Wala nang mas nakakatakot pa kundi ang tumunganga ako sa harapan ng malaking pintuan. I can still remember the first time I went to this place. Hindi naging maganda. Tapos ngayon babalik ako sa pangalawang pagkakataon para dito na kami titira ni mama. Until now, I still couldn't believe where giving this life. Isang buhay na malayo sa kinagisnan namin ni mama na isang mahirap lamang. Bumukas ang malaking pintuan at bumungad sa amin ang mayordoma ng nakangiti. At sa unahan nandoon si Tito Enrico na pababa ng hagdanan. "Welcome home, Della and also you...Jade." Nakangiti si Tito Enrico. Binati kami at bineso kami ni mama sa pisnge. Kinurap ko ang mga mata saka ngumiti pabalik. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Mas maaliwalas tingnan ang bahay dahil sa liwanag ng araw na nakikita ko.

