LUMIPAS ANG ilang araw at umuwi na rin galing ng Laguna sina Mama Jenina at Papa Benson pagkatapos lamang ng Pasko. May pasalubong silang mga prutas para sa bagong taon. "Good morning, bhie!" masayang bungad sa akin ni Jerson nang maabutan niya akong nagluluto ng almusal. Yumakap pa ang mga kamay niya sa bewang ko at pagkatapos ay dinampian ako ng halik sa pisngi. Kaya naman napangiti ako kahit hindi nakaharap ang buong mukha ko sa kaniya. "Ang lapad ng ngiti mo ah," wika pa niyaa. Kitang-kita niya kasi ang ekspresyon ng mukha ko dahil nakatali ng mataas ang aking buhok. Doo'y sandali ko siyang hinarap habang hindi niya pa rin inaalis ang pagkakayakap sa akin. "E, ikaw ba naman bungaran ng yakap at halik," ngingiti-ngiting sabi ko at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa aki

