Kabanata 8
Like what he said last night, I dream of him. Kinabukasan ng magising ako ay agarad akong nagpunta ng banyo para maligo. Matapos ang morning ritual ko. Pagkatapos ay nagpunta ako sa kusena at naabutan si Nathan na nagluluto habang may suot na apron.
"Good morning," I greet him.
He smiled at me. "Ang aga mo ah? Anong oras ka pala nakauwi kagabi?" Tanong niya.
"10 na ako nakauwi kagabi," napapakamot sa ulong sabi ko.
"May pupuntahan ka?" Tanong niya ulit.
I'm wearing a white slid tee and pitch self tie botton front shirt and white shoes. I smiled widely on him.
"Date," tipid na sagot ko.
Ngumiti naman siya sa akin. "Ang laki ng pinagbago mo simula ng dumating Siya." He said. "Ang saya mo kapag kasama mo Siya." sabi niya.
Pinatay niya ang stove dahil luto na ang niluto niya. Maya maya ay darating na si Ren para sunduin ako. Dahil late akong natulog kagabi ay late rin ako nagising. Pero mukhang may mas ilalate pa pala ng gising. Si lilly ang pinakahuling nagising. Maya maya pa ay may nag door bell at alam ko na kung sino iyon. Aalis na sana ako ng magsalita si lilly.
"Aalis ka?" Tanong niya.
"I have a date, why?" I said and asked her.
"Akala ko ba? Ngayon ko Siya ipapakilala sa inyo?" She asked me.
"Bukas nalang, nakalimutan ko kahapon eh!" Napakamot ako sa ulo ko.
"Bukas? Hindi makakasama si Reena dahil may pupuntahan daw siya! Anong oras ba ang uwi niyo?" Mitch asked me.
"I don't know," hindi ako sigurado kung Anong oras kami uuwi ni Ren.
"Ikaw naman, maaring sa susunod pwede mo namang ipakilala sa amin. Wag ka ngang Kill joy!" singit ni Nathan.
"Mauna na ako sa inyo ah?" Paalam ko sa kanila.
"Magiingat ka!" Paalam ni Joe.
Ngumiti ako. "I will," sabi ko.
"Pasalubong huh?" Pahabol ni Nathan.
Tumawa ako saka tumango. "Have a good date, take care!" nakangiting Sabi ni lilly.
I smiled on her and nodded. Tumalikod na ako sa kanila sama ko binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang napaka gwapong si Ren. Pero hindi ko sasabihin iyon mahirap na at baka bumagyo. Naamoy ko ang mamahaling pabango niya. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang araw na ito. He smiled at me.
"Good morning beautiful," bati niya sa akin saka ako hinalikan sa pisngi.
I smiled back. "Good morning," balik na bati ko sa kaniya.
Agad naman niya akong inalalayan papasok sa loob ng kotse niya. Umikot siya papuntang driver seat.
"Ang ganda ng araw mo ngayon ah? Mukhang napanaginipan mo ako!" tumatawang sabi niya.
Inirapan ko na lang siya. Bumabalik na naman ang pagiging makapal ang mukha niya. Of course I dream of him last night pero diko sasabihin sa kaniya.
"Asa!" Inis na sabi ko.
Tumawa lamang siya sa sinabi ko. He started the engine bago niya minaneho paalis.
"Where are we going?" I asked him.
"I reserved our breakfast the same restaurant that were visit last night." he said.
Tumango ako. Maganda naman doon. Napaka romantic ang theme saka masarap ang pagkain roon.
"Of course, I like their foods. It's delicious and it taste good!" I said.
Ngumisi Siya sa akin. "Masarap ako?" Tumatawang Tanong Niya sa akin.
Umirap ako sa kaniya. "Hindi no! Bad taste nga eh!" Umismid ako.
Akala ko maiinis siya pero hindi eh. "Then why are you addicting on my lips?" He playfully asked.
Inirapan ko siya. "Who told you that I'm a addicted to your lips?" mataray na tanong ko.
He laughed. "Really huh? Kaya pala..." tumatawa Siya nang Bigla ko siyang pinutol sa sasabihin Niya.
"Pwede bang manahimik ka nalang dyan!" inis na sabi ko.
"So, inaamin mo na..." Icut him.
I glared at him before I speak. "Oo na! Oo na!" Inis kun sigaw.
Tumawa naman ang walang hiya. Inirapan ko nalang. Sumulyap siya sa akin saka binalik ang tingin sa daan.
Nakarating na kami sa restaurant saka siya umorder ng pagkain. Scrambled egg with herbs ang inorder niya. Umorder rin siya ng isang boteng wine. "Have a good date Ma'am, Sir." sabi ng waiter pagkatapos ilapag ang inorder namin.
"Thank you." sabay na sabi namin ni Ren.
Tumango ang waiter saka siya umalis. Nagumpisa na kaming kumain. Tulad nga ng sabi ko masarap ang pagkain nila rito. Ang pangalan ng restaurant na ito ay filifino food restaurant. Hindi ko alam pero iyon ang nakalagay eh.
"Your beautiful when your smiling," sabi niya.
Kanina pa ako naiilang sa titig niya sa akin. Hindi maalis alis. "Ah, thanks!" sabi ko.
Uminom ako ng wine para itago ang kumakawalang ngiti ko. "Your blushing babe." He said then laughed afterwards.
Mas lalong pumula ang mukha ko. Kumain nalang ako saka hindi na siya pinansin pa. Tapos na akong kumain kaso hindi pa rin niya ginagalaw ang pagkain niya.
"Bat hindi ka kumakain?" Tanong ko.
"Makita lang Kita busog na ako." He smiled at me.
"Tumigil ka na nga! Kainin mo na yan!" inis kunwaring sabi ko.
Ngumuso ako para pigilan ang ngiting kumakawala. Pero dahil hindi ko na mapigilan ay napangiti na ako.
"Subuan mo ako," utos niya.
Tumaas ang isang kilay ko. "Ano ka Bata? Pwede ba at wag ka ng mag inarte riyan. Kumain ka na!" sabi ko.
Nag puppy eyes pa ang luko. I bit my lower lip to stop my self for laughing. "Dali na!" Nakangusong sabi niya.
Napatawa ako saka napailing na kinuha ang kubyertos saka ko siya sinubuan. Meron pang kumuha ng picture sa amin habang sinusubuan ko siya. Napailing nalang ako. Nang matapos ay tumawag siya ng waiter saka niya binayaran. Inalalayan niya pa akong tumayo saka niya inilahad ang braso niya. Wala namang pagaalinlangang ikinawit ko ang braso ko sa braso niya.
Nakangiti ako buong araw hindi mapunit punit. "Masaya ka?" Tanong niya.
Inirapan ko nalang. Kahit kailan talaga ang galing niyang sumira ng araw. "Paki alam mo?" Mataray rin na tanong ko.
Tumawa siya saka niya pinisil ang pisngi ko. Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok sa loob ng kotse.
"Gusto mong manood ng sine?" Tanong niya.
"Sure! Sure!" Masayang pag sang ayon ko sa kaniya.
Tumawa naman siya. Hindi ko alam pero sa nakikita ko may pinagbago siya. "Then what's next?" Tanong niya ulit.
"Arcade tayo?" Tanong ko.
"If that what you want, babe" malambing na sabi niya.
Nakarating na kami sa mall. Ipinark niya ang kotse saka sabay kaming pumasok. Nakakawit ang braso ko sa braso niya. Natatawa siya sa inaasta ko pero hindi ko nalang iyon pinansin.
"Let's go," tumango ako sa kaniya.
Pumili siya ng panonoorin namin. It's a love story about the love triangle. Iniwan niya ako saglit saka niya ako binalikan na may dalang popcorn saka inumin. Kinuha ko ang isang pop corn saka inumin. Ikinawit ko ulit ang braso ko sa braso niya. Naglakad na kami papasok sa sinehan.
May ilaw pa roon marahil ay hindi pa nag uumpisa. Umupo kami roon sa ikatlong row na upuan. Inilagay ko sa lagayan ng inumin sa gilid ng upuan ko ang inumin ganoon rin ang ginawa niya. Maya maya pa ay dumilim na bilang hudyat na magsisimula na.
"Maganda ba ang papanoorin natin?" Tanong ko.
Hindi ko pa napapanood ito eh. "Oo naman, yon nga lang may magsasakripisyo ang isa sa kanilang tatlo." sabi niya.
Base sa sinabi niya mukhang alam ko ng sad ending ang kalalabasan nito. "Don't worry hindi iyan sad ending." sabi niya habang tumatawa.
"Seryoso ka?" Tanong ko.
"Let's see," sabi niya.
Tumango ako sa kaniya. Nag umpisa narin kaming kumain ng pop corn. Sa unang kita mo palang ay puro pangalan pero di kalaunan ay nawala rin. Tatlong magkakaibigan na si Alvin, Arjay at ang nag iisang babae na ang pangalan ay si Rose. Matagal na silang mag kaibigan mula pagkabata. Ngunit ang dalawang binata ay may lihim na pagtingin sa kaibigan nilang babae.
Sa di kalayuan meroong isang babae na nagtatago sa puno habang nakatanaw sa tatlo. Masayang nag kwekwentuhan ang tatlo kung kaya't hindi nila alam na meroong isa pang nakikinig sa kanila. Ang babae ay nagpaalam na may importante raw na pupuntahan ang magulang niya.
Isasama raw siya at mukhang matatagalan ang uwi. Malungkot ang dalawang binata sa sinabi ng babaeng kaibigan niya. Nakalipas ang dalawang taon ay umuwi na si rose ngunit malaki ang pinagbago niya. Pumayat siya hindi gaya noon na mataba at maganda ang katawan.
Kinabukasan ay hindi pumasok si Alvin kung kaya't naglakas loob si Arjay na umamin sa kababata. Pagkatapos niyang umamin ang siyang dating naman ng babae. Iyong babaeng nagtatago sa puno.
"Arjay, pinapatawag ka nga pala ng dean." sabi niya.
Tumingin naman ang dalawa sa kaniya. "Ganoon ba?" Tanong ni Arjay sa babae.
Tumango ang babae. Bumaling si Arjay kay rose saka siya nagpaalam. Naiwan ang dalawang babae. Umupo ang babae sa tabi ni rose.
"Anong namamagitan sa inyo ni Arjay?" Mahinahon na tanong niya.
"Nanliligaw siya sa akin, bakit?" Tanong ni rose.
"Hindi mo ba alam na girlfriend niya ako?" Tanong ng babae.
Taka namang tumingin si rose sa kaniya. "At sino ka naman?" Tanong niya sa babae.
"Ako si leah, ang girlfriend ni Arjay." nakangising sabi ng babae.
Nasaktan si rose sa nalaman niya. Ilang araw niyang iniwasan si Arjay dahil meron na pala siyang girlfriend. Nasa batibot naman ngayon ang babae mag isa lamang siya. Maya maya pa ay dumating si Alvin ng hindi niya namalayan.
"Rose? Ayos ka lang?" Nagaalalang tanong ni Alvin.
"Oo naman!" Ngumiti si rose sa kaniya.
Nagkwentuhan ang dalawa hanggang sa mag confess itong si Alvin kay rose na may gusto sa kaniya. Nagulat si rose sa narinig niya. Ilang araw niyang inisip kung nag sasabi ba ng totoo ang mga kaibigan niya. Kinabukasan, habang naglalakad sa hallway si rose ay humarang si Arjay sa kaniya.
"Rose! Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya.
Tumango naman si rose dahil gusto niyang malinawan. "Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ni Arjay sa kaniya.
Napaiyak si rose at hindi alam ni Arjay kung ano ang dahilan. "Sabi mo mahal mo ako pero meron ka na palang girlfriend." umiiyak na sabi ni rose.
Agad naman nagtaka si Arjay. "Girlfriend? Anong sinasabi mo rose?" Takang tanong ni Arjay.
Tumigil sa pag iyak si rose saka niya sinabi na si Leah raw ang girlfriend niya. Sinabi rin ni Arjay na hindi raw iyon totoo. Pero isang araw ay kailangang bumalik ni rose sa America. Bigla nalang niyang pinagtabuyan ang dalawang kaibigan niya at walang pasabing sinabi sa dalawa na...
"Hindi ko kayo minahal, kaibigan lang ang turing ko sa inyo!" sabi niya.
Nasaktan ang dalawa. Pero ang totoo ang ginawa lamang ni rose iyon upang hindi na magtanong ang dalawang kaibigan niya. Mahal na mahal niya ang dalawang kaibigan niya. Ayaw niyang mag away ang dalawa dahil lamang sa kaniya. Nakalipas ang Ilang buwan ay meroon ng mga girlfriend ang kaibigan niya. Ngumiti siya saka siya nagpasiya na magtutungo sa America.
Hindi alam ng dalawang kaibigan niya na may taning na ang buhay ni rose. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang dalawang kaibigan niya dahil sa kaniya. Tulad nga sabi ni Ren ay may isang mag sasakripisyo at iyon ay si rose. Nakalipas ang dalawang taon ay hindi kinaya ni rose ang mga medical niya.
Pumanaw siya ngunit may isang bilin na iniwan. May ginawa siyang sulat para sa dalawang lalaking nagmahal sa kaniya. Umuwi ang magulang ni rose at doon siya inilibing. Ibinigay ng magulang ni rose ang sulat sa dalawang kaibigan niya. Nang mabasa ng kaibigan niya agad na napaluhod at napahagulgol dahil sa nabasa. Nalaman nila na may taning na ang buhay ni rose.
At nakasulat rin roon na masaya siyang makitang masaya na raw sa iba ang dalawang kaibigan niya bago pumanaw. Ang kahuli hulihang nakasulat ay...
"Mahal na mahal ko kayong dalawa. Maraming salamat, hanggang sa muli!" iyan ang huling nakasulat.
Hindi ko maiwasang malungkot sa kinahinatnan ng love story na ito. Agad kung sinamaan ng tingin si Ren.
Nakalabas na kami dahil tapos na. "Ang sabi mo sa akin happy ending ang kalalabasan?" Sigaw ko sa kaniya.
"Hindi ko pa napanood iyon eh." napapakamot sa ulong sabi niya. "Sorry na hindi ko pa talaga napanood iyon." pang susuyo niya.
Inirapan ko nalang siya. Bahala siya. Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot sa kinahinatnan ng love story ng tatlong magkakaibigan. Paano kaya kapag ganoon ang nangyari sa akin o sa iba. Masakit siguro iyon. Malamang Deena anong klaseng tanong yan.
Hindi ko nalang pinansin si ren. ipinulupot ko ang braso ko sa braso niya saka ko siya dinala sa ice cream. Gusto kung kumain ng ice cream bago kami magpunta sa arcade.
"Dalawa nga po. Cookies and cream." sabi niya.
Tumango ang babae saka kami binigyan. Nagbayad si Ren saka kami umupo muna. Matapos kumain ay niyaya niya muna ako sa isang botique. May kukunin raw siya. Kumunot ang noo ko ng makitang puro bulaklak ang narito.
"Good morning Sir... Ma'am!" bati ng babae.
"Good morning, I would like to know if ayos na ba ang binili kung bulaklak?" Nakangiting tanong ni Ren.
"Yes sir... This way!" pumunta kami sa counter saka naroon ang bouquet of flowers na kulay pula ulit.
Kaya pala. Ito pala ang sinasabi niyang kukunin niya. Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Binayaran niya iyon saka niya inabot sa akin.
"For you! Kanina ko pa sana kinuha iyan kaso hindi pa pala tapos." sabi niya.
Tumingkayad ako saka ko siya hinalikan sa labi. Saka ko siya niyakap pagkatapos kung dampian ng halik ang labi niya.
Thank you for making me happy, babe!