AIKO'S POV
Matapos ang nangyari ay nagkulong nalang ako dito sa loob ng kwarto ko.
Naka upo sa malamig na sahig habang nakayakap sa dalawang hita.
Ano na ang mangyayari sa akin ngayon? After what they saw, ano nalang ang iisipin nilang lahat?
Iisipin nila na ako ang impostor and when the voting day occur, some will vote me and they I'll die kasi hindi na'man talaga ako.
Pero paano ko mapapaliwanag sa kanila na hindi nga talaga ako ang impostor nang hindi sila naghihinala?
I know kuya, he will not vote me and of course, Dark. But what about the rest? Especially Carla (Red), she can easily tell them that I tried to stab her after I stabbed Eric.
Madali s'yang paniniwalaan dahil nandoon s'ya sa lugar na 'yon at naabutan nila kaming nakapatong ako sa ibabaw ni Carla habang hawak hawak ang kutsilyo na inagaw ko originally sa kan'ya.
"Argh.." napahilamos ako sa mukhaa ko gamit ang dalawa kong palad. Yumuko nalang ako sa tuhod ko.
"Ano na gagawin ko nito.." mahinang bulong ko sa sarili ko.
Nanatili ako sa ganoong posisyon ng ilang minuto nang maya maya pa ay makarinig ako ng dalawang magkasunod na katok sa pintuan ng kwarto ko.
Sino na'man kaya 'yun?
Tumayo ako at pinagpagan ang pwetan ko bago pinihit ang doorknob.
Nang bumukas ng tuluyan ang pintuan ay hindi ko agad namalayan ang mga sumunod na nangyari.
Naramdaman ko nalang na may tao nang nakayakap sa akin ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko 'yung lakas ng t***k ng dibdib nito at ang init ng pagkakayakap nito sa akin.
Dark?
"Sorry Aiko, hindi kita malapitan kanina. Kaya umalis nalang ako." nagsalita ito.
"Kuya?" akala ko si Dark.
"Wag kanang matakot, andito na si Kuya sa tabi mo. Sorry talaga, sorry. Maaari mo bang i-kwento sa akin kung ano talagang nangyari? Alam kong hindi mo 'yon magagawa kaya gusto kong marinig ang side mo." sabi pa ni Kuya. Hindi ako gumanti ng yakap sa kan'ya at inilayo ko ang katawan ko sa kan'ya.
Nakita kong nalungkot ang ekspresyon ng mukha ni Kuya matapos kong gawin 'yon.
Galit pa rin ako sa kan'ya, pero natuwa ako nang malamang sinadya n'ya ako dito para lang tanungin sa tunay na nangyari.
At hindi talaga s'ya naniwala na makakaya kong gawin 'yung nasaksihan nilang eksena kanina.
Dahil hindi na'man talaga ako ang may kagagawan.
"Galit ka pa rin ba?" tanong ni Kuya nang lumayo ako. Hindi ko sinagot ang tanong n'ya at nagsimula nalang na magpaliwanag.
"Hindi ako ang may gawa noon kay Eric (Brown) at kay Carla (Red) dahil hindi na'man ako ang impostor, alam mo 'yan." panimula ko. Tinignan ko ang mukha n'ya at seryoso lamang s'yang nakikinig sa sinasabi ko, kaya nagpatuloy ako.
"Nandito ako sa kwarto ko kanina nang may marinig akong ingay na nanggagaling sa labas, doon sa pwesto na naabutan n'yo kami kanina. At dahil may pagka-tsismosa ako, tinignan ko. 'Yun ang naabutan ko, nakapatong si Carla kay Eric habang may mga dugong nagkalat sa sahig. Hawak hawak ni Carla 'yung kutsilyong nakita n'yo kanina na hawak ko. Pinigilan ko s'ya nung akma n'yang sasaksakin ulit si Eric pero natulak n'ya ako at nakasaksak s'ya ulit." huminga ako ng malalim bago nagpatuloy mag kwento.
"Nung sasaksakin n'yang muli si Eric, hindi na ako nag dalawang isip pa at sinubukan ko nang agawin sa kan'ya 'yung kutsilyo na naagaw ko na'man. At 'yun na yung panahong naabutan n'yo kami na mukhang ako ang may gawa dahil nakapatong ako kay Carla habang hawak hawak 'yung kutsilyong inagaw ko sa kan'ya." pagtatapos ko. Huminga ng may pagkalalim si kuya at bahagyang ngumiti sa akin matapos akong mag kwento sa kan'ya.
"Naniniwala ako sa sinabi mo. Pero hindi ko lang alam sa ibang mga nakakita kanina kung maniniwala sila kung sabihin mo ang side mo, hindi kami pare parehas ng pag uunawa." yumuko ako nang marinig 'yon kay Kuya. Alam ko na'man 'yon, aware ako do'n.
"Pero wag ka mag-alala, gagawa ako ng paraan para mapatunayan sa kanila na wala kang kasalanan sa nangyari." sabi ni Kuya. Napaangat ako ng tingin sa kan'ya at nakita ko ang tipid n'yang ngiti.
"Sige na, baka may makakita pa sayo na nandito sa kwarto ko. Mas mapahamak pa ako, madamay ka pa." pagtataboy ko sa kan'ya. Masama pa rin 'yung loob ko pero gaya nga ng sinabi ko kanina, natuwa ako nang malamang nag aalala pa rin si Kuya sa'kin kahit ganito ako sa kan'ya.
Sabagay, kambal n'ya nga pala ako.
Ngumiti s'ya ng tipid bago lumabas ng kwarto ko. Napabuntong hininga ako nang makalabas s'ya.
Lumapit ako sa kama at tumihaya ng higa.
Bahala na.
SOMEONE'S POV
Napangisi ako nang makita ang kasalukuyang nangyari sa mansion.
Paunti unti na ang mga manlalaro ko at unti unti nang gumaganda ang mga pangyayari.
Tinignan ko ang isa sa mga players ng laro, sa pagkakaalam ko Aiko ang pangalan n'ya. Naiipit s'ya ngayon sa isang sitwasyong naglagay sa kan'ya s matinding kapahamakan.
"Why are you staring at that girl often? Are you remembering something when you see her?" I turned to the person who spoke and smirked.
"Why? Am I suppose to remember something related to that girl?" I asked him back. I saw him smirked. He looked at me with amusement in his eyes.
"You'll see.."
I shrugged.
Ibinalik ko ang tingin ko sa screen at mas lalong napangisi.
I'd love to see what she'll do to prove them that she's not the culprit.
PINK'S POV
Nandito ako ngayon sa sala at kasalukuyang pinagmamasdan ang mga kilos ni Red.
Base on my calculations, she can be Carla. She seems suspicious.
Ni hindi manlang s'ya bumalik sa kwarto n'ya para magpalit ng suit, gayong punong puno 'yon ng dugo.
Nakatingin lang s'ya sa'kin. Although may suit kaming suot at hindi ko kita ang mga mata n'ya, I can feel her stares.
I don't believe that Aiko did those to them. Eric's (Brown) pretty injured, at si Red ay walang ni isang sugat.
If Aiko is the one who did that, masyado na'man s'yang malakas.
Lalaki si Eric, and he can't just get stabbed like that. Never ko pa nakita na magkasama si Eric at si Aiko and they're not close.
Carla (Red) and Eric (Brown), I have seen them have contact. Although, hindi naging maganda ang paguusap nila, still nagkasama sila sa infirmary nung ginamot sila. That's what I remembered.
Ah basta, walang kinalaman si Aiko rito.
Tumayo ako at papahakbang na sana nang magsalita si Carla.
"I know who you are.." I stiffened. Napatigil ako sa pagkilos at nanatiling nakatayo.
I slightly got shocked. Did she just said 'I know who you are'?
Hindi ba 'yun din ang mga salitang nakasulat sa screen ng TV ko nung araw na nakita ko ang ulo ni Paulo sa loob ng kwarto ko.
Hindi ko pinahalata na naapektuhan ako sa sinabi n'ya.
"I'll unmask you, bitch." she added. I smirked when I heard what she said. Unmask me, huh?
Trying to threaten me? As if.
"There's no need for you to do that." matapos kong sabihin 'yon sa kan'ya ay tumuloy na ako sa paglalakad.
I'll unmask myself.
**
Nandito na ako sa Security Room. I tried to watch the footage earlier in front of Aiko's room, kung saan na'min sila naabutan na ganoon ang posisyon.
Sumeryoso ako nang makita si Eric at Carla na animo'y nagtatalo. Just as I thought, they have connection.
They started off like arguing. Ano kayang pinagtatalunan nila?
Maya maya pa ay huminahon silang dalawa at niyakap ni Eric si Carla. Oh.. I did not expect that.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kung ano ang hawak hawak ni Carla sa kanang kamay n'ya. It's a knife!
And it looks like the knife that Aiko is holding that time.
She stabbed Eric in his shoulder. Eric shouted in pain at nasanggi n'ya 'yung isang figurine at nahulog 'yon.
Pumatong sa kan'ya si Carla and she stabbed him again. Sa bandang tagiliran na'man n'ya.
Nakita ko si Aiko na dumungaw galing sa kwarto n'ya. She probably heard of the noises that made her look.
Carla tried to stab him again and that's the time Aiko approached them.
Sinubukan n'yang ilayo si Carla kay Eric pero natukak s'ya ni Carla at nasaksak nanaman n'ya si Eric. When Carla tried to stab Eric for the 4th time, Aiko stopped her and tried to steal the knife she's holding.
Nag agawan silang dalawa at matapos ang ilang minuto ay nakuha na'man 'yon ni Aiko.
'Yun na 'yung panahon na nakita na'min silang ganoon ang posisyon.
Napatayo ako. So that what actually happened! It's not Aiko who stabbed Eric but Carla is!
Bumalik ako sa pagkakaupo at na-realize na hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na nakita ko sa CCTV cam ang nangyari because clearly, if I'll say that they'll know that I am the impostor.
At 'yun 'yung hindi ko pwede isaalang alang dahil gusto ko pang bantayan si Aiko Aat ang kambal n'ya.
Napabuntong hininga ako. What should I do?
My head is hurting for all this s**t.
Speaking of knowing me as the impostor, kung hahayaan kong malaman nila na ako ang impostor, Aiko will be save.
But, the consequence of that is I'll no longer participate in the game which is the last thing that I want to happen.
Kung papatayin ko na'man si Carla, that is pretry risky since she's kinda smart.
And Yellow. Minamatyagan n'ya si Aiko ng ilang mga araw. She saw the scene ealier at sa tingin ko nagsususpetya na s'ya na si Aiko ang impostor.
If the voting day occur, there's a high possibility that she'll vote for Aiko. And Carla will do the same.
I cannot let her get in danger.
"Argh, what should I do?!" I exclaimed. Naisubsob ko ang mukha ko sa desk dito sa Security room dahil sa matinding frustration.
"Seems like you're stressed. Chill." may biglang nagsalita kaya naiangat ko ang aking ulo.
The game master is on the screen amd smirking. I gritted my teeth, nab-bwisit talaga ako pag nakikita s'ya.
He's not wearing a mask pero nakatago sa dilim ang itaas na parte ng mukha n'ya. Kaya bibig n'ya lang ang nakikita ko.
"What do you want?" tanong ko ng may diin.
Mas lalo akong nainis nang marinig ko s'yang tumawa nang nangiinsulto.
"Kung wala kanang magawa, just surrender yourself to them. Reveal that you're the impostor, hindi ka na'man mamamatay kung 'yun ang gagawin mo." suhestyon n'ya.
Yes, he's right. I will not die if they'll reveal my identity but if that happens, I can no longer watch over the twins.
"Could you just shut the f**k up and leave me alone? Mind your own business, old man." mataray kong tugon. He laughed loudly.
Most annoying laugh I ever heard.
"You really suit being my puppet."
"I'm not your puppet freak." I hissed.
He mouthed 'whatever'. Tinarayan ko s'ya at tumingin nalang sa ibang monitor ng mga CCTV cameras.
"I'll let you have a break. I'm enjoying the show after all." naagaw no'n ang atensyon ko. Tinaasan ko s'ya ng kilay. I don't understand what he's pointing out.
"Just wait my dear, wait.." he smirked after he said that. His smirks always terrifies the hell out of me.