NAGULUMIHANAN ako kung paano ako pinalilito ng tadhana sa tatlong lalaking halos magkakasabay ko lang na nakilala. Subalit kahit gano'n ay sigurado naman akong si Jerson lang ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa dinami-raming babae ay ako pa talaga ang nagkataong magustuhan ni Israel, at ang nagpapalito pa sa akin ay ang pagpaparamdam ngayon ni Rafael. Sa unang pagkakataon ay lumabas kami ni Rafael kahit lingid iyon sa kaalaman ni Jerson. At katulad ni Jerson ay mayroon din siyang motorsiklo kaya pinaangkas niya ako ro'n. "Saan pala tayo pupunta? Baka may nakakita sa atin at isipin pang pinagtataksilan ko ang si Jerson," wika ko habang seryoso siya sa pagmamaneho. "'Wag kang mag-alala dahil gusto ko lang suklian ang kabaitang ipinapakita mo sa akin, Jeerah

