bc

It Started with Hello

book_age18+
149
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
independent
brave
confident
dare to love and hate
drama
twisted
city
assistant
photographer
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula ang lahat sa salitang Hello.

Dalawang taong parehong sumubok maghanap ng kanilang the one sa isang dating site.

Parehong nag-aasam na makahanap ng forever.

CHRISTINE MENDOZA, a BS Computer Science graduate who works as a secretary sa isang kilalang kumpanya. Isa rin siyang romance novel writer, ngunit walang nakakaalam niyon maging ang kanyang sariling pamilya. Mas minabuti niya huwag ipaalam upang malaya siyang maisulat anuman ang nasa isipan niya.

Dala ng pagiging isang manunulat ay naisipan niyang mag-download ng dating apps para sa kaniyang isusulat na nobela at ang isang dahilan rin ay gusto niya na maranasang magka-boyfriend kahit sa online lang.

Gusto niyang subukan kung posible bang makahanap ng the one sa isang dating app gaya ng mga napapanood at nababasa niya sa news.

One day, while having her thirty minutes break, binuksan niya ang cell phone at sinubukang mag-log-in sa dating site na kaniyang na-download. Sa kaka-swipe niya ay umagaw sa pansin niya ang isang lalaking may username na Memory Makers.

Binasa niya ang nakasulat sa bio nito at isa pala itong photographer. Curious siyang makilala ito kaya nag-swipe right siya. Hindi naman niya akalaing mag-match sila at agad itong nag-hello sa kanya.

Sabay-sabay nating alamin kung ito na nga ba ang hinihintay na forever ni Christine.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
MARAHAN at walang kalatis ang mga hakbang ni Christine habang binabagtas niya ang maluwang na sala ng lumang bahay ng kanyang Lola Cora, biyudang ina ng kanyang mama. Kagabi pa, bago pumasok sa kanyang silid tulugan ang lola niya ay nakapagpaalam na siya. Kung sabagay, kabisado na ng matanda na sa tuwing uuwi siya roon ng weekend ay umaalis siya ng madaling araw. Inilapag ni Christine ang kanyang overnight bag sa pinakahuling sofa na malapit sa pinto ng sala. Saka siya nagtuloy sa kusina. Naririnig na niya ang sagitsit ng isinasangag na kanin. Naghahanda na ng almusal ang matagal ng kasambahay ng kanyang lola, Si Manang Onyang. Pagpasok niya sa kusina ay nilingon siya ni Manang Onyang. O Tinay, luluwas ka na ba? Maaga pa, ha?" "Hahabol po kasi ako sa first trip paluwas, Manang. Sasamahan ko kasi ang mama sa monthly check-up niya," tugon niya. "Bakit, may sakit ba ang mama mo? Sana hindi ka na lang muna pumarito para dalawin si inang Cora," anang Manang Onyang. "Wala naman, Manang Onyang . Talaga lang ganoon ang gusto ng daddy ko. Na makatiyak na kaming kanyang pamilya ay healthy palagi. Mas menos gastos daw kasi kapag maaga pa ay ginagamot ang kahit anong sakit kaysa pabayaang lumala ito," paliwanag ni Christine habang nagtitimpla na siya ng kanyang kape. "Ito, o, ipinagsangag kita. May pritong itlog na riyan saka 'yong tocino na gawa ng lola mo. Marami siyang ginawa kaya bilin niyang ipagbalot kita para iuwi sa inyo." "Manang, huwag na po. Magkakape lang akong talaga. Sa amin na ako mag-aalmusal dahil alam ng mama na ngayong umaga ang uwi ko kaya tiyak na may inihandang pagkain na ho iyon." Saka sinimulan nang higup-higupin ang kape niya. "Ikaw ang bahala. Baka gutumin ka sa daan, e may mga suman at bibingka doon sa ilalim ng supot na iuuwi mo. Kumain ka habang nasa nagbibiyahe," anito pa, "'Yon nga palang plastic ng mga gulay at dalawang kaing na saging ay naroon na sa gate." "Salamat, Manang Onyang. Para hindi na nga ako bumili sa mga naglalako." Nang maubos ang kape ay nagpaalam na siya sa kasambahay ng kanyang lola. Nang mula sa dakong gate ng bahay narinig nila ni Manang Onyang ang pagbukas ng gate. "Siguradong si Andrew na 'yan. Bilisan mo na at baka mahuli ka pa sa unang biyahe, e, alas singko na ang ikalawang biyahe. Dinampot ni Christine ang overnight bag at shoulder bag ng akmang bubuksan na niya ang pinto ay bumukas ang pinto ng silid ni Lola Cora. "Tinay, pauwi ka na ba? Bakit hindi mo man lang ako ginising, ha, bata ka. Buti pala at napukaw ako ng busina ng nagdaang tricycle." Lumapit ito kay Tinay. "Alam ko po kasing napuyat kayo kagabi sa kapapanood ng mga lumang pelikula. Hindi ko na po kayo ginising. Bakit po? May ipagbibilin ba kayo sa mama?" "Tama ka... o ito. Tatlong sobre iyan. Ang isa para sa iyo, ang ikalawa ay para sa daddy mo't mama. Ang ikatlo ay para kay Harold. Malapit nang manganak ang hipag mo at tiyak na kakailanganin nila ang malaking pera. Maganda ang ani ng kape." May coffee farm kasi ang lola niya kaya tuwing anihan ay nag-aabot ng pera ang lola niya sa kanila. "Ang bait-bait naman po ng lola ko," wika ni Tinay at niyakap ang lola. "Naku, Tinay, alam ko na iyan. Matagal na." Saka tumawa si Lola Cora. "Lola, Christine na lang po, huwag na Tinay. Ang luma-luma naman ng ipinalayaw ninyo sa akin." Akbay niya sa matanda. "Hu, e, ano ba ang ipapalayaw kung Christine ang pangalan ng isang babae. E, 'di ba Tinay. Alangan naman wala kang palayaw, ano ka ba?" “Lola, sa siyudad ay hindi na po uso ang magpalayaw ng sobrang luma. High tech na po tayo, Lola Cora." Hinalikan niya sa noo ang lola saka muling niyakap. Nagmamadali na siyang lumabas. Sa labas ng gate ay naroroon na si Andrew, ang kanyang kababata dito sa probinsiya. Alam agad niyang kalesa ang dala nitong sasakyan na maghahatid sa kanya sa bus terminal. Kabisado na nito na paborito niyang sumakay sa kalesa dahil lampasan ang hangin at makakapagkuwentuhan pa sila ni Andrew habang nagbibiyahe, kaysa sa tricycle na sobrang ingay, hindi magkakarinigan ang nag-uusap. "Okay ka, talaga, Andrew. Tiyak na hindi ako mahuhuli sa first trip." "Ako'ng bahala sa iyo. Sige, sakay na. At inalalayan siya nito sa pagsampa sa kalesa. "Nailagay ko na sa likuran ang plastic at munting kaing na pinaglagyan ng mga pauwi ni Lola Cora," sabi ni Andrew. “Hindi ka nagpunta sa bahay nu'ng Sabado. Hinihintay kita para makapagtsikahan tayo. Pero namuti na ang mga mata ko sa kahihintay, bokya ako." "Pasensiya na, Christine. Nagpakiskis kasi ako ng palay. Meron ding malagkit. Apat na kilo ang isinama ko doon sa kaing mo. Para may magamit kayo sa Maynila. Marami pa sana akong gustong ipauwi sa iyo pero wala ka namang kasamang magbubuhat. Next time na lang." "Gano'n ba. Akala ko'y busy ka sa pag-aasikaso sa girlfriend mo. Balita ko'y pinupormahan mo raw si Alona, 'yung anak ni teacher Mercy." Tumawa nang marahan si Andrew. "Hindi totoo iyon, Tinay. Wala pa akong nililigawan. Hindi pa nga ako tapos ng pag-aaral, e, panliligaw na ang aasikasuhin ko. Saka may mahal na ako, hindi pa lang ako nakakapagpaparamdam dahil nga alangan pa ako sa kahit sinong chicks." "Totoo?" "Totoong-totoo, Tinay. Kailan ba naman ako nagsinungaling sa iyo. Never!" Itinaas pa nito ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Good reasoning, Andrew... bilisan mo naman nang kaunti. Baka wala na akong mapuwestuhan sa bus." Ilang minuto lang ay narating na nila ang bus terminal. Hindi naman kasi iyon kalayuan sa bahay ng lola niya. Agad na sumakay ng bus si Tinay pagkababa ng kalesa ni Andrew. Ito na raw kasi ang bahala sa mga dala niya. Prenteng-prente na si Tinay sa napiling upuan. Nakalagay na sa lalagyan ng bagahe ang kanyang mga dala. Sumampa uli si Andrew sa bus. "Hoy, Tinay, kinausap ko na ang kundoktor, pinsan ko 'yon, e. Ibinilin kong tulungan ka sa mga dala mo, isakay ka ng taxi pagdating sa hintuan ng bus. Wala ka nang aalalahanin pa. Sige, mag-iingat ka." "Andrew, puwede bang Christine na lang ang itawag mo sa akin. Huwag na Tinay?" Tinawanan lang siya nito at bumaba na ng bus.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
93.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
73.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook