TINUPAD KO nga ang muling pagsamang lumabas kay Rafael matapos ang gabi na 'yon. At sa kabila ng nararamdamang pagdududa sa akin ni Jerson ay hindi ako nagkulang ng pagpaparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Pero hindi ko inakala na ang muling pag-aya sa akin ni Rafael na lumabas ay dadalhin niya ako sa kanilang bahay. Masaya dahil mainit akong tinanggap ng kaniyang pamilya. At ang ipinagtaka ko pa ay may iilan silang bisita na wala akong ideya sa isang selebrasyon na kanilang ipinagdiriwang kahit katatapos lamang ng Bagong Taon. "Magandang araw po," pagbati ko nang makapasok kami sa loob ni Rafael. "Siya na ba ang bago mong nobya?" tanong ng babaeng sa tingin ko ay nasa 40's na. At napansin ko ang pagkamot ni Rafael sa kaniyang batok habang nahihiyang tumingin sa akin. "Hindi

