I felt frustrated right now. Gulong-gulo pa rin ang isipan ko sa huling usapan namin ni Alonzo. Nakakatakot ang bawat banta niya at alam kong magagawa niya ang lahat para takutin ako. He's a powerful son of Arandiego. He knows what he was doing. Hinatid niya ako pabalik sa club. He was thinking straight. Masiyado itong seryoso sa loob ng dalawang oras na magkasama kami. Wala itong ibang emosyon kundi ang kunot noo at malalim ang iniisip. Nakakatakot siya sa totoo lang. He has a unique characteristics na alam mong katatakutan mo na lang. Buong byahe wala kaming imik sa isat-isa. Wala rin naman akong sasabihin sa kanya. Mas nangingibabaw sa akin ang takot sa mangyayari bukas. Ikakasal si mama at Tito Enrico at gusto niyang pigilan ko iyon. How can I think properly? Sobrang bilis ng araw.

