Chapter 7

1602 Words
HALOS MANIGAS ang buong katawan ko nang makita ang walang malay na katawan ni Papa. Unti-unting napawi ang excitement at saya ko kanina sa gusto kong ibalita sa kaniya. At sa pagkakataong iyon ay hindi na magkamayaw sa pagpatak ang aking luha. "Pa!" mahaba kong sigaw na yumanig sa buong bahay. Patuloy sa pagpatak ang aking luha na tila ayaw matapos. "Pa, gising! B-bakit hindi mo man lang ako hinintay?" naluluhang tugon ko habang yakap-yakap siya. Para akong natutuliro sa mga oras na iyon. "Tulungan ninyo kami!" muling sigaw ko kahit hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. At nabuhayan ako ng pag-asa nang agad na pumasok sina Mang Berto at Aleng Helen na kapitbahay namin. "Diyos ko, anong nangyari kay Mang Jero?" "H-hindi ko po alam, naabutan ko na lang po siya na walang malay," naluluha pa rin na tugon ko. "M-mabuti pa a-at dalhin na natin siya sa ospital.." natatarantang sabi ni Aleng Helen. At agad naming isinugod sa hospital si Papa dala ang tricycle ni Mang Berto. Subalit huli na dahil wala na talagang pag-asang maisalba ang kaniyang buhay. "We're sorry, Ms. Cipriano but we do not save your father's life." "Ano?! Hindi p'wede! Gawin niyo lahat ng makakaya niyo, doktor kayo, 'di ba? Magbabayad naman kami at gagawaan ko po ng paraan 'yon para makapagbayad--" "I'm sorry, excuse me." Naiwan akong tulala habang patuloy sa pagpatak ang aking luha. Hindi ko matanggap at mas lalong hindi ako naging handa sa biglaang pagkawala niya. Bukod sa mataas na sugar sa katawan ni Papa ay hindi na rin kinaya ng baga niya. Kung kaya't hindi diabetis ang naging sanhi ng pagkamatay niya kundi lung cancer. Nagkaroon ng maraming tubig ang baga niya dahilan para bumagal ang kaniyang paghinga. Marahil ay madalas siyang naliligo noon ng pagod dahil na rin sa kaniyang trabaho dati. Pinili kong magpaiwan kila Aleng Helen habang hinihintay kong ilabas si Papa para dalhin sa morgue. Maya-maya pa'y dumating si Jerson na lubos ang pag-aalala. "Anong balita kay tito?" pagbungad niya kaagad habang napansin niya naman ang namumugto kong mga mata. "Jerson, w-wala na si Papa," napapahikbing sabi ko at doo'y niyakap niya ako at naramdaman ko ang kaniyang sincerity sa pag-comfort sa akin. Pinagmasdan ko ang walang buhay na katawan ni Papa. Masakit man pero kailangan tanggapin na wala na siya. Sandali ko pa siyang kinausap kahit imposible niya iyong marinig. "Pa, hindi ka na mahihirapan, at magkakakasama na rin kayo ni mama, ang hiling ko lang, sana ay gabayan mo kami palagi ni ate, hah? Mahal na mahal ko po kayo." Muli na namang pumatak ang aking luha habang nakita ko rin ang lungkot sa mga mata ni Jerson. Maya-maya pa'y tumunog ang aking cellphone kung kaya't sandali kong pinunasan ang aking luha bago iyon sagutin. "Hello, baks, kumusta?" Boses ni Dela mula sa kabilang linya. Hindi ko magawang palampasin ang tawag niya dahil bago maidala si Papa sa morgue ay siya ang unang sinabihan ko bukod kay Jerson, sunod ay sina Mallow at Eli. "Nandito pa rin kami, ihahatid na rin nila maya-maya ang katawan ni Papa sa morgue," wika ko. "Okay, mag-iingat ka riyan, a? Basta bukas pa kami makakapunta, baks." "Ayos lang, naiintindihan ko naman, anong oras na rin naman.." "O, sige na baka maiyak pa ako. Take car, baks! We love you!" Ramdam ko ang pakikiramay nila sa akin at ngiti na lang ang tanging naisagot ko kahit alam kong hindi niya makikita iyon. Kinabukasan ay pinayagan akong hindi makapasok ng isang linggo sa trabaho ng amo ko, sa tulong na rin nila Dela. Kailangan ko kasing bantayan si Papa kahit sa huling sandali ng kaniyang buhay. Wala rin naman kasi akong magiging kapalitan dahil hindi pa nakaluluwas sila ate mula sa probinsya. Alam na rin ni Ate ang nangyari at mabilis niya rin iyong naibalita sa aming mga kamag-anak ang pagkamatay ni Papa, kaya sa makalawang araw ay luluwas sila rito ng kaniyang asawa at dalawang anak. Wala na rin naman problema sa burial ni Papa dahil may benepisyo kaming makukuha galing sa SSS. Kaya, ang aasikasuhin ko na lang ay ang pagpapalibing na susubukan ko naman na ilapit sa PCSO. Kasalukuyang nakaburol na ngayon si Papa, pinagmamasdan ko ang litrato niya na nasa ibabaw ng kaniyang ataul. Para lang siyang buhay dahil sa magandang tawa niya roon. Habang pinagmamasdan ko iyon ay hindi ko maiwasang isipin ang masasayang alaala kasama si Papa kaya naman awtimatikong pumatak ang aking luha. Pupunasan ko na sana iyon ng aking kamay nang mapalingon ako dahil may nag-abot sa akin ng panyo. "Jerson," pagtawag ko sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko. "Nasabi ko na ba sa'yo na ikaw ang girl version ni tito?" Napayuko ako at tipid na napangiti. Sandali ko pang pinagmasdan ang magkayakap kong mga palad bago sumagot, "Alam ko, alam mo no'ng namatay si mama, masakit 'yon sa akin kasi wala ng katuwang si papa sa pagpapalaki sa amin. Pero ngayong namatay na rin si papa mas masakit pala kasi wala na akong natirang magulang na gagabay sa akin at kikilalaning lolo at lola ng magiging anak ko, balang araw." "Naiintindihan kita, Jeerah, sobrang sakit mawalan ng magulang, dahil hindi sila napapalitan. Pero tandaan mo sana na, patuloy pa rin ang buhay. Kailangan mo pa rin bumangon. Nandito pa naman ako at ang mga kaibigan mo, at may dahilan pa para ipagpatuloy ang buhay.." "Sorry kung nagiging ma-drama ako ngayon, hah." Sandali pa akong napahikbi habang nagpupunas ng luha at saka nagsalita, "Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko, e. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. B-bakit ganoon kabilis.. marami pa akong pangarap para sa amin ni Papa." "Ssshh.. tahan na, naiintindihan kita.. alam kong sobrang bigat niyang dinadala mo. Pero hindi magtatagal at unti-unti rin 'yang maghihilom. May dahilan ang Diyos kung bakit nangyari 'to. Pero 'wag mo sanang isipin na kahit wala ka ng magulang, ay wala ng gagabay sa'yo. Hindi natutulog ang Diyos, Jeerah, magtiwala ka lang sa kaniya." Ewan ko ba pero tila medyo gumaan ang pakiramdam ko lalo na nang hayaan ko siyang yakapin niya ako. "Ehem." Napalingon kami sa boses na iyon at hindi na kami nagtaka kung sino pa ba sila. Boses ni Dela ang bumungad sa amin. "Nakikiramay kami, baks, magiging okay din ang lahat.." ani Mallow na ngayon ay halatang malungkot pa rin sa nangyari. Minsan na rin kasi nilang nakabiruan si Papa. "Ayoko sanang umiyak dahil baka mabura ang make up ko pero-- nakakaiyak!" ani naman ni Dela na kabog na kabog ang outfit. "Halata nga sa outfit mo na pinaghandaan mo today," natatawa naman na sabi ni Eli. "Uy teka, may naluto na ba? Kung wala pa ay kaming tatlo na ang magluluto," pagpi-presinta ni Mallow. "Naku, salamat, baks.. nakahanda na pala ang lutuin sa may kusina. Salamat talaga, hah," sabi ko at nagkatinginan pa kami ni Jerson habang napapangiti sa isa'tisa. "Loka! Ang drama, Jeerah!" banat na naman ni Dela. At nang makaalis ang tatlo ay natigilan ako sa pagpisil niya sa palad ko. "Bakit?" tanong ko. "Nakikita ko kasi ang lungkot sa mga mata mo kahit nakangiti ka. Pero iba rin ang sayang ibinibigay sa'yo ng mga kaibigan mo, i-treasure mo sila, Jeerah. Pero sana, kaya natin maging tunay na masaya para sa mga mahal natin sa buhay kapag wala na sila, 'no?" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. "Sana nga, Jerson.. kaso ganito talaga ang buhay." "Basta ako, palagi akong nasa tabi mo kahit na ano man ang mangyari. I'm just one call away," nakangiting aniya. "Sus, itsura mo. 'Wag mo nga akong pangakuan ng ganiyan, dahil hindi pa naman kita sinasagot, e." "Kahit na, alam mo, Jeerah, wala sa isang relasyon nakikita ang tunay na pagpapahalaga, nasa akin 'yon." "Itsura mo! Ang dami mong alam." Hindi ko maiwasang matawa sa mga sinasabi niya. Pero may pakiramdam sa akin na tila nagugustuhan ko iyon. Makalipas ang isang linggo ay inihatid na sa huling hantungan ang katawan ni Papa. Saksi ako sa pagmamahal ni Papa para sa aming mag-iina kahit no'ng nabubuhay pa si Mama. Isa siyang dakilang ama para sa akin dahil kahit kailan ay hindi niya pinagpalit ang kaniyang pamilya para sa iba. Habang nakaharap kaming lahat sa puntod ni Papa ay nilapitan ako ni Ate Jeremei. "Nakalulungkot lang isipin na hindi ko na muling makakasama pa si Papa, huling kita ko pa yata sa kaniya ay dalawang taon na ang nakakalipas." "Ate, kumusta pala ang buhay niyo sa probinsya?" "Heto, kapos sa pera dahil walang permanenteng trabaho ang asawa ko, kaya ikaw kung mag-aasawa ka, piliin mo 'yung may natapos o 'di kaya naman ay may pangarap sa buhay. Huwag kang tumulad sa akin, hah?" "Ate, wala pa naman sa isip ko 'yan." "Hindi mo rin masasabi 'yan, lalo na kapag umibig ka na, lalo na ngayon at mag-isa ka na lang dito sa Maynila, sigurado ka bang kakayanin mo?" "Kakayanin ko, ate, tutuparin ko ang ipinangako ko kay Papa, na magtatapos ng pag-aaral.." Napangiti siya at kalauna'y napansin niya si Jerson na masayang kausap nila Dela. "Nobyo mo ba siya?" "Ha? Hindi po ate-- manliligaw, gano'n, " tila naiilang kong sagot lalo na nang mapansin ko na napatingin sa akin si Jerson. "Bakit hindi mo pa sagutin? Mukhang maganda naman ang intensyon niya sa'yo? Kilala ba siya ni papa?" "Oo, ate, ahm, hindi naman kailangan na madaliin ang lahat ate, pero.. aaminin kong balak ko na rin siyang sagutin kung hindi lang namatay si papa." "Sabagay, pero aray ah! Tinamaan ako ron," natatawang aniya. Natawa na rin ako at pinagmasdan ang naging tanging remembrance ni Papa at iyon ay ang lapida. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD