Chapter 4

1538 Words
PALABAS PA lamang ako ng eskinita nang matigilan ako dahil sa paghinto sa harapan ko ng isang motorsiklo. Inaasahan ko nang siya iyon kaya hindi ko na nagawang lumingon pa. Kaya sa halip na lingunin siya ay nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad. "Hey," wika niya. Pero para kong kinain ang sinabi ko dahil napahinto ako at hindi alam ang gagawin, marahil ay sariwa pa sa akin ang nakita ko noong isang araw. Pero bakit ba ako nagkakaganito? Hinayaan kong malapitan niya ako at nang magtama ang mga mata namin ay hindi maiwasang umatras ng dila ko. Gusto ko siyang tanungin, gusto kong alamin ang katotohanan pero sa tingin ko ay wala akong karapatan. Ang nakakainis pa ay ngayong araw ang pinaka-espesyal na araw ng buhay ko, Hulyo 19, 2018, ang kaarawan ko. Inaasahan kong magiging maganda ang bungad sa akin ng birthday ko pero-- "Jeerah, kausapin mo naman ako, o." Napalingon ako sa kaniya at nasilayan ko ang nakakunot na noo niya. Napacrossed-arm na lang ako habang mataman siyang pinagmamasdan. "Puwede ba, Jerson-- ah! Ano bang kailangan mo?!" "Siyempre, ikaw. Pero bakit ka ba nagkakaganiyan?" Natameme ako sa sinabi niya. Ano nga ba kasing pinuputok ng budhi ko? Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at dahan-dahang napayuko. "Birthday ko ngayon kaya kung puwede lang--" natigilan kong sabi. "Alam ko." Namilog ang mga mata ko dahilan para mapangiti siya. "Teka, p-paano mo nalaman?" "Sinabi nila Dela, last week pa.. kaya nga nandito ako para gawing mas espesyal ang araw mo," nakangiting aniya. P'wede na ba akong kiligin? "Itsura mo! Baka naman hindi mo lang mayaya ang kasama mong babae noong isang araw kaya--" "Hahahaha!" Natigilan ako sa malakas na pagtawa niya. Agad na nagsalubong ang kilay ko at gusto ko na siyang talikuran pero natigilan na naman ako sa sinabi niya, "Iyon ba? kaya naman pala para kang anaconda kung mag-emote, e!" aniya at humabol pa ang muling pagtawa. Pero sandali siyang natigilan at agad na sumeryoso ang mukha. "Huwag kang mag-alala, pinsan ko lang 'yon.." Napabuntong-hininga ako dahil nalaman ko na ang kasagutan sa tanong ko. Sa mga huling salitang sinabi niya ay mabilis niyong napagaan ang pakiramdam ko. Pero nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na sinabi niya. "At bakit nga kaso ganiyan ang reaksyon mo? Nagseselos ka 'no?" tila pabirong aniya. "Tumigil ka nga! Bakit naman ako magseselos, hah?" Umarte pa akong aalis na pero mabilis niya akong napigilan. "Uy, Jeerah.. biro lang naman 'yon, e." Natigilan ako at nahabol niya na naman ang p'westo ko kung saan ako nakaharap. "Ang totoo niyan ay gusto kong bumawi sa'yo ngayon, naging busy rin kasi ako kahapon sa pagre-review, malapit na kasi ang board exam namin." Hindi ko alam pero unti-unti akong nadadala sa sinasabi niya. Kahit pa hindi niya naman talaga dapat sinasabi 'yon sa akin. "Okay," tipid na sagot ko. Ewan ko ba, hindi ako makapagsalita ng maayos gayong alam kong sa akin lang nakatuon ang kaniyang tingin. "Ihahatid na kita, nga pala.. happy birthday," nakangiting aniya. Napangiwi ako at sa pagkakataong iyon ay hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko pasakay ng dala niyang motorsiklo. Nang tuluyan na akong makaangkas sa kaniyang likuran ay nagsalita siyang muli, "Humawak ka ng mahigpit, medyo bibilisan ko." Napakapit ako ng mahigpit sa-- bewang niya. First time niya akong pahawakin doon at hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil tila nagkakaroon ng malisya para sa akin ang bawat ginagawa niya. Pumasok ako sa trabaho kahit birthday na birthday ko. Per hindi naman ako nabigo sa sorpresa ng aking mga kaibigan na sina Dela, Mallows at Elinor. Masaya dahil nandito rin si Jerson na panay ang pagkuha sa akin ng litrato kahit hindi ako nakatingin. Ilang oras ang lumipas, matapos namin magsalu-salo sa pagkain, kasabay nang pagdami ng mga customer ay nagpasya si Jerson na ipagpaalam ako sa boss ko na mag half day. Hindi naman natanggihan ang kagwapuhan niya-- ah este, ang pahintulot niya na payagan ako. "Kayo na! Kayo na talaga!" tila mapanuksong sabi pa ni Dela. Batid ko na naiinggit siya dahil hindi siya makakasama, ganoon din sina Eli at Mallows. "Oh siya, pasalubong na lang, hah?" ani Elinor. "Sure, Eli! Dito na kami," pagpapaalam ko. "Papa Jerson! Wala bang goodbye kiss sa akin?" pahabol naman ni Dela. Habang si Mallows ay binibigyan din kami ng mapanuksong tingin. Napangiti na lang si Jerson at sandali pang tumingin sa akin habang sinasabi, "P'wede naman ang kaso.. hindi ko alam kung papayag itong kaibigan mo." Napalunok ako ng ilang beses habang patuloy sila sa pagtili. "Oh siya! Lumarga na kayo, masyado ng matamis," ani Mallows. Natatawa na lang kami ni Jerson bago pa man tuluyang makaalis ng salon. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya habang nakaangkas ako sa motor niya. Pero binigyan niya lang ako ng ngiti dahil nakita ko ang paggalaw ng kaniyang panga. At halos matulala ako nang magpunta kami sa isang malaking bahay, hindi siya 'yung karaniwang bahay katulad ng mayayaman, bungalow style lang din ito pero mapapahanga ka sa ganda. "Nandito na tayo," nakangiting saad niya. "Bahay niyo?" paniniguro ko. Napangiti siya. Bakit ba nagiging ugali na niya ang pagngiti? "Oo, Jeerah.. tara sa loob." Binuksan niya ang gate ng bahay at umalingawngaw ang tunog niyon. Naabutan naming nanunuod sa may salas ang kaniyang magulang kung kaya't doon pa lang ay ipinakilala na ako ni Jerson. "Ma, pa.. si Jeerah po." Napangiti ako sa harap ng magulang niya at hindi ko alam ang biglaang panlalamig ng aking kamay. Kinakabahan ako. "Maupo ka, hija," ani ng kaniyang Papa. Malambot ang upuan na hindi kagaya nang nakasanayan kong upuân. "Salamat po," sabi ko nang makaupo habang tumabi naman sa akin si Jerson. "Nice to meet you, hija, teka, kumain na ba kayo?" tanong ng kaniyang mama. "Ah opo, katatapos lang po, may kaunting salu-salo po kasi sa work place ko," sagot ko na nagpatango sa kanilang mag-asawa. "Ganoon ba, o, sige, mamaya na lang ako magluluto para sa ating hapunan. Saan ka pala natira, hija?" ani ng kaniyang Mama. "Ah, sa may kabilang bayan lang po, at hindi ko po ikinahihiya na sa squatter area lang po kami nakatira," confident kong pagkakasabi at hindi ko inaasahang sisiilay ang ngiti sa labi ng kaniyang ina. "So, doon din kayo nagkakilala ng anak namin? Ilang buwan na ba kayong magkasintahan?" singit naman ng Papa niya. Dahilan para muntikan na akong mapaubo habang nagkatinginan lang kami ni Jerson. "Ah, pa.. ang totoo po niyan ay hindi po kami magkasintahan pero.. nais ko pong sabihin sa harapan ni'yo na idinala ko siya rito upang makilala ninyo siya, dahil siya ang babaeng gusto kong ligawan.." Natigilan ako sa sinabi niya at hindi maiwasang mapaawang ng bibig ko. "Totoo ba iyon, hija?" Napalingon ako sa Mama niyang nakangiti na sa akin. "Ah--" Natigilan ako sa sasabihin ko dahil sa sumunod na sinabi ni Jerson. "At gusto kong maging mas espesyal ang kaarawan niya dahil.." Sandali pa siyang tumingin sa mga mata ko saka nagsalitang muli, "Gusto kong malaman niya na seryoso ako sa desisyon ko, dahil gustung-gusto ko siya." "Pero.. Jerson.." Halos maluha na ako sa sinasabi niya at natigilan ako nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. At anong pagpipigil sa kilig ang naramdaman ko sa sinabi niya, "Ma, pa, pumapayag ba kayo na ligawan ko si Jeerah?" Pero napailing ang kaniyang ama kaya kinabahan ako. Pero unti-unting napawi ang kabang iyon nang magsalita ito, "Hindi ako makapaniwala, anak, dahil sa dami ng babaeng idinala mo rito ay si Jeerah pa lang ang ipinagpaalam mo sa amin na liligawan mo.. I'm so proud of you, my son, you're getting mature, hijo," nakangiting anito. At tila nabuhayan naman ng pag-asa ang tingin ni Jerson. "So pumapayag na nga kayo, pa?" paniniguro pa niya at agad na bumilis ang t***k ng puso ko sa dahan-dahang pagtango nila. "Yes!" masayang wika ni Jerson. "Oy, teka, hindi mo pa nga alam kung pumapayag na ako, e!" pagputol ko sa kasiyahan. Kaya agad naman nagtawanan ang Mama at Papa niya. "Okay, dahil pumayag na si tito.. Jeerah, p'wede ba kitang ligawan?" Natameme ako sa narinig ko. Ibig sabihin, humingi na siya ng permiso kay Papa? "Bago pa man ako magdesisyong ligawan ka ay hiningi ko muna ang sagot ni tito at alam mo ba ang isinagot niya?" Dahan-dahan akong napalingon sa bibig niya habang sinasabi ang katagang, "Oo." Anong kilig ang naramdaman ko pero pinilit kong 'wag ipahalata 'yon. Ilang sandali pa ay muling nagsalita ang mama niya. "You know what, hija.. I like you. Bagay na bagay kayo ng anak ko." Hindi ko inaasahan na magugustuhan niya kaagad ako sa unang pagkikita pa lamang namin. "Salamat po.." "Tita na lang." "T-tita.." Napangiti siya habang itong katabi ko naman ay hindi mawari ang itsura. "O, bakit?" tanong ko sa kaniya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," nakangusong aniya. Napaawang ang bibig ko at pahapyaw siyang biniro. "Sinasagot pa ba 'yon?" "Oo kaya!" "Hays, sige na!" "Parang pilit pa ah?" Kaya napangiti ako at pinandilatan siya ng mga mata. Habang patuloy pa rin sa pagtawa sina Tito at Tita. "Jerson Dominguez! Pumapayag na nga po ako!" At magkakambal na kurot sa pisngi ang ibinungad niya sa akin. "Salamat, Jeerah Serene Cipriano."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD