HINDI KO namalayang iyon na pala ang huling araw ng pasok namin ngayong semester bago mag-christmas break. Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang last day of semester. Bakasyon na sa klase at nanatiling lihim ang pagkapanalo namin ni Israel sa isang party game. Hindi naman sa ayaw kong sabihin pero ayoko lang magkaroon ng issue. Gusto ko kasing mapanatili na wala kaming pag-aawayan ni Jerson bago pa man siya umalis. Lalo na ang nangyari no'n na gusto ko na lang ibaon sa limot. Mula sa balkonahe ay natatanaw ko ang tahimik na kalsada kahit na puno iyon ng nagkikislapang mga christmas lights na nagbibigay liwanag sa dilim. Lumalalim na rin kasi ang gabi kaya siguro ay busy ang lahat para sa Noche Buena. Kaya hindi ko maiwasang balikan ang mga pangyayari. Dahil parang isang iglap lang a

