Kabanata 3
"Kanina ka pa Namin hinahanap..." Hinihingal na wika ni joe. "Nandito ka lang pala!" She added.
Nabalik ako sa riyalidad. Nakakainis ang pesteng lalaking yon. Ngayon ko lang napansin na iniwan ko pala sila sa library dahil sa inis ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni mary sa akin.
Tumingin ako sa kaniya. "Yes, why?" I asked them. Umiling sila sa tanong ko. "Then what?" I asked.
"Kanina pa kaya kami rito," nakangusong sabi ni Mitch.
"Anong connect?" Tinaasan ko sila ng kilay.
"Tulala ka kaya. Sinigawan ka na't lahat!" Umiiling na sabi ni mary.
Umawang ang labi ko. "Wag ka ng magsalita at nakita namin kung bakit ka tulala." nakangising sabi ni Joe.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" Takang tanong ko.
"Nakita ka naming may kahalikan kanina..." They tease me. "Ano lasa?" Nathan asked me and they all laugh.
Uminit ang mukha ko dahil doon. Nakita nila? Tumawa sila ng malakas dahil sa reaction ko.
Ngumuso ako dahil sa kahihiyan. "Masarap ba siyang humalik?" Nakangising sabi ni mary.
"Why did you asked?" Umiwas ako ng tingin sa kanila. Narinig ko pa silang tumawa.
"Do you know him?" Tanong ni Mitch.
Umiling ako sa Tanong Niya sa akin. Nakilala ko lang Siya dahil isa siyang kaibigan ni George and also, Siya yung tinutukoy ni George na may birthday party sa malapit na bar kagabi.
"His name..." Sabi ni mary. Tumingin kami sa kaniya. "Renconstantine, in short Ren!" sabi niya.
Renconstantine? That was a unique name.
"Reena's cousin!" dagdag niya.
Nagulat kami. Pinsan siya ni Reena? Seriously! Ang liit naman ng world. Pero masasabi kung pumasa siya sa akin.
"Pinsan? Sigurado ka?" Gulat na tanong ni Joe.
"Oo. Pinakilala ako ni Reena kahapon pero saglit lang dahil may birthday party raw sila sa bar." sabi niya.
Umawang ang labi ko dahil sa narinig. Tinaasan nila ako ng kilay. "Isa rin ba siyang ka fling mo?" Tanong nila sa akin.
"No! Of course not! I just meet him last night when George invited me to come over at his friends party last night." I told them.
Ngumisi si joe sa akin. "Kaya pala..." Nakangising sabi niya.
Taka namang tumingin ang dalawa sa kaniya. "Kaya pala, ano?" Curious na tanong nila.
"Kahit na marami Kang nainom na alak kagabi eh, hindi ka nalasing!" Nakangising sabi niya. "Siguro..." Pambibitin nito.
Kumunot ang noo ko. "Siguro?" Tanong ng dalawa.
"Wala tara na at tapos na ang unang subject!" sabi niya saka tumawa.
Tumango kami. Naglakad kami papuntang room. Naiisip ko palang na nag quiz sila ay para na akong pinagbagsakan ng lupa at langit.
Nang makarating kami ay umupo kami. Agad akong humarap sa tatlong naiwan. "Nag quiz kayo?" Pambungad na tanong ko.
"Yes," she simple said.
"Are you sure?" Pagkokomperma ko.
Malay mo, ginogood time ka lang pala ng mga ito. "Of course," seryosong sabi ni Reena.
"Wag mo kaming ginogood time," sabi ni Mitch. Tumaas naman ang Isang kilay niya.
"Why would I lie to you?" She asked us. "If you wouldn't believe me, you can free to asked them..." She pointed out, our other classmates.
Nagkatinginan kami. Sinasabi ko na nga ba. Sinamaan ko ng tingin si lilly at Nathan. Kasalan ng dalawang ito.
Nagpatay malisya naman ang dalawa. "Wag ka ng malungkot dyan, dahil mahal ka non!" nakangising sabi ni Nathan.
Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Kung nasa tabi lang kita malamang kanina pa kita pinaghahampas o binatukan riyan.
"Mahal? Mahal niya ko? Sigurado ka?" Inis na Tanong ko sa kaniya! Pinagluluko ata ako ng Isang ito eh!
Tumawa naman siya. "Oo mahal ka non, kaso sa panaginip lang!" tapos humalakhak siya ng tawa.
Dahil sa inis ko ay tumayo ako at lumapit sa kaniya. Binatukan ko siya ng walang pasabi. "Aray naman, what's that for?" Inis na sabi niya.
Narinig ko ang tawa ni Reena. "What's funny?" Salubong ang kilay na tanong ko.
"Huh? Funny? Nothing! Wala naman akong pinapanood na circus para tumawa ah? Wala rin naman komedi?" Pilosopong tanong niya.
Sa inis ko ay lumapit ako sa kaniya at astang babatukan siya ng lumayo soya sa akin na tumatawa.
"Hey, I'm just kidding!" she said tapos ay nag piece sign Siya.
Sinamaan ko siya ng tingin ganoon rin ang ginawa ko kay Nathan. Kaso nakita ko kung paano sila ngumisi.
"Kasalan niyo to, eh!" sabi ni joe sabay turo kay Nathan at lilly.
Agad naman silang nag react. "Luh? Inaano ka namin?" Inosenteng tanong niya.
"Sino ba ang may kasalan kung bakit kami pinalabas huh?" Inis na tanong ni Mitch.
"Oh bakit ako? Kami? Kayo kaya ang tumawa hindi kami!" inosenteng sabi niya.
"Anong kami? Kayo! Kayo ang may kasalan!" inis na bulyaw ni Mary.
"Aba! Wag niyo kaming sisihin riyan at kayo ang may kasalan. Malay ba namin na nakikinig kayo!" kibit balikat na sabi niya.
Dahil malapit si Mitch sa kaniya ay agad itong nakakuha ng batok. "Aray, ano ba?" Inis na sabi niya.
Pero ng makita niya ang mukha naming apat ay nagkatinginan silang tatlo saka tumawa.
"Aray! Ano ba! Tama na! Masakit! Aray!" Dahil sa inis naming apat ay pinaghahampas namin silang tatlo.
"Masasaktan talaga kayo pag hindi kayo tumigil sa kakatawa!" inis na bulyaw ko.
"Hindi naman kami iyong tumawa ah, kayo kaya ang tumawa kaya kayo pinalabas!" sabi ni lilly.
Bwesit! Nang aasar pa talaga! "Aray! Bir... aray!" Sabi niya.
Paano ba naman hinampas ko siya ng malakas dahil sa iritasyon. Akmang hahampasin ko na ulit siya ng biglang...
"What is going on here?" Malakas na tanong ng sunod na guro namin.
Nanlalaki ang mata namin at agad na umayos ng upo. Tumahimik rin ang nasa loob ng klase.
"Nothing miss," paumanhin namin.
"Kung may away kayo, wag rito sa loob ng room at doon kayo mag-away sa opisina." sabi niya.
Inilagay niya ang dala nitong gamit sa ibabaw ng table doon sa harap. Mayamaya pa ay nagsalita siya ulit.
"You have a new classmate." panimula niya.
Nagkatinginan kami. Agad na nagbulungan ang iba dahil doon. Bulungan kung sino at bakit ngayon lang siya pumasok.
"Come here," sabi ng guro namin.
Pumasok ang kung sino man iyon. Nanlalaki ang mata ko ng makita ko kung sino iyon. Agad na nagtilian ang babae sa loob ng room namin. Ngumisi siya sa mga iyon habang naglalakad papuntang harap. Mas lalong lumawak ang ngisi niya ng makita niya ako. Tumigil siya sa harap saka humarap sa amin.
"Tsk!" Rinig kung sabi ni Reena.
"Hello everyone, my name is Ren. Nice to meet you all!" pagpapakilala niya.
Hindi ko parin maisip na kaklase ko siya. "You may take your sit," sabi ng guro namin.
Humarap siya sa guro namin. "I want to sit beside her," sabay turo nito sa tabing upuan ni Reena.
"Okay, you may take your sit beside Miss Patungan." sabi ng guro namin.
Ngumiti naman Siya saka naglakad papuntang upuan sa tabi ni Reena. "Sira ka! Bakit sakin ka pa tumabi?" Angil ni Reena nang makaupo na siya sa tabi niya.
"Hi liit," masayang bati niya kay Reena. Liit? Anong klaseng endearment niyan?
"Liit mo mukha mo," inis na sabi niya.
"Hindi mo ba ako namiss?" May kakaiba sa tono ng pananalita Niya nang tanungin Niya si reena roon.
"Tsk! Asa!" Reena said.
"Bakit hindi mo ako namiss, liit?" Nakangusong tanong niya.
"Sinong me sabing mamimiss ko ang pagmumukha ng isang kapre?" Mataray na tanong ni Reena.
Kapre? The f**k! Sabagay, malaking tao ba Naman Siya, hindi na masama!
"I have good news," nakangising sabi niya. "Gusto mo bang malaman?" Tanong niya kay Reena.
"I know that's bad news for me, not good news!" Umismid si reena.
"Ayaw mong malaman?" Ren asked her once again.
"Pwede bang tumahimik ka na lang at makinig?" inis na sabi niya. "Bakit kasi sa tabi pa Kita tumabi? Ang ingay ingay mo pa naman! Sana tinabihan mo si lilly dahil pareho kayong maingay!" salubong ang kilay na sabi Saad ni reena sa kaniya.
Tumawa naman ng mahina si Ren. "Meron ka no?" Pang aasar na tanong niya.
Pero inirapan lamang siya ni Reena. Tumahimik naman na siya saka bumaling sa akin. Ngumisi siya sa akin saka ako kinindatan. Umirap ako dahil doon. Tumingin ako sa harap at saka nakinig nalang.
"Hindi ko alam na araw pala ngayon ng irap," tapos tumawa siya.
Umiling nalang ako. Hindi ko matagalan ang presensiya niya sa aking likuran. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Hindi ako mapakali. Hindi ko rin alam kung bakit ganto ang nararamdaman ko. Hindi naman ako ganto noon.
What's wrong with me?
Pilit kong itinuon ang atensyon ko sa harapan. Pinilit kung makinig para lang maiwasan ang presensiya niya. Naalala ko nga pala kagabi na hindi pala ako nakapag paalam kay George. Bakit pa ako magpapaalam? Tapos na ang pangalawang subject kaya sumundo na ang pangatlong subject namin. Bigla ko rin naalala na may presentation kaming gagawin.
At meroon ring long quiz sa tle. Nagdiscuss siya sa harapan pero hindi ako nakikinig. Masiyadong lutang ang isip ko para makinig. Hindi ko na masundan pa kung anong ipinapaliwanag ng guro sa harap. Pero ganon nalang ang gulat ko ng biglang...
"Get one half sheet of paper," sabi ng guro namin.
Sabi ng makikinig na sa susunod eh. Kumuha ako ng one half ko kaso wala. Tumingin ako kay Mitch saka nang hingi. Ganiyan naman palagi. Bahala na kung Ilan ang makukuha ko. Hindi naman ako siguro maze-zero rito. Nagsimula ng magsabi ng tanong ang guro namin. Ito ako humahanap ng paraan para makapagkodigo.
Hindi, joke lang naman. Pinaikot ikot ko ang ballpen na hawak ko sa aking kamay saka bored na tumingin sa harapan. Hindi ko alam kung anong sagot. Basta kung ano lang ang natandaan ko iyon ang sinusulat ko. Bahala na kung pararan Basta may sagot. Kesa sa malinis na papel at halatang zero.
"Miss Heteroza? Eyes on your own paper not your classmates!" Sabi ng guro Namin sa akin.
"Number 8. The most largest active volcano was called?" She said.
Kainis naman hindi ko alam kung anong sagot. Sana nakinig nalang ako kanina. Hindi ko alam kung Tama ba ang sagot ko. Bahala na.
"Hoy liit, pahingi nga ng sagot!" rinig kung sabi ni Ren sa aking likod.
"Hoy! Aba! Kahit isa lang" pangungulit niya.
Mukhang ayaw siyang bigyan ng sagot ni Reena. Kahit kaming kaibigan niya ay hindi niya binibigyan ng sagot ikaw pa kaya.
"Hindi kasi nakikinig," inis na sabi ni Reena.
"Number 12..." Sabi ng guro. Wala na. Alam kung bagsak ako. One to fifteen ang quiz. "Exchange your paper at the back," sabi ng guro.
Hinintay kung ibigay muna nong nasa unahan ko ang papel niya bago ko ibigay sa likod ang papel ko. Hindi ko alam kung sinong katapat ko sa likod.
"Nakinig ka ba kanina?" Tanong ni Joe sa akin.
Umiling ako. "Ikaw?" Tanong ko.
"Hindi rin eh," napapakamot sa batok na sabi niya. So hindi pala ako nag iisa, meron akong kasama. "Pero nag review ako kanina sa library." dagdag niya.
Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. "Ikaw kase, bigla ka nalang nawala!" sabi niya sa akin.
Sinabi na ng guro namin kung anong sagot. Nang matapos ay ibinigay na ang papel sa may ari. Iyong nasaharapan ko ang nakuha niya ay 9. Eh ako? Anong nakuha ko? Zero? Ibinalik na iyong papel ko at sinulyapan ko kung Ilan ang nakuha ko. Mas lalo akong napanguso ng makita ang nakuha ko. 5? Seriously? 5 talaga?
"I will record your first quiz." Sabi ng guro namin.
Nagtawag na siya ng pangalan upang sabihin o malaman ang nakuha nila. Kinalabit ko si joe.
"Ilan nakuha mo?" Tanong ko.
"8, ikaw?" Ipinakita niya iyong papel niya sa akin.
"5," sabi ko sabay pakita ng papel ko sa kaniya pabalik.
Tumango siya. Tinawag na ang pangalan ni lilly at ang nakuha nito ay kagaya ko rin. Si Nathan ay natawag narin at kapareho ng kay Joe. Si Mary ang nakuha nya ay 14, isa lamang ang mistake. Si Mitch naman ay may tatlong mistake. Si Reena naman ay perfect. Ano pa bang aasahan mo? Matalino eh.
At ako sinabi ko na rin ang nakuha ko. Si Ren naman ay 7 ang nakuha. Matapos non ay tumunog na ang bell. Tumayo na ako saka ko binitbit ang dala Kong gamit. Hindi pa naman marami ang dala ko kaya hindi ko nagagamit ang locker ko. Hinintay ko sila saka kami sabay na nagpunta ng canteen. Kaso sabi ni Reena ay hindi ito makakasama dahil may pupuntahan.
Si Mitch naman ay nagpuntang locker, si Mary iyon at tinawagan dahil raw sa kapatid niya. Si Nathan iyon at sumama kay enzo nang makasalubong namin. Si lilly iyon at kasama ang jowa niya si joe naman ang naiwan kasama ko. Umorder lang ako ng c2 dahil busog pa naman ako. Si Joe ay umorder ng mugo mugo.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Joe.
Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. Nagtataka kung bakit niya ako tinanong ng ganoon.
"Kanina ka pa kasi tahimik" sabi niya sa akin bago uminom sa mugo mugo.
"Wala lang..." tipid na sabi ko.
Uminom ako sa c2 ko. "Kayo lang ata?" Tanong niya.
Tumango kami sa kaniya. Umupo siya sa tabi kung upuan. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
Matagal ko ng kaibigan si reyan. "Wala lang, bawal ba?" Balik na Tanong Niya sa akin.
"Sus, ayaw pang aminin eh..." tumatawang sabi ni Joe.
"What do you mean?" He asked us.
"Kunwari hindi niya alam pero ang totoo ay kanina pa niya hinahanap..." We tease him.
Si reyan ay may lihim na pagtingin kay mary. Dahil sa katorpehan hindi niya alam kung paano aamin. Palagi Namin siyang nahuhuling sumusulyap kay mary pero never siyang nag open up sa nararamdaman Niya.
"Hindi ko naman siya hinahanap ah!" sabi niya saka nag iwas ng tingin.
Nagkatinginan kami ni Joe. "Wala naman kaming sinabing hinahanap mo siya ah?" Tanong namin.
"Meron kaya" sabi niya.
"Wala nga kaming sinabi," pangaaasar pa namin sa kaniya.
"Ewan ko sa inyo! Oo na, asaan ba siya?" Tanong niya pagkatapos.
Kita mo na?. "Pinatawag siya dahil daw sa kapatid niya," si Joe ang sumagot.
"Bakit raw?" Takhang tanong Niya.
Katulad ko payat rin si reyan. Medyo matangkad lang siya ng kaunti sa akin.
"Ewan, yon lang ang sinabi niya eh. Bakit hindi mo subukang tanungin?" sabi ko sa kaniya.
Tumango siya sa sinabi ko. Inubos ko na ang c2 na iniinom ko ganoon rin kay Joe. "Kilan mo balak umamin?" Tanong ko.
Nasamid siya sa tanong ko. Kakainom niya lang ng cook in can ng magtanong ako. Agad naman akong kumuha ng tubig at inabot sa kaniya.
"Hindi pa ako sigurado kung kailan, balak ko palang gawin pero hindi pa sa ngayon." sabi niya.
"Paano kung maunahan ka ng iba dyan dahil sa katorpehan mo?" sabi ko.
"Oo nga naman!" buyo ni Joe.
"Nahihiya ako umamin sa kaniya..." pagkatapos nitong sabihin ay pinamulahan siya ng mukha. Tumawa kami dahil roon. Nauwi sa asaran ang usapan namin.