10 CHAPTER: VENUE

1536 Words

"Saan niyo ba kami dadalhin?" tanong ni mama. Parehong naka tape ang dalawa naming kamay. Sakay kami ng van at kaharap namin ang tatlong armadong lalaki at sa harapan may isang lalaki doon na nagmamaneho. Nakakatakot silang pagmasdan dahil walang nagsasalita sa kanila. Hindi rin sila sumasagot sa bawat tanong ni mama. Kahit nag-hysterical na kami. Habang tahimik naman akong nagmamasid sa bawat madadaanan namin. Malakas ang kaba ko sa mga oras na iyon lalo na't nag-uusap ang tatlong lalaki gamit lamang ang kanilang mga mata. Para bang alam na nila ang pinapahiwatig ng bawat isa. "Kung sino man kayong mandurukot kayo. Wala kayong makukuha sa amin ng anak ko. Wala kaming pera!" Si mama ulit. Kanina pa siya nagrereklamo. Ngunit Wala pa ring reaksyon itong tatlong lalaki sa harapan namin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD