SA MABILIS na pagtakbo ng mga araw at sa pagiging abala ko sa OJT at trabaho ay hindi ko namalayan na magtatatlong buwan na simula nang umalis si Jerson. At nalalapit na rin ang kaniyang pagbabalik. At habang palapit ng palapit ang araw na 'yon ay hindi ko maiwasang manabik na makasama siyang muli. Bumalik na rin ako sa bahay ng aking in laws at mainit naman nila akong tinanggap. At kasabay niyon ay nagkaroon din kami ng oras para makapag-usap muli ni Jerson mula sa kabilang linya. Subalit parang nangingibabaw ang tampo ko sa kaniya kaya naman kapansin-pansin ang kawalang gana nang makausap siya, kahit ang totoo ay miss na miss ko na talaga siya. Alam mo 'yung feeling na iba pa rin ang excitement kapag magkausap kayo sa personal? Malapad ang ngiti niyang bumungad sa akin samantalang ak

