AIKO'S POV
5 boys and 5 girls including me and Aki.
Napalingon silang lahat sa direksyon namin. The girls look beautiful on their dresses. Ang mga boys naman, ang g-gwapo rin sa mga suot nila. Ang unfair, bakit ‘yung kuya ko ang panget? Chour. Pogi nga pala s'ya ngayong araw.
Ngayon lang lol.
Nagtataka ‘ata yung iba bakit ganito ‘yung suot ko. Tinititigan lang nila ako. Tinitigan ko rin sila pabalik isa-isa. Pakealam n'yo? May sari-sarili tayong trip.
Napaangat ‘yung tingin ko sa malaking gusali na nasa harapan ko. Kulay itim lang 'yon at parang gawa lang sa glass.
Kusang bumukas yung pinto no'n at pumasok na kami isa-isa.
"Wow…"
‘Di ko maiwasang ‘di mamangha habang sinusuyod ng aking mga mata ‘yung lobby. Halatang mamahalin lahat ng gamit na andito.
Dalawang elevator ang ginamit namin. Isa sa mga lalaki at isa sa mga babae.
Mukhang hindi naman kami magkakakilalang lahat dito.
"Hi! I like your outfit!" Napatingin ako sa gilid ko. Ako ba kinakausap nito?
Tinuro ko ‘yung sarili ko. Tumango tango s'ya.
"Ay, thank you. Ang out of place nga, eh. Lahat kayo naka-formal attire ako lang hindi," sabi ko sa kan'ya at ngumiti ng mapait.
"Ano ka ba! Wala naman talagang dress code. Ako nga napilitan lang ito ang suotin kase wala na akong ibang maayos na damit." Napatingin ako sa mukha n'ya. She looks angelic.
Siningkit ko ‘yung mata ko at tinitigan s'ya. She kinda looks familiar, hindi ko lang ma-describe kung saan ko s'ya nakita. I shook my head.
"Wala ka ng maayos na damit bukod d'yan? Bakit naman? Mukha ka ngang mayaman eh," sabi ko naman at tumawa nang bahagya.
Mukha kasi talaga s'yang may kaya sa buhay. Ang kinis kinis ng balat n'ya. Wala pang ka-pimples pimples sa mukha. Kahit pimple marks wala ni isa. Oh, diba mukha talagang sosyalin.
"Hindi. Mahirap lang ako. Sadyang alagang alaga lang talaga ako ng mga magulang ko. Itong damit na 'to? Noong debut ko pa ito. Nag-iisa lang 'tong maganda kong damit," malungkot n'yang sabi. Nagtaka ako.
"Bakit naman? Kasi seryoso, mukha ka talagang mayaman. Isang tingin lang sa'yo," pag-amin ko. Totoo naman kasi talaga.
"Hindi talaga ako mayaman maniwala ka. Nag-iisang anak lang kasi ako. Kaya alagang alaga ako ng mama't papa ko. Hindi rin naman ako palalabas ng bahay. Totoo sinasabi ko na ‘di kami mayaman. Kung mayaman ako, bakit ako nandito, ‘di ba?" tanong n'ya sa'kin. Napaisip ako, oo nga naman.
Napatingin ako sa mga babae sa paligid ko. Mukha silang sosyalin pero ‘yung totoo, nandito Rin sila para sa premyo.
Tumigil na ang elevator sa 13th floor. Wait, may 13th floor 'to? I thought number 13 is a unlucky number for business people? Specially on buildings.
At dito talaga magaganap? What a coincidence.
Nakita ko si kuya sa kabila and I mouthed, "Panget mo."
Tinaasan naman n'ya ako ng kilay at initaas ‘yung middle finger n'ya. Aba. Aba.
"Kambal ka'yo?" The girl who talked to me on the elevator spoke beside me.
Malamang, magkamukha nga kami, ‘di ba. Hindi ba obvious, Bhie?
Gusto ko sanang sabihin 'yon kaso baka isipin naman nito napakasungit at napakamaldita ko eh nagtatanong lang naman s'ya kaya nginitian ko s'ya at sumagot.
"Oo, kambal kami."
"Ang cute naman! Sana ako rin may kambal," sagot n'ya.
Hay nako girl, ‘wag mo na pangarapin kung ayaw mong magka-archenemy sa buong buhay mo.
Nginitian ko nalang s'ya at ‘di na sumagot.
Pumasok kami sa isang kwarto rito sa building na 'to. Napanganga na lang ako sa ganda ng loob. Kaming sampu lang talaga ang nandirito bukod sa mga body guards. May isang malaking screen sa gitna at sa harap no’n ay may mga upuan na hiwa hiwalay isa isa.
Ano 'to social distancing? Baka naman i-pa swab test pa kami ah.
Bawat upuan ay may mga pangalan. Unang naupo ang isa sa mga babae na kasama namin at sumunod ang isang lalaki. So on and so forth.
May mga maliliit din na coffee table sa harap ng upuan at may mga nag s-serve ng pagkain at drinks.
Ang pinagtataka ko lang, bakit screen ang nasa harap. Nasan yung host nitong event na 'to?
Napatingin ako sa gilid nang may mapansin. Ano ‘yun? Among us characters? Naka-design talaga sa gilid-gilid.
Mukhang adik sa among us ‘yung may pakana netong event na 'to at nagawang mag decor ng iba't ibang characters sa among us.
"Welcome, my fellow participants."
Naagaw ang atensyon namin nong lalaking nasa screen ngayon. S'ya rin ‘yung lalaking kumausap sa 'min through desktop kahapon. Naka-black suit pa rin ito at naka-hat. Nakatakip pa rin ang mukha.
Hindi ba 'to naliligo? O naliligo pero ‘di nagpapalit ng damit? Dugyot mo naman, sis.
"You're all gathered here today for one reason, for money. Look at the other screen beside mine," sabi n'ya. Napatingin kaming lahat sa sinasabi n'yang screen. Andoon isa isa sa mga pangalan namin pati picture. Napakunot ako ng noo.
Where did they get those pictures and those informations about us? I don't remember anything na nag-share kami ng information and description na'min sa kanila.
"These are the list of your names, your characteristics, your debts and a score board. I've put 1 million in each of your score boards. But I guess, 1 million is still not enough for the debts of each one of you? So, I came up with a game. A survival game wherein you can earn as much as 1 million pesos in every round," pagpapatuloy n'ya.
Napalingon kami sa biglang tumayo. Rinig na rinig ‘yung tunog ng upuan kasi marbled ‘yung floor.
"I got my 1 million already and that's enough to pay for my debts. Wala na akong oras para sa stupid idea na 'yan. Game? Ano kami? Bata? I'm leaving, weirdos." Naglakad ‘yung lalaking 'yon palabas ng room.
His name is Eric, ‘yun ‘yung nakita kong pangalan sa screen.
No’ng malapit na s'ya sa pinto, someone shot him. Nagulat kaming lahat.
Yung ibang mga babae nagsisigawan at ‘di na mapakali.
What the f**k just happened?!