umiyak nang makita ko si Mama na umakyat sa pole kasama ang dalawang babae na halos maghubad na. May sumisigaw sa kanila, hinawakan din sila sa kanilang hita at bandang dibdib para lagyan ng pera ang kanilang suot. Iniipit ito sa bra, at panty shorts. Suminghap ako at iniwas na lang ang tingin sa entablado. I can't focus on my work while watching my mother entertaining everyone. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Ngunit ano'ng magagawa ko kung sa pagkumbinsi ko sa kanya na huwag nang magtrabaho dito sa club. Mas gustuhin niya pa rin dito kay sa magtrabaho ng maayos. "Miss..." Lumingon ako sa mga lalaking panay tawag sa akin kanina pa. Dahil busy akin sa pagbigay ng mga inuman sa ibang costumer hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin. "Miss, dito!" Saktong tapos na ako sa pagbibigay ng bottled drinks sa isang lamesa nilingon ko ang tumawag sa akin. Isang lalaking magkasing edad ko lang. May mga kasama siya sa lamesa niya, puro mga lalaki. Agad akong lumapit roon nang nakangiti para magtanong kung ano'ng order-in nila. "Isang bucket ng beer, Miss," sabi ng lalaking panay tawag sa akin. Nakangiti siya at mukhang naka inom na ito. "Pa order na rin ng ice blast cigarette." "Copy sir...What else anything you want?" tanong ko sa kanila. "Also your number, Miss. Pwede ko bang mahingi? Kanina pa kita napansin na dumadaan rito sa lamesa namin." Muling ngumisi ang lalaki. "You're so beautiful as hell." Umingay tuloy ang lamesa nila para asarin siya ng mga kasama niya. "Pagbigyan mo na, Miss...Bigyan mo ng number. Minsan lang ’to dumadamoves ng babae!" sabi ng isang kasamahan niya at nagtawanan pa ulit sila. Tinuldukan ko ang sticky paper gamit ang ballpen nang matapos kong ilista ang kanilang order. Tumingin ako doon sa lalaking nanghingi ng number. Nakatitig din pala siya sa akin. I admit may itsura naman ito. Blonde ang kanyang buhok, matangos ang ilong. Mukhang mayaman ito base sa kanyang porma at maputing balat. "Pasensiya na sir pero hindi na ho kasali sa trabaho ko ang magbigay ng number ko...Aalis na po ako para kunin ang order niyo." Nagtawanan lalo ang kanyang mga kasama at mas lalo siyang inasar dahil unang beses raw nitong na reject ng isang babae. Binigay ko sa bartender ang order nu'ng mga lalaki. Nang matapos niyang ilagay sa tray. Kukunin ko na sana iyon para ilagay ko doon sa lamesa nung lalaking nanghingi ng number ko pero natigil ako nang may kumalabit sa akin. "Miss, tawag ka doon sa isang costumer natin." Paglingon ko isang babae na kagaya ko isang waitress din... Tinuro niya ang mismong pwesto nila Alonzo. Nanlaki ang mata ko nang magtama ang mata namin ng lalaking iyon. Sa sobrang pag-iiwas ko na dumaan sa lamesa nila. Tila nawala na sa isipan ko na may nagmamasid pala sa akin. He was holding a glass of alcohol. His face harden while tilting his head just to see me fully. Nang tumama ang neon light sa kanyang mukha klaro ko ang pagtaas ng kanyang kilay at ang madilim niyang titig sa gawi ko. Kumunot rin ang kanyang noo. Which makes me nervous. "Saan diyan?" kuryuso kong tanong. Kahit may na isip na ako kung sino. "Iyang lalaking nakatingin po sa inyo... Gusto ka niyang kausapin." Suminghap ako subalit wala namang ibang lalaking nakatingin sa akin kundi si Alonzo lang. "Puntahan mo na, Miss... Sobrang gwapo...Baka balak ka niyang i-table ngayong gabi." Ngumisi sa akin ang waitress pagkatapos kumindat. "Ha? Di ba...Bawal ’yun sa atin?" takha kong tanong dahil iyon ang sabi sa akin ni mama bago kami pumunta rito. "Marami ng waitress ang inalok ng mga costumer na maging ka-table ng costumer...Nasa sa'yo lang naman kung papatulan mo lalo na kapag malaki magbigay." Iniwanan na ako ng waiter at naiwan akong tulala habang nakatanaw pa rin kay Alonzo. Sa postura ng pag-upo niya na naka dekwatro habang iniinom ng pa unti-unti ang baso ng alak. Parang hinihintay niya talaga akong lumapit roon. Suddenly I felt nervous even more...The last we saw each other...I can sense that he doesn't like me. And right now. I would face him with my trembling knees.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD