AIKO'S POV
Pagkawala na pagkawala nung demonyong 'yun sa screen ng tv ko, napaupo ako dahil sa sobrang panghihina ng tuhod.
Why does it have to end like this? Bakit kailangan umabot sa ganito? Did we do something wrong?
Is it considered greed if we just joined kasi wala na kaming choice? Na sumali kami kasi gusto na'ming makaahon sa mga utang na'min sa ibang tao na nagpapalubog sa'min?
Gusto lang na'min makabayad ng utang! Bakit kailangan na'min mag hirap ng ganito? Bakit may p*****n pang magaganap?!
Gusto 'kong umiyak, magmukmok, at ikulong nalang sarili ko dito sa loob. Pero alam ko sa sarili ko. na hindi ko pwedeng gawin 'yon.
Hindi pwedeng narito lang ako sa loob ng kwarto habang sila nag papatayan na isa-isa sa labas. Hindi ko rin pwedeng pabayaan si kuya doon, bobo pa naman 'yon baka s'ya pa unang mamatay. Napahagikhik ako sa naisip. Pero agad din nawala ang ngiti ko nang maalala nanaman ang lahat ng sinabi ng lalaking 'yon.
Sino ba s'ya at bakit n'ya kami pinapahirapan ng ganito?
Para lang sa pera? Lahat lang para sa pera? Pati buhay na'min kailangan itaya parallng sa pera?
He took advantage of our situations and use his power and money to manipulate us?! That's absurd!
Tama nga sila. Money is the root of all evil in this world. How pathethic.
Buhay nga na'man. Kung sino ang may kapangyarihan, s'ya ang angat. Kung sino ang may pera't mayaman, s'ya ang angat. Pa-paano na'man kaming hindi pinagpala? Ganito na lamang? Aapak apakan ng kung sino para sa sarili nilang benepisyo?
Oo alam ko may makukuha kami sa larong ito, but does that f****d up game worth risking our lives? Just because of that money? Is a human life worth millions?
Iniling ko ang ulo ko at napakuyom nalang ng kamao. Kahit ano namang dakdak at reklamo ko dito, wala na akong magagawa.
Tumayo ako nang may maalala. Sabi nung lalaking 'yon, may vault daw dito na naglalaman ng iba't ibang armas. Nasaan kaya nakatago 'yon?
Pumasok ako sa walk-in closet na pinaglabasan ko kanina. Nag tingin tingin sa sulok, wala doon.
Lumabas ako sa silid na 'yon at pumunta naman sa kwarto. Tinukod ko ang tuhod ko at sinilip ang ilalim ng kama, wala rin doon.
Tumayo ako at naglakad palapit sa isa sa kabinet na naririto sa loob ng kwarto, ngunit purong mga punda at bed sheets lamang ang nakita ko.
Napakamot ako sa ulo ko. Saan naman kaya nilagay ng demonyong 'yon yung vault na 'yon?
Naglakad lakad ako sa sala at nag baka sakaling makikita ko 'yon doon, ngunit hanggang sa sala ay wala akong nakita.
Nagpasya nalang ako na umupo na lamang sa sofa. Pinaglololoko lang ata kami no'n.
Bago pa man ako makaupo ay napatigil ako sa paglapit sa sofa nang may tumunog na kung ano sa inaapakan ko.
Napatingin ako do'n at napakunot ako ng noo. Ano 'yon?
Imposible na'mang tumunog 'yon dahil sa karupukan ng kwarto, ang ganda kaya dito. Halatang bagong bago pa, kaya saan nagmumula 'yung tunog na 'yon?
Kinapa kapa ko 'yung sahig na kung saan nanggaling 'yung tunog. Napatigil ako nang may nakita akong parang guhit na nagmumula sa sahig.
Kinapa kapa ko iyon, pinto! Maliit na parang pintuan!
Itinaas ko iyon at bumungad sa'kin ang isang kulay hazel brown na vault. Yung parang treasure chest.
Tinitigan ko 'yon. May isang simbolo 'yon sa gitna. Hindi ko lamang maintindihan kung ano ang nilalarawan no'n.
Sinubukan 'kong hawakan yung vault na iyon ngunit napaigtad ako sa sakit nang may boltahe ng kuryente ang dumaloy sa braso ko dahil sa paghawak ko roon. Seriously?!
Hindi talaga na'min 'to pwedeng gamitin kung hindi kami ang impostor. Hindi nga talaga nagbibiro 'yung nakakabwisit na lalaking 'yon.
Isinara ko na lamang 'yon at umupo sa sahig. Ano nang gagawin ko nito?
Napaigtad ako sa gulat nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Sino naman kaya 'yon?
Napatayo ako sa pagmamadali nang maisip na baka si kuya 'yon. Dali dali akong naglakad papunta sa pinto at binuksan agad 'yon.
Bumungad sa akin ang isa sa mga naka itim na suit na lalaking tauhan nung nagdala sa'min dito. Nawala agad 'yung ngiti ko.
Isang ulupong lang pala.
"Anong kailangan mo? Kasali ka ba sa laro? Impostor ka ba? Papatayin mo na ako? Sige ghorl, go! Oh ayan leeg ko gilitan mo na." Sunod sunod na sabi ko sa kan'ya at iminuwestra ang parte ng leeg ko.
Napakamot ito sa ulo at may inabot na isang box. Tinaasan ko s'ya ng kilay bago tinanggap 'yon.
"Ano naman 'to? Pag binuksan ko ba 'to mamamatay ako? May lason ba sa loob nito na pag binuksan ko malalanghap ko tapos mamamatay na ako?" tanong ko sa kan'ya.
Hindi sumagot yung lalaki at naglakad na lang palayo.
"Aba, kinakausap eh."
Napatingin ako sa box na binigay n'ya at isinara ang pintuan ng silid para pumasok na sa loob.
Umupo ako sa sofa at inalog alog 'yung box na 'yon. Dahan dahan ko 'yong binuksan at nakita ko ang isang may kalakihang Ipad.
Ito nga pala 'yung sinasabi nung lalaking 'yon na magkakaroon kami ng Ipad para malaman kung kami ba ang impostor o hindi.
Binuksan ko pa rin 'yon at bumungad sa screen ang isang may kalawakang mapa. The maps shows some parts of the mansion.
Ito na ata 'yung sinasabi ng lalaking 'yon na mapa ng buong mansyon. Tinignan ko ang mapa na 'yon.
Sa unang palapag ng mapa doon matatagpuan ang kitchen, living area, game room, library, at dalawang restrooms.
Sa pangalawang palapag na'man ay ang mga kwarto ng babae, pero ang weird lang do'n ay yung daanan sa harap ng bawat kwarto ay iiba. May iba't ibang pathway at nagl-lead ang lahat ng daanan na 'yon sa 1st floor.
So technically, pag lumabas ako ng kwarto, wala akong madadaanan ni isang kwarto ng mga babae even though nasa iisang palapag lamang kami.
Sa ikatlong palapag na'man ay ang silid ng mga lalaki. Ganun din ang set up gaya ng sa girls, iba ibang pathway at naglelead papunta sa ground floor.
Ang ikaapat na palapag na'man ay open space. Although may bubong na'man 'yon, sa buong 4th floor ay purong space lang.
Ang malaking tanong dito, where is the security room located? Maybe I can go check the 4th floor myself kung talaga ngang open space lang 'yon.
Inoff ko na 'yung Ipad at nagpakalumbabang nag isip. If I we're a game master and I want to hide a room inside a mansion, where would I hid it?
Ahhhh! Nakakabobo!
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang sumulpot nanaman 'yung misteryosong business man na 'yon sa screen ng tv ko.
"Magsabi ka na'man punyeta 'to! Aatakihin ako sa puso sa'yo jusmiyo!" Sigaw ko na akala mo'y maririnig man ako nung nasa kabilang screen.
"Hello, players. I forgot to tell you that this evening, the 10 of you have to assemble on the dining area at exactly 7 pm. And have a dinner with each other. That is your last chance to talk to each of your friends or the person you want to talk to because.. the game will start at exactly 9pm. That is the start of the first round. The first round will go on for 2 days. So the impostor will have to think about how will he/she kill one of you in the most neat way. Once all of you are done eating and changing words for the last time, you'll go to your rooms and check your Ipads to know if you are the impostor.. or not. That's all folks, goodluck guessing." 'yun ang sabi n'ya at kusa nanamang namatay ang screen ng tv ko.
Napatingin ako sa kamay ko na nagsisimula nang manginig sa halo halong kaba, takot, galit, at pag aalala.
Magsisimula na. 20 days, 10 rounds of f*****g hell inside this f****d up mansion.
Napatingin ako sa wall clock na nasa itaas ng tv. It's 6:50 pm already.
Tumayo na ako at pinunasan ang luha na hindi ko agad namalayan na tumulo na pala papunta sa pisngi ko.
Hinawakan ko yung door knob. Napapikit ako at napahinga ng malalim. I don't have any other choice but to obey him. Binuksan ko na 'yon at naglakad na papunta sa 1st floor.
Pagkababang pagkababa ko, nakasalubong ko ang dalawa sa babaeng players din ng punyetang larong 'to.
They didn't even smiled at me at naglakad na lang papunta sa dining area.
That's fair tho, I didn't smile at them either.
Pagkarating ko sa dining area, may dalawang babae na roon, yung dalawang nakasalubong ko at tatlong lalaki na participant din.
Lahat sila nakaupo na at pinagsisilbihan ng mga babaeng naka purong itim na suit at hindi kita ang mukha.
Weird.
Umupo na rin ako at itinuon ang mga mata sa pinanggalingan ko kanina. Iintayin ko si kuya.
Maya maya pa ay naglakad na si kuya papasok ng dining area at umupo sa tabi ko.
"May surot pala dito." bungad n'ya pagkaupo sa tabi ko. Napairap ako at niyakap s'ya.
"H-hoy! Anong ginagawa mong babae ka nakakahiya hoy kadiri madami ka pa namang kuto mahawaan mo pa ko!" pagrereklamo n'ya at pilit na inaalis yung braso ko na nakakapit sa braso n'ya.
"Napakaarte mong punyeta ka ikaw na nga lang niyayakap d'yan! Parang ang bango bango mo ah amoy anghit ka nga!" sigaw ko pabalik at inalis na ang mga braso kong nakakapit sa kan'ya.
Sa loob loob ko natutuwa ako. Alam kong natural na sa'min ni kuya ang magasaran pero ramdam ko pa rin na'man na mahal n'ya ako kahit araw araw n'ya kong binibwisit.
Napayuko ako sa plato ko at bahagyang nalungkot. Ito na 'yung huling gabi na makakausap ko ng matino si kuya at makakaasaran.
Magsisimula na mamaya ang delubyo, wala na kaming oras pa para mag usap. Nasabi rin 'yon kanina sa screen na hindi kami pwedeng makipag usap kahit kanino pag nagsimula na ang laro.
Nilibot ko ang paningin ko sa mga taong kasama na'min sa iisang mesa. Napako ang tingin ko sa babaeng kumausap sa'kin kanina na ngiting ngiting nakatingin sa akin.
Sa pagkakaalam ko Lili ang pangalan n'ya. Yun 'yung nakita ko sa conference room nung pinakita sa screen ang mga pangalan na'min.
Sa gilid n'ya ay isang babaeng naka shades at mukhang tahimik, si Ayumi. Sa gilid na'man ni Ayumi ay isang lalaking nagngangalang Eric. S'ya 'yung lalaking napatulog sa conference room. Mukha s'yang sisiga siga dahil sa mga tattoo n'ya sa katawan at sa paraan ng pagtitig n'ya.
Napalingon naman ako sa gilid at nakita ang isa pang babae na mukhang maarte. Kulay blonde ang buhok nito at kung makahawak sa tinidor ay animo'y diring diri. Akala ko ba lahat kami na naririto mahihirap at baon sa utang? Bakit 'tong babaeng 'to kung makaakto akala mo isang yayamaning babae?
I think her name is Carla. Isa s'ya sa mga babaeng nanaray sa'kin kanina. Yung sa gilid n'yang lalaki na naka-shades at bagsak ang buhok ay si Dark. Yung dalawa pang lalaki ay sina Andrew at Paulo. Yung isa syempre si kuya.
At yung isa pa sa babae na nakasalubong ko din kanina na tinarayan din ako, her name is Riley. Tinignan ko 'yung mukha n'ya pati yung way n'ya ng pag show ng emotions.
Bagay na bagay silang dalawa ni Carla bilang friends. Sarap nilang pag untugin. Ang aattitude akala mo na'man maganda.
Hindi ako judgemental ha, totoo naman kasi.
Habang tinitignan sila isa isa, sinusubukan ko na hulaan kung sino ang maaaring maging impostor.
Napangiwi ako. Some of them can literally look like a criminal. Pero ang hindi ko lang maisipan ng masama ay sina Lili at Ayumi.
I shook my head at nagsimula na lamang kumain. I have enough time to think who's the impostor after this dinner. Siguro na'man if malaman na na'min kung ano ang role na'min sa laro mamaya pag nakita na'min sa Ipad ay may magiiba ng ugali sa kanila.
Well, who knows? Isa lang na'man ang mapapangako ko sa sarili ko.
I swear. I f*****g swear that I will be the one to know who the real impostor is. I will unveil his/her identity. Sa bawat taong magiging impostor, I will be the one to guess that.