"Patriarchal... Society?" hindi ko siguradong sagot.
Hindi ko alam kong bakit ako nagulat, baka dahil kahit sobrang hilig kong magbasa ay hindi ko pa nasasalubong ang mga salitang yun kaya para akong pinokpok ng malaking martilyo.
How ironic, it's not that I don't remember words from before it's just that I've only read limited books.
Maraming aklat si kuya pero hindi sobrang dami at kahit na sabihin may library sa school noong high school hindi naman kami pwedeng pumasok dahil sobrang higpit ng librarian at bawal kaming pumasok.
Hindi kailanman pumasok sa utak ko na patriarchal society ang tawag sa lugar namin.
Tumawa ako dahil sa mga iniisip ko, tinitingnan naman ako ni Reena na parang tinakasan na ako ng huwisyo.
"Ayos kalang ba?" tanong niya ng may pag-aalangan.
Tumigil naman akong tumawa at umayos ng ngiti bago tumango.
"Tara na, siguradong malapit ng magsimula ang counseling." Yaya ko at tumayo na.
Ayokong isipin niya na nababaliw na ako. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala, lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit ganoon ang lugar namin? Dito ko lang pala malalaman, pero mukhang kailangan ko pang magbasa tungkol sa patriarchal at matriarchal.
Ngumiti naman ako ng maluwag bago pumasok sa entrance ng event.
Mukhang marami akong matututunan sa lugar na to.
Nilibot ko ang mata ko sa paligid, malapit palang mag-eight pero marami nang tao na nakapila sa bawat booth, iba't-ibang kulay ang mga ito at may pangalan ng college ang nakalagay sa itaas ng bawat isa.
Napatanga ako sandali dahil sa paghanga halatang pinaghandaan at pinagkagastusan ang event.
Napalingon ako dahil nagsalita si Reena sa tabi ko.
"On time lagi nagsisimula ang event ng school kaya maaga pa talaga ang lahat ng gustong pumunta, sa tatlong taon kong pagpunta dito taon-taon kahit kelan ay hindi sila nahuli ng kahit isang minuto sa pagsisimula." nakangiti siya habang tinitingnan ang buong paligid.
Kahit ako ay hindi makapaniwala, sobrang lawak ng lugar, siguradong ilang hektarya ang ginamit para magawa ang ganito kalaking event.
Sobrang haba niya actually, sa entrance palang ay makikita mo ang napakalayong dulo, magkabilaan kasi ang mga tent ng bawat college at sa tabi ng bawat college ay may mga stall ng pagkain.
"Wag kang mag-alala libre ang lahat ng pagkain sa bawat both hanggat wala kapa nakakaregister sa college, ibig sabihin pwede kang kumain kahit saan sa mga both na yan." sobrang lawak ng ngiti niya habang nagsasalita at kumikinang ang parehas naming mga mata.
Alam kong mukha kaming ewan na dalawa dito pero yung salitang libre ewan ba pakiramdam ko biglang nagliwanag ang lahat kahit na maliwanag naman na talaga.
"Kaya madaming tao dito taon-taon may iba kasing outsider ang pwedeng pumasok, maganda rin ang theme ngayon dahil may mga nadagdag na palaro at bigatin ang mga prices. Hindi naman nagbabago yung rules sa pagkain, iba-iba ang cuisine sa bawat booth kaya baka magtaka ka sa pagkain ng ibang booth. "ngumiti naman ako at tumango.
Okey, let's go to business.
Hinila kuna si Reena sa pinaka-unang booth balak kong ikutin lahat ng mga college booth para malaman ang mga courses ng school habang nakikiubos ng pagkain. Pumila na kami sa pinaka-unang booth halatang excited ang karamihan, siguro mga first year din kagaya namin may iba namang halatang pagkain lang yung iniisip kagaya ko.
Malayo kami sa start ng pila mga sampung dipa pero ayos lang basta matapos namin lahat, masayang experience din kasi to sayang lang nga at ako lang siguradong matutuwa si Dorothy dito, lalo na si Thea at Jadied.
Bigla naman akong nalungkot sa naisip ko, kumusta na kaya sila? Sana makasagot na sila sa sulat na pinadala ko.
"Ayos kalang ba? Bakit parang nalungkot ka ata?" lumingon kay Reena dahil sa tanong niya.
"Wala, naiisip kulang yung mga kaibigan ko siguradong matutuwa sila dito lalo na yung isa kong kaibigan."
"Ayos lang yun siguradong magkikita naman kayo ulit." ngumiti nalang ako ng pilit para naman hindi mag-alala si Reena bago tumingin sa harap.
10,9,8,7
I silently count as I look at the watch from the entrance, actually halos lahat nakatingin sa orasan na nasa entrance, ang tahimik pero halata namang lahat nagbibilang sa bawat patak ng mali it na kamay ng orasan pero walang nagsasalita.
4,3,2,1
"I FORMALLY ANNOUNCE THE OPENING OF COUNSELING DAY. Enjoy everyone."sabi ng lalaking nasa gitna at umalis na.
Yun lang?
"Yun na yun?" tanong ko kay Reena hindi kasi ako makapaniwala akala ko pa naman aabot ng ilang minuto yung speech tapos may pa confetti o kong ano-ano pa.
Tumawa naman si Reena sa reaksyon ko at nagsalita.
"Ganito talaga dito, hindi uso ang mga mahabang speech hindi din naman daw kasi makikinig ang mga estudyante kaya wala ring silbi at tama naman sila, nakakatamad kaya makinig ng boring na speech tapos puro lang pasasalamat sa kung sino." tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
Naglakad na kami palapit sa mesa, mabilis lang nabawasan ang linya siguro dahil madaming counselor agad.
"Hi, magandang umaga. Ano po ang gusto niyong meryenda? Meron po kami buko juice, maruya, bananacue, pansit, at biko." napatingin naman ako kay ate.
Wow, ang astig pala dito.
"Buko juice, tsaka pancit lang sakin."
"Sige po, ibibigay ko po sa inyo makalipas ang ilang minuto salamat." ngumiti siya bago umalis.
Nilibot ko naman ang paningin ko, may mga tao na din sa ibang booth pero mas marami dito sa booth na nililinyahan namin, siguro yung mga nakapila sa ibang booth yun talaga yung mga college na gusto nila o baka ayaw lang nilang makipila dito sa pila namin dahil mahaba, katulad ng mga nagtatanong sa amin ng gusto naming pagkain meron na rin sa ibang booth, grabe ang astig naman.
Napatingin ako sa harapan isang salang pa at kami na. May nakalagay na 5 minutes lang ang bawat counseling at may binibigay na papel bago pumasok, hindi pa naman mainit kaya pa ang araw siguro mamaya ng alas-onse at siguradong mainit na.
"Filipino meryenda ang theme ngayon ng COE." nakangiting sabi ni Reena.
"COE?" tanong ko.
"COE, college ng mga gwapong engineer. Ang alam mo karamihan talaga ng mga taga-dito magaganda at gwapo ewan ba."
"Paano mo naman nasabi?"
"Basta kapag admitted na tayo sa course na gusto natin, maglibot tayo ulit at sinabi ko sayo. Mga gwapo talaga yung mga lalaki dito." tumango naman ako, wala naman kasi akong alam sa lugar na ito.
"Hi! Are you nervous?" tanong sakin ng lalaking nasa harapan ko.
Gwapo nga. Simple lang siya pero malinis tingnan pati yung glasses na sout niya.
Mukhang siya yung magiging counselor ko.
"Ahh, opo."
"Nakalibot kana ba sa school?"
"Opo."
"Good, don't worry hindi kita pipilitin dito sa college namin dahil baka mabored ka sa dami ng course ng school na to."sabi ni kuya sabay tawa,alanganin naman akong ngumiti.
"Anyway, dahil nakita muna yung ibang parte ng school...
let's just say US engineers do that." napatingin ako sa kanya at bahagya pang lumaki ang mga mata ko.
Wow! Seryoso?
Wala akong masabi sa mga building na ginawa nila, yung examination hall pa nga lang halos malaglag yung panga ko sa sobrang ganda ng design.
"Lahat ng buildings na nandito ay naisip at ginawa ng mga estudyanteng gumraduate last year. Simula sa design ng mga architect, mga civil engineers, light circuits from electrical engineers, say it. Kami ang gumawa noon."sabi niya habang binubuksan ang isang photobook at pinapakita ang mga naging design ng mga buildings.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, grabe parang gusto kong maging engineer tapos gagawa din ako ng mga ganitong building.
"Interesado kana ba? "nakangiti niyang tanong at sinarado na ang photobook, parang gusto ko pang manghinayang dahil mukhang marami pangpicture sa ilalim.
Ngumiti naman ako sabay tango.
"Can you write your name? "sabi nito at binigyan ako ng lapis.
Sinulatan ko naman yung papel na binigay samin, yun kasi yung sabi ng nagbigay kanina para daw pagsulatan ng pangalan ang purpose ng papel na yun.
Binigay ko naman sa kanya yung papel habang nakangiti, nag-aanticipate talaga ako kung ano pa yung ipapakita niya.
"That's it."
"Hah? Yun lang?" hindi makapaniwalang tanong ko pero tumawa lang siya at inayos ang salamin niya
Hindi niya ba ako kukumbinsehin na maganda yung college nila at may future na trabaho ako pagnakagraduate ako?
Diba yun naman yung ginagawa sa counseling?
"Yun lang yun...
I'm sorry to disappoint you pero hindi kami nang hihila ng estudyante, walang kahit anong college dito ang gagawin yun."
"Kung ang iniisip mong counseling ay sasabihin ko kung ano ang magiging future mo kapag sa engineering ang kinuha mong course, I'm sorry but we don't do that."
"Hindi kami ang gumagawa ng kinabukasan ng mga estudyante, tumutulong lang kami at ang kaya lang naming gawin ay ipakita kung ano ang pwede mong magawa kapag dito ka gumraduate kapag itong course ang kinuha mo." mahaba niyang sabi na naintindihan ko naman.
"Remember miss, we don't make your future...
because YOU are the one choosing that dream, we're just helping you to achieve that dream by honing you to be the best version of yourselves."
"Yun din ang dahilan kaya ginagawa namin itong counseling, to boast kong paano namin nahahasa ang kakayahan ng mga estudyante namin hanggang sa makagraduate sila."
Nakatingin lang ako sa kanya, pumapasok naman ang mga sinasabi niya pero parang loading pa din yung utak.
Yumuko na ako at nagpasalamat makalipas ang ilang minuto, hindi na din kasi nagsalita si kuya siguro naisip niya nagloloading pa ang utak ko sa mga sinasabi niya.
"Sige po, salamat sa payo." sabi ko at tumayo na.
"Okey, bye."sabi niya at winagayway pa yung papel na sinulatan ko ng pangalan ko.
Lumabas na ako sa tent at hinanap si Reena.
" Oh ayos kalang? "tanong niya sakin ng makalapit ako sa kanya, naka-upo kasi siya sa isa sa mga upuan sa tabi ng COE booth.
Tumango naman ako.
" Oo pero...
"Pero?"
"Pero siguro iba lang yung iniexpect kung counseling." nagdadalawang isip kong sabi.
"Ah, yun ba? Oo iba nga dito, marami na din akong counseling na napuntahan pero iba talaga dito para lang silang nagsasayang nang pera para maipagyabang yung mga estudyanteng gumraduate dito na naging prominenting mga tao na ngayon. Pero ayos lang marami kasing nagsasabi na basagan naman daw kasi ng ulo kapag nagsimula na ang pasukan, kaya dapat ma-enjoy natin to ngayon. "
" Ganun ba? "
"Uhmm. Tara na, sa ibang booth naman tayo. Sure ako hindi mawawala yung nganga mo sa mga maliliit na achievements na ipapakita nila." nakangiting sabi niya at hinila na ako para pumila sa ibang college.
Maliit pa pala yung mga nakita ko kanina.
"C-SPEAR?" basa ko sa mga letrang nasa harap ng tent.
"Hindi, cspear ang basa jan silent c. Para sa college of Sports, Physical Education and Recreation." proud na sabi ni Reena.
"Bakit parang proud ka ata?" nagtataka kong tanong, sobra kasi ang ngiti niya habang nakatingin sa mga letra.
"Wala naman, dito din kasi gumraduate yung kuya ko at ito yung college na pinili niya. Alam mo ba walang talent sumayaw, kumanta at maglaro yung kuya ko?"
"Nerd yun, matalino pero walang physical at social life pero noong nag-graduate siya para siyang ibang tao. Yung kuya ko nang umalis samin halos walang kibo pero noong bumalik akala mo artista, naging kaibigan ng buong barangay." sabay tawa niya.
"Kaya nga gusto kong gumraduate dito kasi malaki yung tiwala ko na matutulungan nila ako para maging magaling sa gusto kong pangarap."
"Hindi ba dapat sarili mo yung pinupursuge mo?"tanong ko,hindi kasi ako naniniwala na nakakatulong yung school sa pagiging magaling ng estudyante, kasi halos wala naman akong natutunan noong high school maliban sa mga sobrang practikal na bagay.
"Ano kaba? Para sa mga hindi magagaling na estudyante at tamad na kagaya ko, mas okey yung may inspiration at kunting push para naman sipagin at isa yun sa responsibilidad ng school or yung mga teacher. Kaya importante kung yung school na pinapasukan mo talagang fucos sa studies kasi kahit papaano mahihila ka din nila. "
"Tsaka isa pa college na tayo, dapat pumili tayo ng course na gustong-gusto natin yun bang nakita natin yung sarili nating ganito o ganyan sa future." sabi niya at hinila na ako papasok ng booth.
Kami na pala.