Chapter 33

1313 Words

NASA HARAPAN namin ang nakahigang katawan ni Israel mula sa kabaong na kaniyang hinihigaan. Narito kami ngayon sa burol niya at para bang ayaw humakbang ng mga paa ko papalapit sa kaniya. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Mikas sa aking balikat dahilan para sandali akong mapalingon sa kaniya, gayong hindi magkamayaw ang pumapatak na luha sa aking mga mata. Napatango siya sa akin, at muli akong lumingon sa kabaong ni Israel, "Kakayanin mo siyang harapin, Jeerah, magtiwala ka lang," aniya at saka ko siya nilingon muli. Samantala'y hindi ako nakaligtas sa ibang mga matang nakatingin sa akin na nanggagaling kina Drake, Audrey at iba pa naming mga kaklase. Nang makarating ako sa harap mismo ng walang buhay na katawan ni Israel ay doon lalong dumami ang luhang pumapat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD