Kabanata 7
Narito kami ngayon ni lilly sa canteen matapos ang klase Namin. Nag order kami ng kakainin Namin at inumin. Bumili ako ng maliit na soft drinks saka si lilly naman ay bumili ng tubig. Kumakain na kami ngayon. Kami lamang dalawa ang narito dahil bigla nalang nawala iyong lima. Hindi man lang nagsabi kung Saan ang punta.
Paubos na ang kinakain namin ng may biglang sumulpot na lalaki sa harapan namin. Hindi ko siya kilala. Pero nakita kung kay lilly lamang ito nakatingin.
"Natanggap mo ba Iyong cupcakes na inilagay ko sa locker mo?" Tanong niya kay lilly.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Siya ba ang naglagay ng cupcakes. Pero bakit sa locker ko nailagay.
"Ikaw ang naglagay ng cupcakes sa locker ko?" Gulat na tanong ko.
Taka naman tumingin sa akin iyong lalaki. "What do you mean?" He asked.
"Nagkamali ka ng nilagyan ng cupcakes. Sa locker ng kaibigan ko doon mo nailagay ang cupcakes." lilly explain to him.
Napakamot naman Siya sa ulo Niya. "Paumanhin kung ganoon," sabi niya.
Tumango na lang ako sa kaniya. Pero teka nga magkakilala sila. Magkaano ano naman ang dalawang ito.
"Who are you?" Tanong ko.
Tapos na kaming kumain. Umupo siya sa tabing upuan ni lilly. Umusog naman ng kaunti ang kaibigan ko at medyo naiinis.
"My name is tyron. We meet in the bar remember?" nakangiting Sabi niya.
"Ah ikaw pala iyong ano... Oo" naiilang na sabi ko.
Tumawa naman siya. Nakalimutan ko nga palang pinakilala sila sa akin ni George. Sino pa ba iyong isa, I think he is jiedrick. Kung hindi ako nagkakamali iyon ang pangalan Niya.
"Teka... Bakit mo nga pala binibigyan ng cupcakes ang kaibigan ko?" Tanong ko.
"Alam mo bang masakit ang ma reject? Lalong lalo na sa taong mahal mo!" Seryosong sabi niya.
Anong connect sa tanong ko?
"Ilang beses na akong nanligaw sa kaniya kaso palagi niya akong nirereject." sabi niya bago bumaling kay lilly.
Siya ba iyong nanliligaw kay lilly na ipinakita niya kay Nathan. Gwapo naman si Tyron kaya walang problema. Kaso ang problema ay tomboy ang nililigawan. Malamang sa alamang mahihirapan yan.
"Alam mo namang ano hindi ba?" Tanong ko.
Tumango siya. "I know pero hindi ako susuko. Basta ngayon hindi pa siya payag pero darating ang panahon na magiging kami. Gagawin ko siyang babae, whether she like it or not." desperadong sabi niya.
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Napailing nalang ako. Mukhang tinamaan ang luko. Base naman sa nakita ko ay seryoso siya. Ewan ko ba kung bakit hindi nalang magpaka babae itong tomboy na ito. Maraming nagkakagusto sa kaniya kaso hindi maligawan dahil nga ayaw niya raw ng lalaki ang gusto niya babae.
"Oo nga pala about doon sa cupcakes. Gusto kung humingi ng paumanhin dahil nagkamali ako ng pinaglagyan." Nahihiyang sabi niya.
"It's okay. Thank you nga pala roon at natikman naming apat. Masarap siya!" Papuri ko.
Ngumisi naman ito. "Masarap ako?" He joke.
"Iyang bunganga mo!" Inis na bulyaw ni lilly sa kaniya.
"Sabi niya masarap eh, malay ko bang ako ang tinutukoy niya." Tumatawang sabi niya. " Saka Teka nga lang, ibig sabihin kumain ka ng bigay kung cupcakes huh? Hindi gaya noong binibigyan kita ay tinatapon mo sa basurahan." sabi niya.
Gulat akong napatingin kay lilly. Tinatapon niya sa basuran. Naku sayang naman. Hindi nalang ibinigay sa amin.
"Ewan ko sayo! Lumayas ka nga!" pagtataboy ni lilly.
"Sandali lang... Ihahatid pa kita sa room niyo bago ako umalis!" nakangiting sabi niya.
"Sinabi ko bang ihatid mo ako?" Nakataas ang kilay na tanong ni lilly.
"Ikaw naman, syempre parte ng manliligaw ang ihatid sa room ang kaniyang pinakamamahal." He wink at her.
"Ewan ko sayo!" Inis na bulyaw niya. "Tara na nga," sabay hila niya sa akin.
Sumunod sa amin si Tyron. Mukhang pinanindigan ang sinabi niya. Naglakad kami papuntang room at tulad ng sabi niya hinatid niya nga kami. Nagpasalamat ako sa kaniya dahil parang walang balak mag pasalamat ang kaibigan ko. Tumango siya sa akin. Saka siya nagpaalam na aalis na. Pumasok na ako saka ako umupo sa upuan ko. Kinalabit ko si lilly na ngayon ay salubong parin ang kilay.
"Ano?" Inis na tanong niya.
"Hindi ka man lang ba nagpasalamat sa kaniya? Ang rude mo naman!" Sabi ko.
"Like I care!" Mataray na sabi niya.
"Bakit hindi mo bigyan ng chance na manligaw siya sayo? Malay mo diba?" Tanong ko.
"Eh kahit sabihin ko sa kaniya na ayaw kung magpaligaw nanligaw pa rin ang walang hiya tapos bibigyan ko pa ng chance. Tsaka ayoko sa lalaki!" Sabi niya.
"Malay mo nga maging tunay na babae ka kapag pinayagan mo hindi ba?" Pangungumbinsi ko pa sa kaniya.
"Ewan ko sayo! Basta ayoko!" Final niyang wika.
"Kakainin mo rin iyang sinabi mo sa akin balang araw!" Sabi ko.
Tumingin ako sa pintuan. Pumasok roon si Nathan na malaki ang ngiti. "Alam mo bang nakasabay ko ulit si Enzo na kumain?" kinikilig na sabi niya.
"Ewan ko! Malay namin, Wala kami roon para sabihin kung totoo o hindi!" pilosopong sabi ni lilly.
"Ay grabe? Anong nangyari sa iyo at nagkaganiyan ka?" Nakataas ang kilay na tanong ni Nathan.
Inayos niya ang bag nito saka umupo. "Wala," inis na sabi nito.
Sumunod na dumating ay si Mitch at Mary. "Saan kayo galing?" Tanong ko.
Umupo sila sa likod namin. "Bumili kami ng fishball," tipid na sagot nito.
"Where?" I asked.
"Dyaan sa labas ng gate natin." Sabi ni mary.
Sumunod na pumasok ay si Joe. "Kumusta? Pasyensya na hindi ako nakapunta sa canteen. Nakisabay Kasi ako sa mga kapatid ko." napapakamot sa ulong sabi niya.
Tumango nalang ako. At lease meron naman akong kasama. Umupo na Siya sa tabi ko. Maya maya ay dumating na si Reena kasunod ng teacher namin. Umupo na siya sa likod ng walang imik. Tulad nga sabi niya ay nag quiz kami sa math.
"Number 10. What is the 5th terms of 45,15, 5,...?" Sabi niya.
Nakakainis namang geometric na yan. Nag review naman ako pwera sa mga numero. Hindi ko alam kung Ilan ang makukuha ko rito. Nagpatuloy ang quiz namin.
"Number 15, what is infinite sequence?" Sabi niya.
One to fifteen ang quiz niya. "Exchange the back of your papers," sabi niya.
Ibinigay ko sa likod ang papel ko. Nag check na kami. Sampu ang nakuha ko hindi na masama. Inirecord ang nakuha namin. Sumunod naman ay nag discuss lamang Siya. Kahapon nagpasulat siya kaso hindi niya ipinaliwag. Dahil ang sabi niya ay ngayon niya raw ipapaliwag kaya ipinasulat niya sa amin kahapon.
Nakinig na lamang kami sa kaniya. Sumunod na pumasok ay ang pang huling teacher namin. Nang matapos ay binuhat ko na ang gamit ko saka ko sila hinintay sa labas.
"Oh, mukhang may lakad ka ngayon ah?" Tanong ni Nathan sa akin.
Kumunot naman ang noo ko. Magsasalita na sana ako nang may maramdaman akong umakbay sa akin. Nang masulyapan ko, ay si Ren. Napairap ako. Kala ko hindi ko na siya makikita ngayong araw.
"Ano na naman?" Inis na tanong ko.
Ngumiti siya sa akin saka Siya tumingin sa mga kaibigan ko. "Maaari ko bang mahiram ang kaibigan niyo?" Magalang na tanong niya.
Agad namang nagsi sangayon ang mga walang hiya kung kaibigan. "Sige, iuwi mo siya ng maayos ah?" Nakangiting tanong ni Joe.
"Oo naman," nakangiting Sabi niya. "Magiging asawa ko siya tapos hindi ko proprotektahan!" Dagdag pa niya.
Kinilig na naman ang mga walang hiya maliban kay Reena. She smiled a bit. I felt something wrong with her.
"Saan na naman ang punta natin?" Tanong ko nang kaladkarin niya ako dito sa parking lot.
"Get in," seryosong utos niya sa akin.
Binuksan niya ang pintuan sa harapan. Pumasok naman ako kahit na may kakaiba sa inaasta niya. Pumasok siya sa driver seat at walang imik na pinaandar ang kotse. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kakaibang tensyon rito. Napakatahimik sa loob. Nakakabaliw. Nahihiya naman akong buksan ang music sa loob ng kotse niya.
I cleared my throat before I speak. "Where..." he cut my words. Ang bastos! Hindi pa ako tapos magsalita eh!
"Somewhere" tipid na sagot niya.
Tumahimik nalang ako. Tumigil siya sa isang tapat na sikat na restaurant. Pumasok kami roon. Nag pareserved siya para sa aming dalawa. Maski sa pagkain namin ay hindi siya nagsasalita. Nakakahalata na ako.
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa ganiyan?" Tanong ko.
Tumingin naman siya sa akin. "I'm jealous," nahihiyang sabi niya.
"Huh?" Parang pipeng Tanong ko sa kaniya.
"Nagseselos ako! Sino ba iyang lalaking nagbigay sayo ng cupcakes?" Iritang Tanong Niya sa akin.
Napatawa naman ako kaya mas lalong busangot ang mukha niya. I can't help but to laugh at him.
"Iyon ba? Nagkamali lang daw siya ng pinaglagyan. Ang totoo niyan sa kaibigan ko iyon. Kay lilly, bigay ng manliligaw niya. Kanina lang namin nalaman." paliwanag ko.
Tumango naman Siya sa akin. Ang kaninang mabigat na aura niya ay napalitan ng magandang aura. Napailing nalang ako. Mukhang hindi naman ako nag aasume na nagseselos siya dahil totoong nagseselos talaga siya. I smiled secretly. Kung palagi siyang ganiyan baka mahulog ang loob ko sa kaniya.
Ngumiti ako sa kaniya. Kung kanina tahimik lamang siya habang kumakain kami. Ngayon ay hindi na. Nagkwentuhan kami habang kumakain. Inabot pa nga kami ng gabi eh. Magaan ang loob ko sa kaniya.
"Gabi na pala, ang daldal mo Kasi..." Tumatawang wika Niya. Umirap ako sa sinabi Niya.
Tinawag niya iyong waiter saka siya nagbayad. Pagkatapos ay tumayo na kami saka naglakad papuntang parking lot.
"May gagawin ka ba bukas?" Tanong niya.
Kinabit ko ang seat belt nang buhayin niya ang makina. Sabado naman bukas kaya ayos lang gumala. Wala rin naman akong masiyadong pupuntahan bukas.
"Wala naman, bakit?" Tanong ko.
Umandar na ang kotse at pauwi na kami. "Can I asked you a date, tomorrow babe?" Malambing na sabi nito.
Ngumiti naman ako. "Sure!" Masayang sabi ko.
Wala naman akong gagawin bukas kaya mas okay na iyon. Napaawang ang labi niya at mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko.
"May sakit ka ba?" Takang tanong niya sa akin.
Napatawa ako sa tanong niya. "Wala no!" sabi ko.
Kumunot ang noo niya. "Himala at hindi mo ako sinasagot ng pabalang." sabi niya.
Hindi ko siya masisisi. Ayan ang unang Gawain ko sa kaniya. Ikaw ba naman halikan ka ng bagong kakilala mo lang. I stretched my arm saka Wala sa sariling pinisil ang pisngi niya. Ang cute niya kaya. Napakalambot ng pisngi.
"Are you pregnant?" Tumatawang aniya. Agad ko namang inalis ang kamay ko saka ko siya tinapunan ng nakakamatay na tingin.
"Sinong buntis? Ako? Nagpapatawa ka ba?" May bahid ng inis kung wika sa kaniya.
"Malay ko ba," kibit balikat na sabi niya pero natatawa pa rin.
Inirapan ko siya dahil doon. "Hey, nagbibiro lang ako." pambabawi niya.
"Hindi nakakatuwa." mataray na sabi ko. Sumulyap siya sa akin saka ulit ibinalik ang tingin sa daan dahil baka mabunggo kami mahirap na.
"Dahil nakakakilig na," nakangising sabi niya. Tsk, grabe kapal ng mukha.
"Napakalakas ata ng aircon rito? Malamig eh!" sarkastikong sabi ko.
Agad namang nawala ang ngisi niya at napalitan ng pagnguso. Natawa ako.
"Tsk!" Asik niya.
Napatawa pa ako lalo. "Ang hangin mo rin eh no?" Tumatawang tanong ko.
"Mabuti nga at naka seat belt ka eh. Kung hindi baka tangayin ka dahil sa lakas ng hangin. Ang payat mo pa naman, mukha ka ngang skeleton!" pang aasar nito sa akin.
Agad namang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo?" Sigaw ko sa kaniya.
Pinaghahampas ko siya. Wala akong pakialam kung mabangga kami. Nakakainis ang bwesit na lalaking ito.
"Aray! Teka! Mababangga tayo! Aray! Ano ba! Tama na! Nagbibiro lang ako. aray!" Sabi niya.
"Pasalamat ka at gusto ko pang mabuhay!" sabi ko sa kaniya bago ko Siya inirapan.
Tumigil na rin ako sa paghampas sa kaniya. Payat na nga ako tapos ma aaksedente pa ako. Macoconfine pa ako sa hospital ng ilang araw. Dahil sa inis ko ay kinuha ko ang cellphone ko saka earphones. Nagpa tugtog ako saka ko isinalpak sa magkabilang tenga ko ang earphones.
Inihilig ko ang ulo ko saka pumikit. Bahala ka sa buhay mo. Maganda ang kanta at parang inihehele Niya ako sa pagtulog. Naramdaman Kong may tumapik ng marahan sa binti ko. Agad ko naman itong tinampal.
"Ano ba!" Inis na sabi ko.
Kaso ibinalik na naman kung sino. "Nandito na tayo!" Mahinang sabi ni Ren.
Dahan dahan ko namang iminulat ang mata ko. Nakatulog pala ako. Tinanggal niya ang isang earphones sa tenga ko.
He smiled at me. "Hatid na kita hanggang sa makapasok ka sa loob, saka ako aalis!" sabi niya.
Tumango ako sa kaniya saka ako lumabas. Kasama ko siyang naglakad papalapit sa apartment namin. Tulog na siguro ang mga kaibigan ko. Inihatid niya lang ako sa tapat ng pintuan saka siya nagpaalam na aalis na.
"See you tommorow! Dream on me babe!" nakangiting Sabi niya.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako ng mabilisan niya akong hinalikan sa lab at walang pasabing tinalikuran niya ako at naglakad papuntang kotse niya. Kumaway siya bago umalis ang kotse niya. Pumasok na ako sa loob. Ang dilim at mukhang ako lamang ang gising. Nakatulog na silang tatlo.
Naglakad ako papuntang kwarto ko saka ako nagpalit ng damit. Nagpahinga lamang ako ng ilang saglit saka ako humiga sa kama. Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari kanina lamang.