LUMIPAS ANG ilang araw at nanatiling lihim sa akin ang ginawa ni Israel, ayoko na sanang ungkatin pa ang nangyari subalit hindi ako nakaligtas sa mga katanungan ni Mikas. "Jeerah, pansin ko lang, umiiwas ka kay Israel matapos ang birthday niya? May problema ba?" pasimple niyang bulong sa akin. Saglit akong napabuntong hininga habang kumukopya ng notes sa white board. "Masyadong confidential 'yon, Mikas," sabi ko at saka muling ipinagpatuloy ang pagsusulat. Akala ko ay tatahimik na siya pero nagkamali ako dahil nagtanong siyang muli, "We? Sabihin mo na, parang iba naman ako sa'yo." Sandali ko siyang tinitigan sa mata at nakita ko roon ang pagkaasam niya na malaman ang totoo. Ngunit hindi sinasasyang matsetsempuhan ko naman na napatingin sa direksyon namin si Israel. Kaya napaiwas ako

