Umiling nalang ako at kinuha na ang mga gamit ko sa kanya bago sumakay sa kart na nasa labas para maghatid sa mga estudyante na lilipat sa mga permanenteng dorm.
Lumingon nalang ako para kumaway ng paaalis na ang kart, samantalang tiningnan niya lang ako at tumango.
"Kaibigan mo si Dean?" chismosang siksik ni Reena dito sa kama ko.
Kumunot naman ang nuo dahil sa tanong niya.
"Sinong Dean?"
"Hindi mo kilala si Dean?" tanong ni Dani sabay harap sa amin at tingala ng kunti dahil sa nasa taas kaming dalawa ni Reena.
Apat na tao kasi ang kasya sa isang kwarto sa dorm dahil may dalawang double deck na kama ang bawat kwarto, may sariling cr at may isa pang kwarto para sa kusina.
"Huh" naguguluhan ko pang sagot pero nagbago ng maisip ko na si Yuno ang tumutukoy ni Reena.
"Hindi naman kami magkaibigan, siguro magkakilala lang."
"Parehas kasi kaming taga-Golden valley." dagdag ko.
"Ok." yun lang ang sagot ni Reena at nagbasa na ulit si Dani na parang walang nangyari.
Napakamot nalang ako ng batok ko ng wala sa oras.
"Anong kurso ang kinuha niyo?" tanong ni Judy na kalalabas lang ng cr.
" Wala pa, nag-iisip pa ako eh pero sana makasama ko kayo."sagot ni Dani habang nakatingin sa binabasa niya.
"Ako sure na talaga ako psychology ang kukunin ko, ikaw Freatch?" sagot ni Reena sabay tingin sakin.
"Ewan, hindi ko pa alam. Naguguluhan ako sa kukunin kong kurso."
Hindi naman kasi talaga ako sigurado, siguro kasi nakalimutan ko at gusto kunang dumeristo sa pagiging lawyer. Ang shunga pakinggan, para naman akong walang natutunan.
Siguro kukuha nalang ako ng malapit sa law.
"Basta ako English literature ang magiging major ko." sabi lang ni Judy at umupo na sa kama niya.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin at bago magtanghalian ay nagkanya-kanya na din kami dahil sa mga lakad namin.
Isang linggo ko ding iginugol ang sarili ko sa pag-iisip ng kursong kukuhanin ko at pagpasok sa shop kong saan ako nagtatrabaho. Hindi na pumupunta yung lalaki at hindi kuna na din nakita pa si judge Salvador.
Naisip kuna lang na baka nga nagkataon lang.Noong isang araw ay inilista kuna ang sarili ko sa kursong naisip ko at nakapaglipat na din ako ng gamit. Na-extend kasi ang date para sa submission ng mga freshmen kaya bago lang din ako na-admit. Hindi ko kasama si Reena sa kwarto pero parehas pa rin kami ng college, kasama ko naman sila Dani at Judy pero yung isa naming kasama ay hindi pa nagpapakita.
Ang mga dorm ay nahahati sa boys dormitory at girls dormitory na magkaharapan lang ng building at kalsada lang ang pagitan. Dito sa school may tinatawag na student place at dito lahat makatayo lahat ng dorms at nakatira lahat ng estudyante sa buong school.
Malapit nang magsimula ang pasukan, dalawang linggo nalang.
"Freatch, saan ka galing?"
Bigla naman akong napatingin sa likod ko dahil sa boses.
"Judy, ginulat mo naman ako."sabi ko sabay marahang naglakad para magsabay kami ng mga hakbang.
"Saan ka?"
"Pauwi na, ikaw? Ano yang dala mo?" tanong ko ng mapansin ang dala niyang plastic.
"Pagkain, tara bilisan na natin gutom na ako."sabi niya sabay hila sakin para mabilis kaming makarating.
Mukha ngang gutom na siya.
"Oh, Reena!"gulat na sabi ko ng makita ko si Reena sa loob ng kwarto namin, magkaharapan lang kasi kami ng kwarto.
Wala naman akong masamang ibig sabihin, nagulat lang talaga ako kasi ang akala ko ay may lakad siya.
"Judy, ang tagal mong bumili." may halong asar ang himig ng boses niya tumingin naman ako kay Judy na tumaas ang kaliwang kilay.
"Sorry madam ah, ikaw na nga tong nakikisuyo, aba at ikaw pa ang galit."sabi niya sabagay tuloy ng pumasok ay nilatag na ang mga dala niya.
"Tsk, ang tagal mo kasi gutom na ako para ka namang pagong eh." sagot pagbalik ni Reena.
Samantalang wala namang pakialam si Dani, at tinuloy na ako papasok para nagpalit ng damit.
Hindi kuna pinaki-alaman ang dalawang daga at pusa. Niyaya nila kaming kumain pero parehas din kaming umayaw ni Dani. Makalipas ng ilang minuto ay sabay silang tumahimik, muntik pa akong kilabutan dahil sabay na sabay silang tumahimik ng unang sumubo ng pagkain ay wala na akong narinig pa hanggang sa matapos silang dalawa sa pagkain.
Wow!Respect for the food itong dalawang ito.
"Anong nangyari at bigla kayong tumahimik?"tanong ko ng matapos sila at nagliligpit nalang.
"Respeto yun sa pagkain, dapat kapag kumakain ang isang tao ano man ang ginagawa ay kailangang itigil kapag nagsimula kanang sumubo."sagot ni Judy.
"Respeto yun sa nagbibigay sayo ng lakas para gawin ang lahat ng dapat mong gawin sa buong araw."seryosong sabi Reena.
Kung titingnan ay parehas silang seryoso tungkol sa pagkain, wala naman akong problema doon nagulat lang ako siguro dahil maingay ako sa hapag dahil lagi kaming nagtatalo ni papa, kabaliktaran sa kabilang dalawa.
Hayyy, I miss papa. Sana ayos lang sila.
Hindi kuna sila pinansin at diretso nang humiga, wala pa akong ganang kumain siguro ay dahil pagod ako mamaya nalang akong kakain pagkagising ko.
Nagising nalang ako sa ingay ng tatlong nag-uusap, ang lakas kasi ng tawa ni Reena pati ni Judy. Bumangon na ako at tumingin sa kanila ng masama na napansin naman kaagad ni Judy.
"He he, sorry. Maingay ba?"alanganin niyang tanong sakin pero hindi kuna siya pinansin at tumayo para pumasok sa kusina at tumingin sa kawalan ng ilang minuto bago huminga ng malalim.
Gutom na ako, kaya naman naghalungkat na ako ng pwede kung makain.
"Freatch may pagkain dito sa mesa."boses ni Dani galit sa labas ng kusina kaya kumuha nalang ako ng plato at kutsara.
Tumingin naman ako sa kanila bago umupo.
"Taga-saan pala kayo?" tanong ko sa kanila bago umupo.
"Ako, taga-dito. Diyan lang sa may Naari, sa dulo ng syudad."sagot ni Judy.
"Ako, dito mismo sa City."sagot ni Dani.
" Ako naman sa West ville." Nakangiting sabi ni Reena habang pinupunasan ang gilid ng kanyang mga labi dahil kakatapos lang kumain.
"Sa Golden Valley naman ako."
"Talaga?"halata ang gulat sa tanong ni Dani.
"Paano?"dagdag na tanong ni Judy.
Napakunot naman ang noo ko sa Jose ng pagtatanong nila.
"Ahmm, pinaki-usapan ko yung tatay ko, hindi siya pumayag noong una pero kinulit ko siya ng kinulit kaya pina-alis niya din ako."paliwanag ko sa kanila.
Tumango naman sila pero nagtataka pa din ako dahil sa reaksyon nila. Parang hindi sila kumbinsido sa paliwanag ko.
"Sandali lang mag-ccr lang ako."sabi ko sabay talikod na para pumasok sa cr.
"Tingin mo alam niya?"rinig kong tanong ni Judy bago ako pumasok sa cr.
"Impossible namang hindi."sagot naman ni Dani, pagkatapos ay sinarado kuna yung pinto.
Wala na akong narinig pa sa pag-uusap nila pagsarado ko ng cr.
Ano kaya yun?
Isinawalang bahala ko nalang yung narinig ko kanina bago ako pumasok sa cr dahil parang wala namang nangyari ng lumabas ako ng cr.
"Sino kaya yung isa nating kasama sa kwarto?"tanong ni Dani.
"Kaya nga eh, hanggang ngayon wala pa."sagot ni Judy.
Hindi na ako nagsalita at pinakinggan nalang sila habang nag-uusap at sinimulan kunang kumain.
Mabilis lang lumipas ang araw wala din akong naging problema sa pagbabantay ng shop. Ngayon ang unang araw namin sa college at sa course na pinasok ko.
"Miss, is this section ZJ-English 1?"tanong ko sa babaeng nasa harap ng isang pintuan. May nakalagay naman room number sa taas ng hamba ng pinto pero gusto ko lang maniguro.
Ayokong maligaw ng classroom sa unang araw ng pasukan.
"Oo, ZJ ka din ba?" tanong niya sakin.
Kaya tumango naman ako ng paulit-ulit.
"Sige pasok kana, wala pa naman yung professor natin." sabi niya sakin ng nakangiti. Kaya nagpasalamat na ako at pumasok.
Maingay dahil madami-dami na din ang mga estudyante sa loob.
"Hi!"
Bigla akong napatalon sa gulat dahil sa nagsalita sa gilid ko. Mabilis ko namang hinawakan ang sintido ko at minasahe. Hindi naman ako umiinom ng kape pero bakit napaka-nerbiyosin ko na tao.
Sinusuri kong mabuti ang buong klase namin kaya hindi ko napansin yung nagsalita sa tabi ko.
Dahan-dahan akong humarap sa taong nagsalita.
"Hi! Remember me?"sabi niya ng nakangiti ng malapad sakin.
What's with her smile? Masyadong mabait yung ngiti niya.
Tiningnan ko naman siyang mabuti bago sumagot ng alanganin.
"Y..eaaah?"
I think so, but no. I don't know her.
"Hindi mo ba ako natatandaan? I'm Aira. We met before when your with Reena."sabi niya sabay senyas na umusog ako ng konti para maka-upo siya.
Malapad naman ang upuan nakayang magkasya ang apat hanggang anim na tao. Parang isang hall na malaki ang buong klase, pataas ang mga upuan galing sa gitna kong saan magtuturo ang propesor sa kanan naman nito ang nag-iisang pintuan papasok.
"Yeah, right." mabilis kong sagot.
That's her, the bully kinda girl.
"So, how was your homeplace? I heard the news about a distinguish lawyer being jailed for treason... who was it again?"sabi niya habang parang nag-iisip dahil bigla niyang itinagilid ang ulo niya at tumingin sa taas matapos magsalita.
Nakatitig naman ako sa kanya.
"Right. Attorney Almodovar, that's his name if I can remember."sabi niya na tuwang-tuwa dahil naalala niya yung pangalan samantalang para naman akong bunuhusan ng isang Valdez ng tubig.
I felt that I stop breathing the moment she said my father's name. I look at her shockingly.
"What did you say?" i ask almost sounding like a whisper.
"Atty. Almodovar is the name of the lawyer. Why do you know him?" inosente niyang tanong.
"Absolutely...his my father." huling sabi ko sabay takbo na papalabas ng klase.