DUMATING NA lang ang sumunod na buwan pero wala pa ring Jerson na nagbabalik. Nalalapit na ang araw ng mga puso kung kaya't hindi ko maiwasang makakita ng mga dekorasyong hugis puso, mga tsokolate at rosas sa daan. At habang patagal ng patagal ang panahon na wala si Jerson sa tabi ko ay lalo akong binabalot ng kalungkutan. Habang labis ko namang ikinasisiya na walang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Rafael matapos ang hindi inaasahang pangyayari, sa halip ay mas lalo niya akong inintindi sa kabila no'n. Nasorpresa pa ako dahil nakatanggap ako ng hindi inaasahang tawag mula kay Ate Jeremei. "Jeerah, kumusta na?" "Ate!" Halos mapalundag ako sa tuwa dahil kay tagal din namin na hindi nagkausap. May pagkakataon naman sana ang kaso'y hindi nagtutugma ang libreng oras namin para sa isa't isa

