"PAGKATAPOS ng semester na ito ay OJT na natin, saan mo balak mag-OJT, Jeerah?" Napalingon ako kay Mikas na ngayon ay katabi ko habang hinihintay ang susunod na subject. Oo nga pala at ilang linggo na lang ay matatapos na ang semester. Sandali akong napalinga sa paligid bago pa man sumagot, "Naghahanap pa nga ako, e, ikaw ba?" Napangiti siya at nang sandaling ilibot kong muli ang tingin sa paligid ay hindi sinasadyang magtatama kami ng tingin ni Israel. Pero agad din naman siyang umiwas. "Gusto ko kasi sa isang Lending Company na malapit lang sa amin, ikaw ba? Gusto mong sumama sa akin?" Napaisip ako at dahan-dahang napatango. "Talaga?" Yayakap na sana siya pero agad din akong nagsalita, "P'wede rin.. pero mas gusto ko pa rin sa mga BPO companies," sabi ko at kaagad na kumunot ang noo

