Chapter 6

1466 Words
ILANG ARAW din akong hindi pinatulog matapos ang unang beses na nakasabay ko si Jerson sa almusal. Isang linggo na rin ang lumipas matapos ang birthday ko. At sa mga araw na 'yon ay walang palya si Jerson sa paghatid sa akin sa trabaho at pagsundo sa school. Pakiramdam ko'y dinodoble niya ang effort na manligaw sa akin. Hindi ko lubos maisip na ang isang babaeng katulad ko ay bibigyan ng sobrang pagpapahalaga mula sa isang lalaking kailan lang naman ako nakilala. Pasimple kong tinatanaw ang mga taong naglalakad sa may kalye, may mga estudyante, may mag-lovebirds at mayroon din matatandang magkasintahan ngunit makikita pa rin ang pagmamahalan sa isa't isa. "Tulala ka na naman, hanggang kailan ka ba makakaget-over sa pag-amin ni Papa Jerson!" ani Mallow. "Kaya nga, hindi ka pa ba masaya na ikaw ang mas pinili niya kaysa sa'kin?" banat na naman ni Dela habang pinapasadahan ng suklay ang hanggang balikat niyang buhok. "Sus! Bakla ka, e, bakit mas mukhang ikaw pa ang hindi nakaka-move-on?" ganting panunukso rin ni Mallow. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan sila. At nasa ganoon kaming sitwasyon nang masilayan namin ang pagdating ni Elinor kasama ang kaniyang long-time boyfriend. Nagbigayan pa sila ng halik sa bawat isa kung kaya't agad naman bumanat si Dela, "Kayo na! Kayo na ang may forever!" "Aba, e, ikaw din naman mayroon, hah?" mabilis na sagot ni Eli. "Bitter lang 'yan si Dela, palibhasa kasi world war three sila ng jowa niya," natatawang sabi ko. Sa wakas nakabawi rin! Kaya agad na tumulis ang nguso niya at hindi naka-imik. Siyang asar din naman nina Mallow at Eli sa kaniya. Pero natigilan lang kaming lahat nang biglang may dumating na customer. "Yes, ma'am? Ano pong sa'yo?" tanong ko. "Magkano po ang magpa-treatment, miss?" Napatingin ako sa length ng buhok niya bago sumagot. "Dipende, ma'am, may option po kasi." Sabay kinuha ko ang brochure at inabot iyon sa kaniya. "Ayan po, ma'am." At habang hinihintay ko ang napili ng customer ay siyang banat na naman ni Dela. "Ay, ang aga naman ng bisita ni Jeerah." Napalingon ako sa inginunguso niya mula sa pinto at bumungad sa akin ang isang gwapong morenong lalaki ay este-- si Jerson, dahilan para mapukaw ang atensyon ko sa kaniya. Bakit ang gwapo niya ngayon? Hindi, e, mas lalo siyang naging gwapo! Hindi maalis ang pagkakatingin ko sa kaniya habang tinutukso ako ng aking mga kaibigan. "Ah, miss, itong tag-two thousand five hundred lang," wika ng customer pero hindi ko 'yon gaanong narinig. "Miss?" napalakas na pagtawag nito kung kaya't agad akong tinapik ni Dela. "Uy, Jeerah!" "Ay-- sorry po, ma'am, s-sige po." Kukuha na sana ako ng mga gamit nang matigilan ako sa sinabi ng customer, "Hays, magtrabaho nga kayo ng maayos, huwag puro kalandian!" Agad na napatingin sa direksyon namin sila Dela na ngayon ay may ginugupitan ng buhok. "Hayaan mo na lang," pabulong na sabi sa akin ni Dela. Napatango ako at piniling pagpasensyahan ang customer. Ganoon naman talaga, hindi maiiwasan na maka-encounter ng ganitong klase ng customer. Iniwan ko na muna saglit ang customer matapos kong malagyan ng treatment ang buhok niya. At doon ko pa lamang nabigyan ng pansin si Jerson. "Hi," bati ko habang busy siya sa paggamit ng cellphone. "Ay, pasensya na medyo nakakainip, e." "Ayos lang, ako nga dapat ang humingi ng pasensya dahil.. kinailangan kong istorbohin ka," sabi ko. Agad na sumilay ang ngiti niya at sandali kong nilingon sila Dela na ngayo'y binibigyan lang kami ng mapanuksong tingin. "Ano ka ba, ayos lang 'yon, hindi naman hectic ang schedule ko ngayon at isa pa.. gusto ko rin naman na makasama ka, e." Ewan ko ba pero parang biglang nag-init ang pisngi ko at unti-unti akong napangiti. "Ah, sabagay Sunday pala ngayon." sabi ko at mabilis siyang nakatango. "Okay, sandali ah.. pagkatapos nitong customer ko ay mag-a-out na ako." "O, sige lang, willing to wait naman ako." Hindi ko alam kung ano ang kaniyang ibig ipahiwatig sa salitang paghihintay pero masaya ako dahil may patience siya pagdating sa paghihintay. Matapos kong makapag-out ay dumiretso na kami sa bahay nila. Doo'y mainit ulit akong tinanggap ng magulang niya. "Sigurado ka bang ayos lang sa'yo na makigamit ako ng laptop mo?" paniniguro ko sa kaniya nang makarating kami sa bahay nila. May usapan kasi kaming makikigamit ako ng laptop niya para sa nakatoka sa aking research topic sa aming group thesis. Para makatipid na rin kaysa ang mag-rent ng ilang oras sa computer shop. Isa pa ay hindi naman ako madalas na makasama kapag kailangang mag-sleep-over sa bahay ng kaklase ko. Kaya, no choice ako kung hindi ang makisuyo kay Jerson. Narito kami sa kuwarto niya at nakakapanibago para sa akin dahil ngayon lang ako nakapasok sa sariling kuwarto ng isang lalaki, wala naman kasi akong kapatid na lalaki, dalawa lang kami ng ate ko. Hindi rin naman sila makapasyal sa amin ng madalas ng asawa niya dahil nasa probinsya sila at kapos din sa pera. Sandaling lumabas si Jerson kung kaya't nagkaroon ako ng pagkakataon para libutin ng aking paningin ang kabuuan ng kaniyang kuwarto. Nakakahanga dahil malinis at maayos ang kaniyang kuwarto kahit na lalaki siya. Well arranged din ang kaniyang mga gamit maging ang mga unan at kumot sa may kama. "Jeerah, o, magmeryenda ka na muna." Sandali akong napalingon sa pagdating niya. At hindi ko inaasahan na may dala siyang tinapay at pineapple juice para sa aming dalawa. "Sus, nag-abala ka pa, pero salamat." "Wala iyon," sagot niya habang inilalapag sa harapan ko ang meryenda habang sa monitor lang naka-focus ang atensyon ko. Pero bigla niya na lang inagaw sa kamay ko ang mouse at mabilis na nag-add ng isang tab, at nakita ko ang youtube site. "Kailangan mo rin minsan ng pang-parelax," aniya na ikinalingon ko sa kaniya. Medyo malapit ang mukha namin sa isa't isa kaya hindi ko maiwasan na mailang. Sa sandaling iyon ay tumugtog doon ang isang sikat na kanta noon ng Men Oppose. ? Ako pa rin kaya ang iibigin mo? Kung makakita ka ng higit sa isang katulad ko, Hindi ako magbabago tulad ng sinabi ko, Ang pag-ibig ko'y para lamang sa iisang puso.. "Alam ko 'yan, a! Paboritong kantahin 'yan ni papa noon sa videoke!" masiglang sabi ko na nagpalabas ng kaniyang ngiti. "Talaga? Mahilig kasi ako sa old songs, e." Nanatili kaming nakikinig habang kumakain, kasabay niyon ang pagri-research ko. Sana ay hindi lamang sa labi mo maririnig, 'Yan ay asahan mo 'pagkat ako'y tapat sa pag-ibig.. Sabihin mong lagi, ako'y iyong mahal, At hindi panandalian kundi panghabang buhay.. Hindi magtataksil kahit na kailanman, Dahil ang t***k ng puso nati'y iisa ang nararamdaman.. Ako pa rin kaya mula sa simula? At magpahanggang wakas ay 'di ka magpapabaya, Hindi ganyan ang tulad ko, kilala mo naman ako, 'Pag umibig ay tunay lagi ang hangarin nito.. Sana ay hindi lamang sa labi mo maririnig 'Yan ay asahan mo 'pagkat ako'y tapat sa pag-ibig Sabihin mong lagi, ako'y iyong mahal At hindi panandalian kundi panghabang-buhay Hindi magtataksil kahit na kailanman Dahil ang t***k ng puso nati'y iisa ang nararamdaman.. Tama si Jerson, nakaka-relax nga ang music at sa paulit-ulit na pagtugtog niyon ay hindi ko namalayan na matatapos na pala ako. "Salamat talaga ah, pasensya ka na kung nakaabala pa ako sa'yo," sabi ko matapos na i-off ang laptop. Hinarap niya ako habang sabay kaming naglalakad palabas ng village nila. Ang sabi ko kasi ay magko-commute na lang ako pauwi kaya nagpresinta siyang ihatid pa rin ako sa may terminal. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na wala lang 'yon? Ang totoo nga niyan ay nag-enjoy pa ako ngayon, e," wika niya. Hindi ko naiwasan ang mapangiti sa sinabi niya pero halos matigilan ako sa sumunod na sinabi niya, "Katititig sa'yo." Hindi ko alam pero unti-unti kong nararamdaman ang pagbabago sa nararamdaman ko. Para bang nagugustuhan ko na ang bawat kataga niya, para bang uhaw ako parati para lang makita siya. At ang nakapagtataka pa ay parang kompleto ang araw ko kapag nakakasama ko siya. At para bang mas nag-level up pa ang pagkagusto ko sa kaniya. Nanatili akong nakangiti habang nasa biyahe. Laman pa rin ng isip ko ang nangyari kanina, kung paano bumibilis sa pagtibok ang aking puso sa tuwing malapit siya sa akin. At para ba akong nililipad sa ulap kagaya nang minsan kong naramdaman. Kaya naman isang bagay ang aking napagdesisyunan, at iyon ay ang mabigyang linaw ko na kay Jerson ang nararamdaman ko para sa kaniya. Bumaba ako sa may palengke para bumili ng lutong ulam, para kanin na lang ang problema sa hapunan namin ni Papa. Excited akong umuwi upang makasabay kumain si Papa at para ibalita sa kaniya na balak ko nang sagutin si Jerson subalit, pagkauwi ko ng bahay ay hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD