DUMATING ANG araw ng aming first monthsary, Agosto dalawamput pito, at hindi ko akalaing simula pa lang iyon ng pagsubok na darating sa amin ni Jerson. Dahil matapos ang gabing nakita niya kami ni Israel na magkausap ay hindi ko pa siya muling nakita. Nalalapit na rin kasi ang kaniyang board exam kaya wala akong dahilan para magtampo, pero sadyang hindi ko mapigilan dahil nasanay ako sa presence niya at sa palagi niyang paghahatid sundo sa akin. "Bakit ang tamlay mo?" ani Dela na ngayon ay hindi ako magawang asarin. "Wala 'to, baks," tanging sagot ko. Napabuntong hininga siya at pinakiramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. "Sus, wala ba talaga? Kilala kita, Jeerah, kahit nga ang libag mo sa singit ay alam ko, problema mo pa kaya?" Saglit akong napasulyap sa kaniya at nagtama ang amin

