HINDI KO akalain na labis lang akong malulungkot nang magpasya akong umupa ng sariling bahay makalipas lamang ang isang linggo. Ewan ko ba, nagkaroon nga ako ng oras para makapag-isip pero hindi naman ako nagkaroon ng peace of mind. Naging mas madalang ang pag-uusap namin ni Jerson. Pero kasabay niyon ay ang pagsisimula ko sa first day ng OJT kasama si Mikas. Sa HR department kami na-assign dahil iyon ang pasok sa course namin as Psychology. Alas otso ng umaga ang oras ng pasok namin hanggang alas singko ng hapon. Kaya naman madalas ay gabi na lang ako nakakapag-duty sa salon at alas dose ng gabi ang out ko. Nakakapagod pero kailangan magtiis para may pangtustos sa pang-araw-araw na pamasahe. "Jeerah, bakit iyan lang ang kinain mo? Diet lang?" pagpuna sa akin ni Mikas nang mag-lunch bre

