(N/A: Medyo maselan sa mata.. medyo lang. Hehehe) BAKAS PA rin sa akin ang gabing iyon, at hindi ko maiwasang isipin ang unang halik at yakap na natamo ko lang kay Jerson. Siya ang unang lalaking minahal ko at sa kaniya unang tumibok ang puso ko. Mabilis man ang pag-amin namin sa isa't isa ng tunay naming nararamdaman ay hindi na 'yon mahalaga para sa akin, ang mahalaga ay 'yung panahon na aalagaan namin upang tumagal kami. Agad na nabalitaan ng mga kaibigan ko ang relasyon namin ni Jerson kung kaya naman inulan nila ako ng panunukso pagkapasok ko pa lang sa trabaho. "Sus! Inlove-babo ang gaga!" puna sa akin ni Dela habang napapangiti ako sa text message ni Jerson. Halos tatlong araw na rin kasi kaming hindi nagkikita, dahil busy rin siya sa pagre-review para sa nalalapit niyang boa

