ARAW NG LINGGO at araw din ng payday kung kaya't nagawa namin mamili ng grocery ni Jerson sa supermarket. Matapos ang halos isang linggong pag-aasikaso niya ng requirements at pagpirma ng kontrata para sa magiging trabaho niya ay heto kami ngayon at magkasama. Ilang araw din kasi kaming hindi masyadong nakakapag-usap dahil madalas ay nagkikita lang kami kapag oras na ng pahinga o 'di kaya ay papasok na ako sa trabaho. Habang namimili kami ng mga bibilihin ay tulak-tulak ko ang pushcart habang nakaakbay naman siya sa balikat ko. "Baka may kulang pa, alalahanin mo nga," sabi ko. "Can goods," napapangiting aniya. Kaya naman nagpunta kami sa may can goods section at kumuha siya ng tigdadalawang lata ng corned beef, sardines, tuna at meat loaf. Nang makapagbayad na kami sa may counter ay h

