Chapter 18

1815 Words
AIKO'S POV Ilang oras na akong nakatitig lang sa kisame dito sa loob ng kwarto ko. Hindi ko pa rin alam ang gagawin matapos ang nangyaring 'yon. Although I know that there are two people I can count on, na alam kong hindi naniniwalang ako ang may gawa noon. But does the two of them enough? I thought to myself. Napabuntong hininga ako at pumikit. Siguro magpapahinga nalang ako dito. Maya maya pa ay napatayo ako nang may maisip. Actually, there are not just two people that I know will save me from this. May isa pang tao akong kilala. Tumayo ako ng tuluyan at nag ayos na ng suot suot kong suit at humarap na sa harapan ng pintuan. Pupuntahan ko s'ya. Lumabas na ako ng kwarto at nakitang wala ng mga bakas ng kahit na anong dugo sa sahig na kanina lamang ay marami ang nakakalat kung saan saan. Magaling talaga silang mag linis. Saan ko na'man kaya hahanapin 'yun? He's pretty injured earlier. Saan ba dinadala 'yung mga naiinjured at saan sila ginagamot? Napakamot ako sa ulo ko. Saan ko ba makikita 'yung lalaking 'yun? S'ya lang makakapag patunay na wala nga akong kasalanan at hindi ako ang umatake sa kan'ya kanina. Naglakad ako papalabas ng hallway. Naabutan ko si White na nakaupo sa sala, sa harapan ng TV. Mukhang nanonood s'ya since nakabukas 'yon. Lumingon s'ya sa direksyon ko at hindi na inalis ang tingin sa akin. Tinitigan ko s'ya pabalik. Naalala ko 'yung nangyari sa kwarto ko. Unti unti na'man akong nailang at naramdaman kong namula ang dalawang magkabilang pisngi ko. Napayuko nalang ako at naglakad papunta sa kusina. Kakain nalang siguro ako, nagugutom na din ako. Dahil nga sa nakayuko ako ay hindi ko napansin na may papadaan pala sa direksyon ko kaya nag-kabungguan kami. "Ah-" aaray na sana ako nang marealize ko kung ano ang gagawin ko. Napigilan ko na'man ang sarili ko at hinimas nalang ang ulo ko. Iniangat ko ang tingin ko sa taong nakabangga sa'kin at nanlamig ang batok ko nang mapagtanto kung sino 'yon. Si Yellow ang nabangga ko. Sa dami ng pwede kong makabangga bakit s'ya pa? At muntikan pa talaga akong magsalita? She probably think or she probably have a hint now on who I am! Nakatayo lang s'ya doon na parang may iniisip. Mas lalo akong kinabahan. Tumuloy na ako sa paglalakad papuntang kusina at hindi na s'ya nilingon pa. Napahawak ako sa dibdib ko nang makaalis sa harapan n'ya. That was so close! Siguro nakita ni Dark (White) 'yung nangyaring 'yon. Umiling iling ako at bahagyang sinampal ang sarili ko. Malamang Aiko, mapapansin n'ya talaga 'yon dahil sa mismong harapan n'ya pa nangyari 'yung banggaan na 'yon. *groooowll Uh, gutom na talaga ako. Isinantabi ko na muna ang pag iisip at kumuha na ng kawali. Naghanap din ako ng manok sa ref at kung sineswerte ka nga na'man, buti meron. Sabagay, 'di na'man nawawalan ng pagkain dito. Laging may stock. Nagc-crave talaga ako sa chicken. Spicy chicken, ugh. YELLOW'S POV (AYUMI) Umiwas ng daan si Black at dumiretso sa kusina matapos n'ya akong mabangga while I'm still here standing and shocked on what I just heard. What I just heard?! I heard a girls voice! Although nag iisip pa ako kung tama ba ang hinala ko na babae si Black, ngayon napatunayan ko nang tama ang hinala ko! She's a girl! And she has connections to White. Siguro si White ay lalaki. Speaking of lalaki, wala na'man akong masyadong matandaan na may lalaki at babae na sobrang close nung time na nandoon pa kami sa conference room bago kami mapunta dito sa mansyon na 'to. Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize. Actually, there is. Is it possible that Aiko is Black and White is Aki? Silang dalawa lang ang napansin kong malapit sa isa't isa dahil bukod sa magkakilala nga sila ay kambal pa sila! They're siblings! Wait, normal lang ba 'yung hahalikan ka sa noo ng kuya mo? Ganoon kasi 'yung nakita ko sa kusina din nung nakaraan na hinalikan ni White sa noo si Black. Tama lang ba 'yun sa magkapatid? Shocks! Napahawak ako sa bibig ko. Baka na'man may relasyon silang dalawa! Yuck! i****t! Dali dali akong naglakad papunta sa kwarto ko. Hindi ko kinakaya ang mga revelations na 'to! Una, may eksena kanina na si Black ay nasa ibabaw ni Red habang may hawak hawak na kutsilyo. Tapos si Brown na'man sobrang daming sugat sa katawan na sa tingin ko ay galing doon sa kutsilyong hawak ni Black. With matching nagkalat pang dugo kung saan saan! Then ngayon malalaman ko na baka babae si Black at baka si Black at White ang kambal? Jesus cries! Hindi ko keri! Baka si Black 'yung impostor? S'ya lang na'man ang napapansin ko na may hindi tamang mga kilos. Well, si Pink din na'man since nakita ko din 'yung ulo ni Paulo na nakalagay sa kwarto n'ya. Pero speaking of that, may pinakita sa'kin si Pink na pwedeng proof na hindi s'ya ang may gawa noon kay Paulo. At sabi rin ng Game master ay hindi ang impostor ang may gawa noon. Kung hindi 'yun kagagawan ng impostor, then sino ang may gawa? Nagulat ako nang may biglang humila sa'kin nang mapadaan ako sa madilim na parte ng hallway. Pinulupot n'ya ang braso n'ya sa leeg ko dahilan para bahagya n'ya akong nasasakal. May naramdaman din akong matulis na bagay na nakadiin sa tagiliran ko. Mamamatay na ba ako? Nanginig ako sa takot. Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng butil ng pawis na namuo sa noo at leeg ko. "Looks like you're busy thinking, thinkinf about what? Hmm? I don't mind listening to your thoughts, come on spill.." nagsalita ang taong nakasakal sa'kin. Nakakatakot 'yung boses n'ya. Halata namang nagamit s'ya ng voice changer pero sa ganitong klase ng sitwasyon ay nakadagdag 'yon sa takot ko. Papatayin n'ya ba ako? Huhu Lord, 'di na kita tatawaging Jesus cries please wag mo muna ako hayaang mamatay. Pasensya na, God bless huhu. "Magsasalita ka ba o gagamitin ko 'tong kutsilyo ko para alisin 'yang lamang loob na nandito sa t'yan mo?" tanong n'ya. Mas lalo akong nanginig sa takot nang marinig 'yon. Aalisin laman loob ko? Noooo! "A-ano bang kailangan mo? S-sino ka ba ha?" nanginginig na tanong ko sa kan'ya. Nang marinig n'ya 'yon ay napatawa s'ya ng mahina dahilan para mas lalong madagdagan ang takot ko. Sino ba kasi 'tong baliw na 'to? Si Black ba? Nahalata n'ya ba na naghihinala ako sa kan'ya kaya ganito gingawa n'ya sa'kin? Pero alam ko nasa kusina s'ya! Huhu.. "Si-sino ka ba?" tanong ko pang muli sa kan'ya. Naramdaman kong mas lalo n'yang diniin ang patalim na nakatutok sa tagiliran ko. "A-aray.." inda ko. Pakiramdam ko may dugo na 'yon dahil masakit na 'yung parteng dinidiinan n'ya. Hindi ko kasi maaninag kung sino s'ya o anong kulay ang suot n'yang suit dahil madilim sa parteng 'to ng hallway. "Pwede ba? Tumahimik kana at tumigil sa kakatanong at sagutin mo nalang ang tinatanong ko sa'yo. Ano bang hinihinala mo? Sasabihin mo o itutusok ko ng tuluyan 'tong kutsilyong 'to sa tagiliran mo at hayaan ipakain ko sa'yo atay mo?" nakakatakot na tanong n'ya sa'kin dahilan para mamuo na ang luha ko sa kaba at takot. "W-wag please, wag mo akong patayin. Ma-maawa ka sa'kin.." pagsusumamo ko sa kan'ya. Ayoko pang mamatay, kailangan ko pang manalo sa larong 'to at mabigay kila mama ang mapapanalunan ko. Hindi ako pwedeng mamatay ng kokonti palang ang perang nagiging premyo ko, kailangan ni Mama maoperahan kundi tuluyan s'yang hindi makakalakad. Kailangan din na'min mag bayad ng utang ni Papa sa Casino. "Hindi kita papatayin kung sasabihin mo ang gusto kong marinig." pagbabanta n'ya pa. Tumango tango nalang ako. "Yan, that's good. Good girl, now spill or I'll cut all your organs off your body." mas lalo akong tumango tango nang marinig pa 'yon sa kan'ya. Tao pa ba 'to? "I-iniisip ko lang na may posibilidad na baka si B-black 'yung impostor." panimula ko. Nag 'hmm' s'ya bago nagsalita. "Continue." sabi n'ya hudyat para sa'kin na mag patuloy. "Ilang beses ko na s'yang napansin na may nakakausap na isang tao dito sa mansyon. Una ko s'yang nakita sa kusina kumakain kasama si White." pag amin ko. "Si White?" tanong n'ya. Ramdam ko ang pagtataka n'ya sa tanong n'yang 'yon kaya nagpatuloy ako. "Oo, si White. Nagkasabay silang kumain isang beses sa kusina. Alam kong masyadong over-reacting ako pero hindi na'man siguro dapat 'yon since nasa game tayo. Hindi ko lang sigurado kung nag uusap ba sila dahil nasa labas lang ako ng kusina, medyo malayo sa kanila." "Pangalawa na'man ay sa kusina pa rin. Bahagyang inilapit ni White 'yung mukha n'ya sa parte ng noo ni Black na parang you know, forehead kiss. Normal pa ba 'yon? Kasi sa tingin ko hindi." pagpapatuloy ko sa kwento. "Hmm.." "At kanina dito sa may hallway din sa tapat ng kwarto ni Black, nakita na'min s'yang nakapatong sa ibabaw ni Red habang may hawak na kutsilyo. Kung sino ka man alam kong nandoon ka kanina at nakita din 'yon. Ang huli ay ngayon ngayon lang. Nakabungguan ko si Black at nakarinig ako ng boses ng isang babae. Meaning, babae s'ya. 'Yun lang ang iniisip ko, wala ng iba. M-maniwala ka sa'kin pakawalan mo na 'ko." pagtatapos ko. Nanginig pa ang boses ko nung huli. Naramdaman ko ang malamig n'yang dila sa leeg ko. Napaigtad ako sa gulat. Did this person just lick my neck?! "Thanks for the information sis, ciao." pagpapaalam n'ya at tinulak ako palabas sa madilim na parteng 'yon. Napadapa ako sa sahig ng hallway at paglingon ko sa pinanggalingan na'min kanina ay wala na s'ya doon. Sino ba 'yon?! WHITE'S POV (DARK) After what happened between Aiko and Ayumi, Aiko walked inside the kitchen. Medyo nakunot ang noo ko nang marinig ng konti ang boses n'ya because she bumped to Ayumi. If you're getting confused on why I know that Yellow is Ayumi, that's basic. I observed each one of them when the game is not yet starting. And guessed what color are they when the game first started. I just don't know yet who the impostor is. I stood up and walked towards the kitchen where Aiko is. Tumayo lang ako sa gilid ng pintuan ng kusina habang pinagmamasdan s'yang nagluluto. How I wish I can see her face and her expressions. I really want to tell her about the whole truth. On who I really am and why I'm acting like this towards her. Naghahanap pa ako ng tyempo. While looking at her from this side I can't help myself to feel sorry for her. She doesn't know that she knows the Game master very much. She knows him, a lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD