3rd day of the Survival Game
AIKO'S POV
This it it. Another day of this f*****g game inside this beautiful yet f****d up mansion owned by a f*****g person.
Wow, rhyme.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nakatitig sa kisame. Walang balak tumayo.
Alas nuebe na ng umaga. Biskwit lang ang kinain ko kagabi pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom.
Tumagilid ako ng higa at nagmuni muni.
Siguro dahil na rin sa mga nakakadiri at nakakasukang mga bagay na nakita ko kagabi. Feeling ko pag kumain ako, makikita ko sa plato ko 'yung mga lamang loob ni Paulo.
Grr..
Mas gusto ko nalang humiga dito ng buong araw at mag isip ng kung ano ano kaysa sa lumabas at harapin ang panibagong araw na p-pwedeng huling araw ko na.
Sa huli, napagpasyahan ko nalang na tumayo at maghanda na. Kahit na'man ganoon ang gusto ko alam kong hindi pwede.
Inihanda ko na ang suit ko at pumasok na sa banyo upang maligo.
Pagkabukas na pagkabukas ng shower ay lumapat na sa balat ko ang lamig ng tubig na nanggagaling doon.
Kung wala lang pagpatay na nagaganap dito, maeenjoy ko talaga ang stay ko sa mansion na 'to.
Kaso puro p*****n ta's laman loob ang nakikita dito.
Nang matapos maligo ay lumabas na ako ng bathroom na tuwalya lang ang nakatapis sa katawan ko.
Nagtaka ako nang makita na patay ang ilaw sa buong kwarto ko.
Anong nangyari dito? I don't remember anything about turning off the lights bago ako maligo.
Nawalam ba ng kuryente dito sa mansyon na 'to? Mansion ta's nawawalan ng kuryente?
Wala akong maaninag kaya dahan dahan lang akong humahakbang paisa isa hoping na makahanap ng kahit flashlight.
Hindi ko rin na'man kabisado ang switch ng mga ilaw dito tyaka sobrang dilim kaya, pitch black. Wala talaga akong makita kundi kadiliman lang.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang may maramdamang malamig na braso na yumakap sa'kin.
Hindi ako makagalaw at ramdam na ramdam kong unti unting umiinit ang yakap ng taong nasa likuran ko.
Why am I not panicking or anything? Kung tutuusin dapat inalis ko na ang braso ng nasa likuran ko at lumayo na pero bakit ganito? Wala akong lakas para gawin 'yon.
Wala s'yang suot na suit. Yun talaga ang naisip ko. Ramdam ko ang balat n'ya kaya siguradong sigurado ako na walang suot na suit ang taong 'to.
Maya maya pa ay naramdaman kong lumalapit ang ulo n'ya sa kaliwang balikat ko. Isinandal n'ya ang baba n'ya at ramdam na ramdam ko ang mainit n'yang hininga sa leeg ko.
"Hmm.." ani ng taong nasa likod ko.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ramdam ko rin na umiinit ang pisngi ko.
"You really look cute when you're blushing." nakunot ang noo ko sa sinabi n'ya.
'Really look cute when you're blushing'? Really? How can this person see that I'm blushing kung wala namang ilaw sa buong kwarto? Ano s'ya may night vision sa mata?
"I know you're confused right now. I turned off the lights 'cause I'm kinda shy to do this, hug you like this with lights on." pagpapatuloy n'ya pa. Nanikip ang dibdib ko.
I know this voice.
"Just let me hug you like this. Let's stay at this position for minutes, Is that okay?" tanong n'ya sa'kin. Ang malambing n'yang boses ay nakakapagpatunaw ng puso ko. His voice is so warm, I just wanna listen to his voice the whole day.
Tumango tango ako ng dahan dahan bilang pagpayag sa gusto n'yang mangyari.
I felt him move at mas lalo pang ibinaon ang mukha n'ya sa leeg ko.
"You'll understand everything soon. I will get you out of here, I promise that.." dagdag n'ya pa. Naramdaman kong namuo ang luha sa mga mata ko.
Kung ano man 'yung sinasabi n'yang mga bagay na maiintindihan ko soon, I'm very excited to know about that.
**
Nag stay kami sa ganoong posisyon ng mga limang minuto.
Nalungkot ako ng bahagya nang inalis n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko ngunit nakatayo pa rin sa likuran ko at nakayakap. I want him to stay like that, hugging me while his face is buried on my neck. Pero alam kong hindi na'man pwede 'yung gusto ko.
Abuso ka, Aiko.
"You're cold. I'll leave now. Wear your suit right after I got out of your room, okay?" pagpapaalala n'ya sa'kin. Oo nga, medyo nilalamig na ako dahil bukod sa nakatapis lang ako ng tuwalya, malamig rin dito sa kwarto ko.
Tumango tango akong muli bilang pagsang-ayon sa kan'ya.
He planted a kiss on my shoulder bago ko naramdamang lumayo nang presensya n'ya sa kinatatayuan ko.
Maya maya pa ay bumukas ang ilaw ng kwarto at nakita ko ang likuran n'ya.
S'ya ang nagbukas no'n, nasa tapat na kasi s'ya ng pintuan at nasa tabi ng pintuan ang switch ng ilaw.
He didn't look back and then opened the door bago tuluyang lumabas.
Naiwan akong nakatayo sa loob ng kwarto ko na hindi maintindihan ang nararamdaman.
Napahigpit ang hawak ko sa tuwalyang nakatapis sa'kin nang maalala ang pwesto na'min kanina.
Make me understand your actions soon,
Dark.
**
Nakapagbihis na ako ng suit at kasalukuyang nagsusuklay ng buhok.
Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyaring eksena kanina.
Napakagat ako sa labi ko nang maalalang muli 'yon.
Ang simpleng bagay na 'yon, nakayakap s'ya sa akin habang nakabaon ang mukha n'ya sa leeg ko. Ang lamig ng hininga n'ya na nanunuot sa leeg ko at ang boses n'yang napakalambing kung pakinggan.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang makarinig ng kalabog at mga boses na pawang nagtatalo sa labas ng kwarto ko.
What the heck is that sound? May nag aaway ba?
Nanlaki ang mga mata ko nang may mapagtanto. Kung may nagtatalo nga, hindi ba 'yun ang pinagbabawal na rule?
Ano bang problema nila at hindi nila naisip na maari silang maparusahan pag nalaman ng game master ito?!
Dali dali akong tumayo at isinuot ang suit na banda sa ulo ko. Naglakad na ako papalapit sa pintuan at pinihit ang doorknob bago lumabas ng kwarto.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko na nasa labas.
Si Carla (Red) at si Eric! (Brown)
May hawak na kutsilyo si Carla habang nakapatong sa ibabaw ni Eric na ngayon ay pinipigilan si Carla na itarak ang kutsilyo sa kan'ya.
Kita ko rin ang mga bakas ng dugo na nagkalat sa sahig at basa sa bandang balikat at tagiliran ni Eric!
What the hell is Carla trying to do?! Is she planning on killing Eric?!
Kahit gusto kong magsalita ay pinigilan ko ang sarili ko. Dali dali akong lumapit sa kanila at pilit na inagaw kay Carla 'yung kutsilyong hawak hawak n'ya.
"Ano ba?! Bitawan mo 'yung kutsilyo! Kundi ikaw ang papatayin ko!" singhal sa'kin ni Carla nang binalak kong agawin sa kan'ya 'yung kutsilyo.
Tinulak ako ng pagkalakas lakas ni Carla dahilan para matumba ako sa sahig.
Nang lingunin ko silang muli ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang itinaas ni Carla 'yung kutsilyo at walang sabi sabing itinarak 'yon sa kaliwang braso ni Paulo.
"Argh! f**k!" malakas na inda ni Paulo.
He has 3 stabs and kung madadagdagan pa 'yon ay baka ikamatay n'ya na!
"No!" sigaw ko nang makitang umaamba nanaman ng saksak si Carla. Dali dali akong tumayo at tinulak s'ya paalis sa ibabaw ni Paulo.
Ako na ngayon ang nakaibabaq kay Carla at pilit na inaagaw sa kan'ya ang kutsilyo.
"If I don't kill him, ilalaglag n'ya ako kaya umalis kana masyado kang pakialamera!" singhal n'ya sa'kin pero di ako nagpatinag. Nag agawan kami ng nag agawan.
Naagaw ko ang kutsilyo at itinaas 'yon para hindi makuha sa'kin ni Carla.
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa at napalingon ako sa kanan ko nang makita si Yellow na nakatingin sa'min at bahagyang nanginginig.
'No, mali ang iniisip mo!'
Gusto kong isigaw 'yung mga salitang 'yon sa kanya pero hindi ko magawa.
Alam kong iniisip n'ya na ako ang may kagagawan nito at sinusubukan kong patayin si Carla at si Eric but in fact, tumulong lang ako!
With the knife in my hands and blood all over the place, iisipin ng makakakita na ako ang may gawa nito.
Maya maya pa ay dumating na rin ang iba pang mga players. Lahat sila ay nakatingin lang sa'min.
Dahan dahan kong ibinaba ang kutsilyo at umalis sa ibabaw ni Carla.
Namungay ang mga mata ko nang makitang naririto din si White, nakatingin sa'kin.
No, mali ang iniisip n'yo. I'm not the one who did it.
SOMEONE'S POV
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa eksenang naabutan na'min.
Aiko's holding a knife while sitting on top of Carla (Red) with blood all over the place and Eric (Brown) lying on the floor unconscious.
Alam kong walang kinalaman si Aiko dito sa nangyari na 'to, alam ko rin na ganon ang tingin ni Aki (Blue) na naririto din nakatingin sa kanila. Ang dapat ko lang ipagalala ay si Yellow at White na nandito din na naabutan silang ganoon ang posisyon.
They both will probably think that Aiko's the impostor and capable of doing those to Carla and Eric!
Masama 'to.
Maya maya pa ay dumating ang mga naka puting suit at dinala sa kung saang kwarto si Eric na mukhang maraming tama.
There's a high chance that he'll die sooner because of the stabs. Mauubusan s'ya ng dugo.
Nilinis na rin nila ang mga dugo na nagkalat sa sahig at inakay din si Carla pabalik sa kwarto nito.
Tinitigan ko ng matalim si Carla na ngayon ay nakangising aso nang dumaan sa gilid ko. Nakaalis ang suit n'ya sa bandang ulo kaya nakita ko ang mukha n'ya. Nakita na'ming lahat.
She's the one who killed Paulo, that is obvious. And base on that smirk, she planned this to happen.
Sinadya n'yang gumawa ng eksena sa harapan mismo ng kwarto ni Aiko dahil alam n'yang nandoon s'ya sa likod.
And her intention on doing that is to let us think that Aiko is the one to blame sa nangyari kay Eric at hayaang isipin na s'ya ang may kagagawan ng nangyari kay Paulo or.. hayaan kaming isipin na s'ya ang impostor.
Which is all stupid.
Sinundan ko lang ng tingin si Carla hanggang sa makalayo sila.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Aiko na ngayon ay nakaupo lang sa sahig.
As much as I want to go near her, hindi ko pwedeng gawin 'yon.
Bukod sa may ibang players na nandidito, ayokong isipin nila na somehow may koneksyon ako kay Aiko.
Mas lalo s'yang mapapahamak kung gagawin ko 'yon.
Tumalikod ako at humakbang papalayo na parang walang pakialam, as usual.
Sumunod na'man na gumawa noon ay si Aki (Blue) at si Yellow.
Habang naglalakad ay hinayaan kong mauna sa'kin sa daan si Yellow at tinitigan ko s'ya mula sa likod.
Kung ano man ang pinaplano mong gawin, better not do it.
WHITE'S POV (Dark)
I'm still standing meters away from Aiko. She's still sitting there.
I want to go to her and hug her but I can't, there are CCTV cameras in this area and if I do that, she'll be in danger, both of us will be in danger.
She look at my direction and just stared. God, this is torture.
I know you didn't do that, I will not let anything bad happen to you. I promise that,
my love.