Chapter 3

2323 Words
AIKO'S POV Lahat kami ay napako ang mga paa sa sahig dahil sa nasaksihan. Is that a real gun? "Don't panic, everyone. It's not a real gun. Pinatulog ko lang s'ya. For those who wants to do what he did and try to walk out of the room, do you really think I will let you? Nah. You have no other choice but to play the game." Kitang kita kong napangisi ‘yung lalaking 'yon pagtapos n'ya 'yon sabihin. We have no other choice but to play the game? What the f**k is he talking about? Nababaliw na ba s'ya? "Malinaw na malinaw sa letter na pinadala n'yo sa'min na we do have a choice if we want to participate or not! And now you're saying we have no other choice but to play your stupid game? Baliw ka ba?!" Sigaw ko sa kaniya. Mas lalong lumaki yung ngisi n'ya na s'yang dahilan para manlamig ‘yung buong katawan ko. Hindi dahil sa airconditioner nitong room, but because of those smirks. I don't know why but I started getting scared on what will happen next. "That's my idea first. But now? I don't think so. Giving someone a million without giving me something in return? Oh dear..I'm not a saint to do that. What I'm requesting is just a game. You'll just have to play, survive the game in each round, and you have already payed me back, simple. There's even a reward on every round. Lugi pa ba kayo? I don't think so," he said and laughed. Napakuyom ako ng kamay. Nababaliw na talaga s'ya! "That's all for today folks. For now, you may rest. We'll take all of you where the game will occur. Sleep tight," sabi n'ya sabay namatay na ‘yung screen. Mas lalong kumunot ‘yung noo ko. What did he meant by 'sleep tight'? At anong ibig niyang sabihin sa dadalhin n'ya kami sa lugar kung saan magaganap ‘yung game? Hindi ba rito? Napatingin ako sa vents ng room nang may lumabas na kulay puting usok d'on. What's that? Yung isang babae na malapit sa isa sa mga vent ay bigla nalang natumba. Napatakip ako ng ilong nang ma-realize ko kung ano ‘yun. It's a sleeping gas! Kinabahan ako lalo nang halos lahat na sila nakahiga na ngayon sa malamig na sahig dulot ng gas na 'yon. Lumapit sa'kin si kuya. "Don't panic, okay?" He said. Tumango tango ako. Hindi ko na kaya pang magpigil ng hininga kaya inalis ko na ‘yung kamay ko sa ilong ko. Unti-unti akong nahilo at bumibigat na ang mga talukap ng mga mata ko. Naaninag ko si kuya na natumba na sa sahig. "Kuya…" And everything went black. *** Iminulat ko ‘yung mata ko sa pagkapikit. Napansin kong nasa isang sasakyan kaming lahat. Isang limousine nanaman ang pinagkakalagyan naming lahat. And I can tell na ibang limousine ito roon sa limousine na pinagdalhan sa 'min doon sa building na 'yon. Nilibot ko ‘yung paningin ko sa loob ng kotseng sinasakyan na'min. Ako pa lang ang gising. Lahat sila mahimbing pa sa pagkakatulog. Probably, dahil kakaunti lang ang nalanghap kong gas galing do'n sa conference room na 'yon. Napatingin ako sa gilid ko. Andoon si kuya, tulog pa rin. Mukha talaga s'yang mabait kapag tulog tapos kapag gising mukhang demonyo. Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan sa pag-andar. Hindi ko alam kung nasaan kami dahil ang mga bintana ng kotse ay nakasarang lahat. Mukhang automatic iyon dahil wala sa mga bintana ang pwede naming galawin para bumukas ang mga iyon. Bumukas ang pintuan ng kotse at may ilang mga lalaking malalaki ang hubog ng katawan at nakaitim na suit at itim na sunglasses ang kumuha sa kanila isa isa. Napatingin ako sa lalaking umaakay kay kuya palabas ng kotse. Napangiwi ako. ‘Pag ‘yan nagising sa haras ng pagkakahawak n'yo sa kaniya, ewan ko nalang kung 'di pa magka-World War III. Nananapak pa naman ‘yan kahit tulog. Napairap ako sa hangin nang ako naman ang hawakan nila sa magkabilang braso ko. "Pwede ba? Bitawan n'yo braso ko, maglalakad ako mag-isa hindi ako lumpo. Tyaka as if na'mang tatakas ako, ni hindi ko nga alam saang lugar n'yo kami dinala," biglaang sabi ko. Totoo naman kasi. Paano ako makakatakas kung ang daming mga lalaking nakaitim sa labas? Itong mga taong 'to, ang lalaki ng mga katawan ang liliit na'man ng mga utak. Nagkatinginan ‘yung dalawang lalaking dapat maglalabas sa'kin sa kotseng 'yon. Mukha pa silang nag-dadalawang isip kung hahayaan ba ako. Hindi na ako nakapaghintay at hinatak ko na 'yung dalawa kong braso sa kanilang dalawa at naglakad na palabas. Napatingala agad ako sa malaking gate sa harapan ko. Ang nakaagaw ng pansin ko lalo ay ang mansion sa loob ng magarbong gate na 'yon. Hindi naman mukhang haunted house 'tong pinagdalhan sa 'min kasi ang ganda ng exterior design ng mansion. Pinalilibutan 'yon ng berdeng berdeng mga d**o na natabas nang maayos. Namumukadkad din ang mga bulaklak doon na talagang makakaagaw ng pansin ng kung sino. Kusang bumukas ang gate na 'yon at isa isang pinasok ng mga nakaitim na lalaki ang mga kasamahan ko sa katarantaduhang 'to, including kuya. Tumingin ako sa paligid ng mansion at sa dinaanan namin. Nasa gitna kami ng isang gubat. Puro naglalakihang puno ang nakapaligid sa amin. Mukhang itong mansion lang talaga na nasa harap ko ang nag-iisang bahay rito. Ano ba talagang plano nong lalaking 'yon? Sino ba s'ya? Paano n'ya kami napagtipon-tipon? What I mean is, lahat kaming sampo ay may pinagdadaanan pagdating sa pera. Ang malaking tanong ko, paano nalaman ng lalaking 'yon na gano’n ang sitwasyon ng buhay namin at inimbita kami para sa pera? "Aray! Nananadya ka ba?!" Napainda ako sa sakit ng tagiliran ko nang may tumusok doon. Pagtingin ko, ‘yung isa sa mga maglalabas sana sa akin. Napatingin ako sa harap, ako na lang pala ang hindi pa nakakapasok. Tinitigan ko nang masama ‘yung tumusok sa akin at umismid bago nagmartsa papasok sa magandang mansion na nasa harapan ko. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang hindi ilibot ang mga mata ko sa labas pa lamang ng maragbong bahay na nasa harapan ko. Ang ganda ngang talaga, sayang nga lang kasi baliw ‘ata may ari nito. Napatingin ako sa gilid nang may mapansin ako. Ang daming mga CCTV camera sa labas pa lamang ng mansion na 'to. Sa sobrang dami no’n, lagpas ‘ata sa sampo. Ano? Wala bang balak ‘yung lalaking 'yon na palabasin kami rito? Dinala kami sa tig-iisa isang kwarto. Wait, ‘di ko makakasama si kuya? Ano ba talagang binabalak no’ng bwisit na 'yon? Pinasok na ako sa magiging kwarto ko raw kuno. Sinara ko na ‘yung pinto at nilibot ang paningin sa loob ng silid na iyon. Black ang kulay ng buong kwarto. Ang mga kagamitan ay halatang mamahalin bawat isa. Ang laki rin ng kama, king size siguro iyon sa pagkakaalam ko. May malaki ring flat screen TV na nakakabit sa wall. Malaki ang kwartong iyon. Kasyang-kasya kaming sampu roon kung tutuusin. Pero pinili talaga nila na tig-iisa kaming kwarto, sosyalin talaga. Nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto. Wala akong dalang mga damit, anong susuotin ko rito?! Sa pagkakatanda ko, lahat kami na kasama rito ay walang dalang mga extrang damit bukod sa suot suot namin ngayon. Napatakbo agad ako sa isa sa mga pintuan dito sa loob ng kwarto. Pagbukas ko ng isang pintuan, bumungad sa 'kin ang kulay itim ding bathroom. Yung bath tub, itim. Shower, itim. Yung floor tiles, itim. Maging yung inidoro at sink ay kulay itim din. Bakit naman itim kulay ng buong kwarto ko? Gano’n din kaya sa iba? Hindi naman s'ya sobrang black na as in talaga itim na itim. ‘Yung medyo shaded na black. Kaya maganda naman kahit papano combination. May dark na dark, light black, and so on. Isinara ko na ‘yung pintuan ng bathroom at binuksan naman ‘yung isa pang pintuan dito sa tabi lang ng pinto ng bathroom. Pagbukas ko ay nakahinga ako ng maluwag. Walk-in closet pala ito. May mga damit na rito. Kumpleto from shirts, shorts, pants, shoes, mga heels, at iba pa. Lumapit ako sa mga damit at tinignan ang mga sizes no'n. Napataas ako ng kilay nang makita ko. Saktong sakto 'yon sa size ng katawan ko. Bumaling naman ako sa mga sapatos at heels at sinukat 'yon isa isa. Saktong sakto pati mga sapatos. If this is just a coincidence, I'm impressed. Napaigtad ako nang marinig ang pagbukas ng TV. Dali-dali kong hinubad yung mga pinagsusukat ko at lumabas ng walk-in closet na 'yon. Bumungad sa 'kin ang nakasumbrero at naka-tuxedo na namang lalaki na may pakana kung bakit ako andito. "A pleasant afternoon, my players," panimula n'ya sabay ngisi. "Gago! Anong pleasant pleasant afternoon pinagsasabi mong ulupong ka. Walang pleasant sa afternoon," bigla kong sabi ko na animo'y talagang maririnig ako ng lalaki sa screen ng tv. Sana nga marinig n'ya ako nang mamura ko s'ya nang bonggang bongga. "You are all inside your own rooms. Now, I will explain the mechanics of the game you're about to play. Have you heard of the popular game, among us? Why don't we try it in real life? That would be fun. Find the impostor before the timer runs out. And if you don't we'll see," sabi n'ya sabay tawa ng mala-demonyo. Napataas ako ng kilay sa pagtataka. Among us talaga lalaruin namin? That explains the color of my room. I'm the color black. Nanlaki ‘yung mata ko nang may ma-realize. Among us? Does that mea- "Yes. Saktong sakto ang mga naiisip n'yo sa larong kayong sampo mismo ang magiging participants," he said na parang naririnig n'ya ang mga iniisip namin at konklusyong namumuo sa bawat utak naming lahat. Nanginig ako sa sunod n'yang mga sinabi. "There will be an impostor among the ten of you. Itong loob ng mansyon ang magsisilbing setting ng laro. Each of you will be identified as colors just like the actual game of among us. Since all of you are only 10, and there are 12 colors available on among us game, cyan and lime will not be available. Red, blue, green, pink, orange, yellow, black, white, purple, and brown, those are the colors that will be given in each of you. And just like the original game, the impostor will kill each one of you until you identified who he is. There are 10 rounds of the game. If someone guessed who the impostor is, there will be a new impostor until 10 days are completed. You have 10 days to survive and not be killed by the impostor, or BE THE IMPOSTOR," pagpapatuloy n'ya. Nanlamig ‘yung buong katawan ko at parang namamanhid ako. Nagsimula rin mamuo yung pawis ko sa noo ko. Nanginginig din ang mga labi ko. This is f*****g ridiculous! Isasaalang alang namin ang mga buhay na'min para lang sa pera? Is a person's life worth millions?! Napatitig ako sa lalaking nasa screen. Nakakatakot ‘yung aura n'ya, maging ‘yung ngisi n'yang ilang beses ko nang nakikita. Nakakasindak talaga. How can he be so cruel? Isa s'yang manipulator! Namuo na ‘yung mga luha ko. Does that mean there's a chance that kuya and I will get killed? That we'll get killed by each other? "If you guessed wrong, that person will die. So you have to think thoroughly before suspecting who the impostor is. Ayaw n'yo naman sigurong maging dahilan para mamatay ‘yung isa sa inyo, hindi ba? Think properly. Hindi 'yung i-vovote n'yo 'yung inaakala n'yong impostor dahil akala n'yo ang, each of your lives is at stake. So don't be stupid. Each round, the impostor will kill 1 among the rest of you. There's also a voting. Each of you will be given your own personal ipad's. You will use that to vote kung sino sa tingin n'yo ang impostor. And if you voted wrong, you know what will happen next," sabi n'ya at napangisi pa lalo bago tumawa nang tumawa. Napakuyom ako sa dalawa kong kamao. Ano tingin n'ya sa 'ming lahat? Puppet? Laruan? Gago ba s'ya?! Baliw na ngang talaga s'ya! Kinain na ng pera ‘yung katinuan n'ya! "Hindi naman ako gano’n kasamang tao, so, I came up with an idea. There's a chance for each of you to know the impostor right away. There's a security room in the mansion. But I will not give you where it is located. I will give you a map of the mansion but the location of the security room is not included in that map. Huhulaan n'yo lang kung saan s'ya naroroon HAHAHAHA. That is your only chance to know who the impostor is. That is the fastest way since the security room includes all the corners and camera access of this whole mansion. About how would you know to yourselves that you are indeed the impostor, susulpot 'yon sa screen ng ipads n'yo 1 hour before the timer starts," pagpapaliwanag n'ya pa. May sira na nga talaga sa ulo 'tong impaktong 'to! "And oh I forgot. There's a vault inside each of your rooms. That vault contains different weapons the impostor can use to exterminate each of you. But, only the impostor can have an access to that vault. Bubukas lang 'yon kung ang nasa loob ng kwartong pinagmumulan ng vault ay ang magiging impostor. The prize money will continue to increase as each of the round's go by. Good luck players, survive and get the prize money, or… get killed. Have a wonderful afternoon," pagtatapos n'ya sa pag i-explain bago s'ya mawala sa screen ng TV at maging blanko. Napatitig ako sa sarili ko na nasa repleksyon ng TV. What will happen to me now? At kay kuya? Hindi ko na alam gagawin ko. I can't afford to be the impostor and kill him nor got killed by him when he becomes the impostor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD