Chapter 1 - Volume 1

1117 Words
AIKO'S POV Napatingin ako kay Aki na may nanlalaking mga mata. Kahit s'ya ay ‘di makapaniwala sa narinig n'ya. "Y-yun talaga nakasulat d'yan? Baka pinaglololoko mo lang ako, Aiko. Babatukan talaga kita!" Sigaw sa'kin ni kuya. "Oo, ‘yun nakasulat d'yan. Nakita mo namang binasa ko, ‘di ba? Bobo ka? Kaharap mo pa ko no’ng binasa ko nakasulat ditto," sagot ko sa kanya. Pinanliitan n'ya ko ng mata. "Patingin nga!" Hinablot ni kuya ‘yung papel sa'kin at binasa. "Oh, ‘di ba? ‘Yun nga nakasulat d'yan." Hindi pa rin kami makapaniwala sa nabasa namin. Aattend lang kami tapos may 1 million pesos na kami? "Baka scam 'yan, kuya. Sino namang inutil ang gagawa ng ganiyang event tapos pag-umattend ka instant milyonaryo kana?" Tanong ko sa kaniya. Tama naman ako, ‘di ba? Sinong tangang gagawa n'yan? "Pero paano kung totoo? Tignan mo nga, may 1 million na tayo umattend lang tayo roon. Tapos may dagdag pa ‘pag nagparticipate? Isipin mo, mababayaran natin ng buo bill ni papa ro’n tapos mga susunod pa n'yang bill. Mga utang natin sa ibang tao tapos ‘yung dito sa bahay? Makakapag aral kana rin sa gusto mong school. Mabibili natin mga gusto natin. Isipin mo nga 'yon, Aiko," pagpapaliwanag ni kuya. "Ang sakin lang naman baka umasa tayo tapos scam lang naman pala," katwiran ko. "Edi i-check natin kung totoo. May address naman na nakalagay d'yan, ‘di ba?" Tanong n'ya. Oo nga, ‘no. Dali-dali kong binuksan ‘yung desktop naming isang ubo nalang bibigay na. Ay, ‘di pala umuubo ‘yung computer. Sinearch ko ‘yung nakalagay na address sa papel pero kada ini-enter ko na, walang lumalabas. Nilingon ko si Aki sa likod ko. "Wala namang lumalabas, kuya. Scam nga ‘yan. Mga tao nga naman oh, lalakas mantrip sasarap ihulog sa bangin. Nakakabwisit, ah. Nangigigil ak-" Natigil ako sa kakasalita nang tapikin ni kuya balikat ko. "Puro ka dakdak d'yan. Tignan mo yung nasa screen," napabalik ako ng tingin sa computer at nagulat sa nakita ko. May sumulpot na website. Andon lahat ng information tungkol sa kompanyang nakalagay sa papel. The underground Nag-browse ako nang nag-browse sa website na nagngangalang, the underground nang biglang may sumulpot na recording. Kitang kita ko sa gilid non na hindi lang kame ‘yung nanonood. Sampu kaming nanonood sa recording na 'yon. Sa recording, may isang lalaking nakaupo sa silya na may suot na sumbrelo. Nakasuot ng tuxedo at nakayuko. Wow! Pa-mysterious effect. "Welcome. I guess all of you received the letters I distributed. I suspect that all of you are still confused if what's written there is true or not. It's real. About the 1 million peso reward, It will be given to you as you step your foot on my place. The additional? It's more than 1 million pesos. Participate and I guarantee your reward. The rest of the details will be announced tomorrow on the actual event, see you." At namatay ang recording. Sa tingin ko gumamit 'yon ng voice changer kase ang laki masyado ng boses. Pa-mysterious talaga, sosyalin. Nag-exit ng kusa ang website na 'yon. Nagkatinginan kami ni kuya. "Nasagot ba ‘yung tanong mo na kung totoo o hindi?" Sarkastikong tanong n'ya. Umirap nalang ako sa hangin. "Whatever, kuya. So ano pupunta tayo? Bukas na agad 'yon, ‘di ba? ‘Yun nakalagay ro’n sa papel," tanong ko sa kaniya. Tinaasan n'ya ako ng kilay. Porket makapal kilay mong kupal ka, ahitin ko ‘yan eh. Makikita mo. "Sa tingin mo? Malamang pupunta. Sayang 'yon milyones 'yon." Ini-expect ko na na ‘yun ‘yung isasagot n'ya. "Oh s'ya, magkakalkal lang ako ng damit ko para sa susuotin ko bukas. Sosyalin mga tao ro'n, dapat ako rin. Hindi ako papatalo, ghorl." Luh bakla ka bhie? Napatitig ako sa screen ng computer nang umakyat na si kuya sa kwarto n'ya. Gaano kabongga ‘yung event na ‘yon para gastusan? At ano yung sinasabi nung misteryosong lalaking yon na mag participate kami tapos ganun kalaki yung premyo? More than a million. Tapos paano kami nakilala? Sa dinami rami ng tao ba't isa kami sa napili? I don't know. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano. But I can't help it, my guts says it. There's something going on here. I have a bad feeling about this. *** Papunta na kami sa lugar kung saan magaganap ang misteryosong event na 'yon. Nakasakay kami sa isang magarbong sasakyan. Limousine ‘ata ang tawag nila rito. Tapos kaming dalawa lang ‘yung sakay ni kuya bukod sa driver. ‘Yung dalawang mga lalaki na sumundo sa 'min kanina sa bahay, nakabukod pa sila ng kotse. Mayaman nga talaga siguro ‘yung may pakana neto. A business tycoon? Ay ewan ko. "Ano kaya sa tingin mo ‘yung event na sinasabi nila? Anong klasing event kaya 'yon hmm… Pageant kaya? Kung pa-pogian lang kailangan, ako na winner HAHAHA," pambasag ni kuya sa katahimikan. Napalingon ako sa kaniya with a disgust look on my face. "Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Nakasara lahat ng bintana nitong kotse, ang hangin hangin naman sa loob. Ang sabihin mo, kung pa-pogian lang ang kailangan, wala ka nang pag-asang manalo. Asa ka pa. Panget panget mo," sagot ko sa kan'ya. Tinaasan n'ya ‘ko ng kilay. Taray taray nito. Tusukin ko mata mo, eh! "Mas panget ka, tanga. Kamukha mo buhok ko sa pwet." "Ang dugyot mo!" Hinampas ko s'ya sa braso. Napakababoy. Teka, bakit nga pala kami nag-aasaran sa appearance eh kambal kami? Abnormal lang eh, ‘no. Naramdaman namin na tumigil na ‘yung sasakyan kaya natahimik kami ni kuya. Eto na, kapag umapak na kami sa loob ng lugar na 'to, may isang milyon na kami. Pero ‘di pa 'yon sapat para sa lahat ng utang namin lalong lalo na sa bill ni papa sa hospital. Dun pa lang ubos na ‘yung isang milyon. Kaya kung ano man ‘yung dapat naming gawin para madagdagan 'yon, pareho kami ni kuya na pursigidong tanggapin 'yon. Pinagbuksan ako ng pinto ng kotse ng isa sa mga sumundo sa'min kanina. I'm wearing a red fitted sleeve less croptop that defined my chest shape amazingly. A black legging pants partnered with a black combat shoes. I don't like dresses so, yeah. Si Kuya Aki naman. I can't deny, he looks handsome in his outfit. He's wearing a black tuxedo, black shoes, at naka-brush up ‘yung buhok n'ya. Ngayon ko lang s'ya pupurihin kasi nagmukha s'yang tao. Pagkalabas namin ng kotse, bumungad sa 'min ang iba pang mga imbitado sa kaganapang 'to. ‘Yung mga nakita ko sa screen kahapon. Andito na silang lahat. Wala na talagang atrasan 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD