ERIC'S POV (BROWN)
Nakahiga lang ako dito sa loob ng parang clinic sa mansyon. This is located in the basement.
Yung buong basement ng mansyon na 'to ay clinic at laboratory.
Cool, huh.
Nakatitig lang ako sa ilaw ng kwartong pinagdalhan sa'kin. Dinala ako dito kanina dahil marami raw akong saksak sa katawan.
I got unconscious and woke up lying here.
"Hays.." napabuntong hininga ako. I don't know what Carla is thinking why she did that.
Akala ko may pagkakaintindihan na kaming dalawa nung una kaming dinala rito pero noong kinausap ko s'ya at sinubukang pigilan, hindi manlang s'ya nagdalawang isip na saksakin ako.
Flashback (When they first got together in the clinic: Chapter 11 2nd day of the Survival Game)
"Argh! Puta! Dahan dahan!" inda ko nang hinawakan ng isa sa mga staff dito sa Clinic na 'to yung sugat ko.
Mukha 'tong parang Clinic pero may Laboratory din sa labas. Napakayaman talaga nung halimaw na 'yon.
"Pwede ba? Kanina ka pa maingay. Manahimik ka at naririndi ako sa boses mo." napalingon ako sa kabilang kama nang marinig ang boses ng kasama kong naparusahan.
"Palibhasa, daliri lang ang nawala sayo. Ako? Putol na isang kamay ko, may tama pa ako ng baril sa braso." singhal ko sa kan'ya. Nginisian na'man n'ya ako dahilan para mas lalo akong mainis sa kan'ya.
"Hindi ko kasalanan bakit ka binaril sa braso, masyado ka kasing nagpapaka bayani at nagmamarunong. Hindi ko rin kasalanan kung bakit putol na 'yang isa mong kamay dahil hindi na'man ako 'yung tangang kumuha ng samurai at pinutol sarili kong kamay. You deserve that, tho." mayabang na sagot n'ya na animo'y may halong pang iinsulto.
"Nag aasar ka ba?!" sigaw ko sa kan'ya. Dahil sa sigaw ko bahagyang nagalaw 'yung braso ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit.
"Oh, f**k!" natawa na'man si Carla nang marinig 'yung pagsigaw ko. Tinitigan ko s'ya ng masama at 'di nalang nagsalita.
"Alam mo, I appreciate what you did earlier. Kahit na alam mong ikakapahamak mo, sinubukan mo pa rin akuin 'yung parusa. Sadly, the Game Master is so heartless and doesn't accept other people's opinions." she stated. Napalingon ako sa kan'ya at nakitang nakatingin lang s'ya sa kisame.
Staring at her like this, at first I thought she's pretty tough. Pero nung panahong nakita ko s'yang umiyak dahil namatay 'yung kaibigan n'ya, I see her soft side.
"I just hope you won't get in my way." dagdag n'ya pa. Kumunot ang noo ko nang marinig 'yon. Won't get in her way?
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko sa kan'ya.
"Basta. It's none of your business so don't ever try to stop me, or else.."
"Or else? What?"
"Nothing. Never mind." pagpuputol n'ya sa usapan. Tumagilid s'ya ng pwesto dahilan para likod n'ya nalang ang makita ko.
Ano bang ibig n'yang sabihin?
End of Flashback
Nilagay ko ang dalawa kong palad sa likod ng ulo ko.
Nagtataka pa ako kung anong tinutukoy n'ya, 'yun pala.
She wants to win this game but she also wants to act as the impostor even though she's not the impostor.
Gusto n'yang s'ya ang kumokontrol ng pagpatay. Paano ko nalaman?
I saw how Carla (Red) killed Paulo (Purple). Kinausap ko s'ya nung araw na 'yon pero ang sabi n'ya lang sa'kin.
"Wag kang mangialam."
At kanina nga, nakita ko s'yang sinusubukang pumasok sa kwarto ni Aiko. Maybe Aiko is her next target.
Kung hindi ko s'ya nakita baka nagawa n'ya na 'yung balak n'ya.
Napabuntong hininga ako ng malalim.
I just hope she'll realized soon what she's doing. Hindi pwedeng dalawa ang pumapatay sa larong 'to.
AIKO'S POV
Natapos na akong magluto at isasalin na sana 'yon nang maramdaman kong parang may nakatingin sa'kin mula sa likod.
Hindi agad ako lumingon, pinakiramdaman ko lang kung gagalaw ba 'yon.
Kung gumalaw s'ya tatakbo ako. Baka impostor na 'to at ako ang balak isunod.
Is this my last meal? huhu.
Ilang minuto ang nakalipas na nakatayo lang ako, hindi ko naramdamang gumalaw ng kahit konti ang taong nakamasid sa'kin.
Huminga ako ng malalim. Titignan ko kung sino s'ya. Tatakbo nalang ako kung may dalang kutsilyo o baril.
Here goes nothing.
Hindi pa man ako nakakalingon ay narinig ko nang magsalita 'yung taong 'yon.
Pero hindi sa tenga, kundi sa loob ng suit.
"You don't need to look. Just let me look at you like this. Besides, this is all I can do. To admire you from a distance."
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil doon. Hind dahil sa narinig ko 'yon sa loob ng suit, which is weird. Pero 'yung laman ng mensaheng 'yon.
I can feel my heart beating so fast.
The way he makes me feel things like this, kailan ba ako malilinawan sa mga pinapakita n'ya? Kailan? I can't wait to hear it directly from him.
Gaya ng sinabi n'ya, hindi ko s'ya nilingon. Kumilos ako na parang walang tao sa likuran ko.
Ayoko rin na'man s'yang tignan. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at yakapin nalang s'ya.
Habang abala ako sa pagkain ay bigla na'ming narinig na tumunog ang speaker ng mansyon hudyat na may announcement na magaganap.
Ano nanaman kaya 'yon?
"Miss me, my puppets?" panimula ng nagsalita sa speaker. Napangiwi ako sa lambing ng pagkakasabi n'ya noon na parang hindi insulto ang salitang 'puppet'.
Makita lang talaga kita isusungalngal ko sa'yo 'yung mic.
"I know you do. Well, let me just remind you some things. As you can see, this day is supposed to be the 3rd Day of the Survival Game, Am I right?" he asked.
Oo nga pala, ngayon ay dapat ang ikatatlong araw ng Survival Game. Supposedly, dapat kumilos na ang impostor para maghanap ng mapapatay sa isa sa'min pero wala kaming napansin na namatay. Well, except sa eksena kanina na may saksakang naganap. But I don't think Carla (Red) is the impostor.
Masyadong careless ang ginawa n'ya. Alam kong hindi ganoon mag isip sng impostor.
"Unfortunately, the impostor hasn't killed anyone today. And it's fine with me." sabi n'ya dahilan para mangunot ang noo ko.
Wala pang napapatay ang impostor tapos ayos lang sa kan'ya?
Alam ko nabanggit n'ya na hindi pwedeng walang mapapatay ang impostor na isa sa'min sa araw ng Survival Game.
Tapos ngayon sasabihin n'ya na ayos lang na walang namatay? Sounds fishy.
"It's fine with me, honestly. I'm loving the show you're giving me that's why I'll let you have a break." pagpapatuloy n'ya pa. Napalingon ako kay Dark (White) dahilan para mapalingon din s'ya sa'kin.
Alam kong hindi lang ako ang nagtataka sa mga sinasabi ng Game master, pati s'ya at ang natitira pang mga players.
"I'll give you a break. Dadalhin ko kayo sa isang resort and you'll enjoy yourselves there. You don't need to wear your suits you can wear whatever you want. But.." pagpuputol n'ya. Kumunot ang noo ko. Mukhang may kapalit 'yung sinasabi n'yang break.
"There will be an event before that. Bukas 'yon mangyayari which is supposedly the voting. But since no one has been killed today, there will be no voting tomorrow."
Event? Nanaman? Anong klaseng event? Hindi kami kumain buong araw tapos magbilad sa labas para mamatay? Ano?
Bwiset talaga 'tong lalaking 'to, bago pa ibigay 'yung sinasabing break may kapalit talagang kailangan.
"I'll have my dogs to hunt you down around the mansion." sabi n'ya. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig 'yon.
What?!
"Yes, you heard it right. All the rooms in the mansion except for the security room which I cannot tell where, will be open. Even your rooms. Kayo na ang bahala kung paano kayo magtatago at paano n'yo maiisahan ang mga aso ko. That'll take for about 24 hours. Hope all of you survive so you'll enjoy the price." may tuwang sabi n'ya bago tumawa ng tumawa.
Nanginig ang mga labi ko nang marinig 'yon. Napaka demonyo n'ya talaga! Papakain n'ya kami sa mga aso n'ya?!
Who in the right mind will do that horrible thing?!
"That's all, enjoy the rest of the day. Byeee~" nakakalokong sabi n'ya bago mawala ang boses n'ya sa speaker.
Napayuko ako sa pagkain ko at napatingin sa kamay kong nakahawak sa tinidor na ngayon ay nanginginig na sa naghalo halong galit at lungkot.
Natigil 'yon sa pagnginig nang may taong humawak no'n.
Napalingon ako sa kan'ya at nakita kong nasa gilid ko na s'ya. Hinimas himas n'ya 'yung palad ko at inilapit 'yon sa bandang bibig n'ya.
Bahagya n'ya 'yong hinalikan na naging dahilan para manlambot ang puso ko.
Dark..
"I know you're scared right now. Don't worry, my love. I will protect you, even if it cost my own life, I will die protecting you.." binulong n'ya sa bandang tainga ko.
Napakahina lang no'n pera malinaw na malinaw sa akin ang mga sinabi n'ya.
Sa kabila ng suit na suot suot na'ming dalawa ay hindi ko na naisip 'yon.
Kahit na ang posibilidad na baka may makakita at maparusahan ako, hindi ko na naisip.
Hinawakan ko ang magkabilalng parte ng ulo n'ya at inilapit 'yon sa mukha ko.
Kahit na may suot kaming suit na nakaharang ay hinalikan ko s'ya.
Hindi man naglapat ang mga labi na'ming dalawa, ramdam ko na'man ang naguumapaw kong nararamdaman sa kan'ya na hindi ko maintindihan.
If I can win and survive this game, I want him to be with me till the day I can get out of here.
THIRD PERSON'S POV
"Won't you stop them? Or punish them?" tanong ng isang lalaki na nakaitim na suit habang may hawak hawak na baso na may lamang champagne.
Napatingin sa kan'ya ang lalaking tinanong n'ya at nagsalita.
"Why would I ruin the moment? Hindi ako kill joy para sirain ang momentum nila. Besides, letting them get attached together can make the game more exciting." sagot nito.
Napatawa ng mahina ang lalaking may hawak na alak at tumayo. Tumingin ito sa screen kung saan kita ang nangyaring eksena sa kusina.
"Hmm, I think you're right. That'll be rude if you'll interrupt their lovey-dovey." mapagbirong sabi ng lalaki. Umikot ikot 'yon at hinawakan ang sandalan ng upuan kung saan nakaupo ang lalaking nakamaskara.
"But, I want to know the reason why you keep on monitoring that Player. That's a girl, right? Do you remember something when you're looking at her? Huh, Fernando?" tanong nito sa lalaking nakamaskara.
Nagtaka ito ngunit ngumisi upang hindi ipahalata na naiintriga na s'ya sa mga sinasabi ng lalaki.
"None actually, Spade. Why do you keep on saying that? She's just amusing that's why she always got my attention." pagtanggi ng lalaking nakamaskara na ayon sa lalaking nagngangalang Spade ay Fernando ang pangalan.
*chuckles
Lumapit si Spade sa bandang tainga ni Fernando at nagsalita.
"I want you to know that yourself. Why is she getting your attention, huh? Do you know her?" nakakaintrigang tanong nito.
Kahit gusto pa magsalita ay nanahimik na ang lalaking nakamaskara ngunit nag iwan 'yon ng tanong sa ulo n'ya.
Yeah, do I somehow know that girl?