MABILIS NA TUMAKBO ang mga araw dahil katatapos ko lang ipagdiwang ang aking ika-dalawamput dalawang kaarawan last month at ngayon ay oras na para bumalik sa dating gawi. "WELCOME back to our manager, Ms. Jeerah Serene Cipriano!" pagbati sa akin ni Dela nang makapasok ako ng Salon. Ngayon kasi ang unang araw ko nang pagbabalik sa trabaho. Makalipas ang dalawang buwan matapos ng aking panganganak. Napalingon ako sa kabuuan ng Salon, bukod kasi sa bagong pintura at disenyo nito ay may naka-tarpaulin na litrato ko kalakip ang maganda kong pangalan. Presentable rin na nakahanda ang ilang pagkain sa may front desk, habang ang ilang bahagi ng Salon kasama ang entrance door ay may mga kulay pink at red na balloons. "Wow! Pinaghandaan ni'yo talaga 'to, a?" Na-sorpresa talaga ako sa nakita ko at

