"Ano napagod kaba?"
"Hidi naman pero grabe, nakakamangha yung mga gawa nila." sagot ko kay Reena.
Nandito kami sa isa sa mga upuan ng college of health science para daw to sa mga gustong maging nurse, midwife tsaka yung iba pa.
Pabalik palang kami at alas-dose na, buti nalang sakto kasi Indian cuisine ang handa ng CHS edi busog, ang galing nga kasi parang around the world trip yung nagyari.
Namamangaha pa din ako sa mga pinakita nila, para kaming nag-aaround the world dahil sa mga pagkain sa bawat booth pero yung mga achievements nila, ewan nakakalula tapos puros mga minor lang yun lahat dahil lahat yung projects lang ng bawat colleges at ng school mismo para mapaganda ang quality ng teaching at ng appearance ng school mismo.
How did they do that? Ang paulit-ulit na mga salitang nababanggit ko hanggang sa matapos namin ang lahat ng mga booths at colleges.
It may just be a simple counseling for others but for me and I know few otherd would take this event as a lifetime spin turner. To make dependent decisions for our life and prove the world that we can make it through and we are born for this dream.
Napapangiti ako habang nakahiga ngayon sa kama, iniisip ko pa din ang nangyari kaninang buong araw. Tumayo ako at kumuha ng tubig na nasa may mesa at umupo sa may carpet habang nakatingin sa labas.
This view is really magical, and breathtaking.
It's a mixture of nature and human art. Kagaya ng sabi ko it's like a mini-city na makatayo sa may kabilang parte ng school at sa kalagitnaan ay ang makapal ng mga puno at halaman.
It took my hours by just looking outside and breath with ease while thinking nothing.
Nakatulog ako ng maganda kagabi kaya naman maganda ang naging gising ko ngayong umaga. Ngayon kami nakaschedule na maglilipat ng mga gamit para sa lilipatan naming dorm.
Mabilis na akong tumayo at nag-asikaso. Wala akong pasok ngayon sa part-time buti nalang dahil mahihirapan akong maglipat habang iniisip na kailangan ko pang pumasok mamaya.
Amat-amat ko nang niligpit ang mga gamit ko at sinisuguradong wala akong makakalimutang kahit na ako. Bago magtanghali ay tapos na ako, sinigurado kong malinis ang kwarto ko bago ko amat-amat na nilabas ang mga gamit ko. Nagulat pa ako ng makita ang taong kalalabas lang din ng kwarto na nasa tabi ko.
Yuno?
Anong ginagawa ng lalaking ito dito?
Sakto namang lumingon siya sa banda ko at nagkatitigan kaming dalawa pero mabilis din niyang nilipat ang paningin sa ibang lugar at pumasok na ulit.
Okay, so anong nangyari?
Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa hindi ko alam kong ano ang nangyari kani-kanina lang. Pumasok na din ako ulit at hinila ang ibang mga bagahe ko, may mga luggage cart naman na nakalagay sa tabi ng bawat kwarto ng mga estudyanteng maglilipat ng gamit ngayon.
Wala kasi yung mga bell boy para tulongan kami dahil may lalaking event ang school para sa mga bigating tao mamaya kaya nangangailangan ng staff ang dalawa pang hotel ng school kaya doon nalipat ang mga staff dito sa hotel, ayan ang paliwanag ng receptionist kanina sa baba.
Para akong malalagutan ng hinga at buhay dito sa harap ng kwarto ko habang naghihila ng mga bagahe ko para isampa sa luggage cart. Wala pang masyadong estudyante dito sa hallway pwede pa naman kasi kaming tumuloy dito hanggang sa huling araw ng linggo.
Bakit ba naman kasi ganito kahirap ang buhay?
"Do you need help?" tanong niya galing sa likod ko kaya naman bigla kong nabitawan ang bagaheng dala-dala ko.
Mabilis kong pinikit ang mga mata ko at sobrang diin na tinikom ang bibig ko.
Hu hu hu hu, mama ko po.
Ilang Segundo din akong tahimik habang nakatingin lang siya sakin na parang walang kaalam-alam sa bansang na durog ng malaking bato dahil sa galit ng diyos.
"Aray ko!Arayyy!!" para akong palakang talon ng talon dito dahil sa sakit, hindi ko kinaya.
Dahil sa ginawa ko ay bigla naman siyang naalarma.
"Anong nangyari? Bakit?" punong-puno pa ng pag-aalala niyang sabi.
Pumikit naman ako ng mariin at tinikom ang kanang kamay ko.
Freatch kunting pasensya pa dahil kung hindi baka pumandak itong lalaking nasa harapan mo at magpantay kayo ng taas.
Minulat ko ang mga mata ko at ngumiti sa kanya ng alanganin, halata pa din ang pag-aalala niya kahit na hindi alam ang nangyayari.
" Walang... hiya ka! Dahil sayo...nagulat ako... at...nalaglag yung...maleta sa maliliit at... cute kong
PAA!!!" mabagal at madiin kong sabi pero sinigaw ko sa harap ng mukha niya ang huling salita at mukhang wala lang sa kanya na galit ako dahil sa nangyari pero nagulat ako ng bigla siyang umupo at tiningnan ang mga daliri ko sa paa bago tumayo.
"Ayos naman sila ah."sobra at napaka-inosente niyang sagot.
Mabilis nalang akong pumasok sa kwarto ko habang nagmamatarchang padabog.
Naku!!! Pigilan mo ang sarili mo Freatch kasi sigurado na talaga ako kahit hanggang dibdib ka lang ng higanteng yun ay baka maging dwende siya ng wala sa oras.
Ilang minuto din akong akong naka-upo sa may sahig habang nakatingin sa labas habang hinihintay na wala ang sakit ng naipit kong maliliit na daliri sa paa lalo na yung pinakamaliit, pakiramdam ko nadurog siya.
Tumayo na ako ng maramdaman kong ayos na ang mga paa ko, para akong ewan habang sumisilip sa labas kong naroon pa siya sa paligid pero ang mas ikinagulat ko ay nang hindi kuna makita ang mga gamit ko kaya naman dali-dali kong kinuha ang bag ko sa loob ng kwarto at nilock ito bago bumaba.
Halos takbuhin ko ang reception area para tanungin ang mga gamit ko ng saktong makita ko siya sa may reception area at mukhang bell boy dahil sa dalawang luggage cart na tulak-tulak niya.
Napatigil naman ako sandali habang tiningnan siyang nakikipag-usap sa receptionist. Ilang minuto pa at lumapit na ako.
"Sorry sir, hindi po kasi kami pwedeng maglabas ng information tungkol sa mga guest namin."
"Pero ihahatid ko itong mga gamit niya sa bago niyang dorm at hindi ko alam kong saan ko ihahatid."
Ring kong usapan nila ng receptionist pero hindi pa ako lumalapit.
"Ah sir, kapatid po ba kayo ni ma'am?"tanong ng babae at umiling naman siya.
"No, we're just friends."
" I am really sorry sir, pero hindi po talaga ako pwedeng magbigay ng information tungkol kay ma'am lalo na at hindi niya kayo kamag-anak o kapamilya."
"Ah sir, ano po bang nangyari kay ma'am bakit hindi niyo po siya kasama?" tanong ng isang receptionist na nasa gilid.
"Nabagsakan ng bagahe yung paa niya kaya hindi siya makapaglakad ng maayos."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
Ano ako nabalian ng buto?
Tuluyan na akong lumapit at bumati sa mga receptionist.
"Hi! Good afternoon gusto ko sanang tanungin kong saan ako lilipat na dorm?" magalang kong tanong habang nakangiti at hindi pinapansin ang lalaking nasa tabi ko.
"Akala ko masakit yung paa mo at hindi ka makapaglakad?" inosente niyang tanong pero sinagot ko lang ng naasar kong mukha at mukhang ako lang ang naasar dahil mukhang hindi niya ata naintindihan ang ibig kung sabihin.
Hay, so much for being innocent eh?