Chapter 17

2442 Words
Kinabukasan maaga pa akong lumabas para maghanap ng part-time job. Pero hindi ako makapagfucos, bakit ngayon lang ulit lumapit sakin si judge? Ano ba talaga ang sekreto ng totoo kong pamilya? At- ahh ewan ang gulo. Napakamot naman ako sa ulo ko ng wala sa oras. "Miss-- Miss? Miss?" "Hah?" nagtataka kong tanong kay kuya. "Ahh, ano nga pong sabi niyo?" "Kanina pa kita tinatawag, kung hindi mo kayang magfucos hahanap na lang ako ng iba." inis na sabi nito sakin. "Naku hindi po, pasensya na po talaga." hingi ko ng tawad, hindi pwedeng hindi ako matanggap ang hirap maghanap ng part-time job kanina pa din ako nagtatanong-tanong. "Oh siya, magsimula ka sa sabado at doon ko ipapaliwanag sayo ang mga gagawin dahil may lakd ako ngayon." sabi lang nito at pina-alis na ako. Nakangiti naman ako habang naglalakad pabalik. "Nakangiti ka ata? Narealize muna ba na ang gwapo ko?" Napalingon naman ako sa nagsalita sa likod. Nataas nalang ang kilay ko ng makita siya. Paano kaya naligaw ang lalaking to dito? "Anong ginagawa mo dito?" "Bakit bawal naba ako dito?" sabay nitong lakad sakin. Napatingin naman ako sa kanya sabay iling. "Alam mo minsan pakiramdam ko prompt mo lang ang pagsasabing businessman ka?" "Bakit naman? Tsaka hindi ba halata?" sabay ikot pa niya sa harap ko at inayos ang necktie at coat. "Bakit halata ba?" pabalang kong tanong. "You know I'm a businessman because your my business." sabay pakita niya ng kompletong mga ngipin at kindat. Napapikit naman ako sa sinabi at ginawa niya sabay iling. "Okey ka lang? Hindi kinulang sa butones yang suot mo?" sabi ko lang sabay tapik sa balikat niya at nauna ng maglakad. Grabe hindi ko alam na may mga taong kapag nakukulangan ng sikat ng araw nagiging alien. Napangiti nalang ako at pumasok na ng gate ng school nang hindi pinapansin ang tawag niya sa akin, kumaway na lang din ako habang nakatalikod. Napahinto lang ako ng makita siyang naglalakad palabas. He looks serious like the usual, wala siyang paki-alam sa mundo kahit na karamihan ng babae sa paligid ay nakatingin sa kanya. I suddenly hold my breath and become nervous as our eyes met. I then shrug my head and start walking. What am I thinking? Mabilis na akong naglakad para makauwi, I just stop midway ng maisip ko kung bakit ako naglalakad. Shit, bakit hindi ako sumakay sa cart? Ano bang katanggahan to? Para akong tanggang bumabalik sa gate para makisakay sa cart, ang layo ng hotel kaya dapat lang na sumakay ako. Pero hindi ko alam kong anong iniisip ko at naglakad ako, para talaga akong baliw minsan. Ang layo kuna pa naman. "Sakay na." I look at my side as I see Jared widely smiling at me. I arch my eyebrow on him. What is he thinking? "Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" nagtataka kong tanong. "Hindi naman ako magnanakaw para hindi ako pwedeng pumasok dito. Kung makapagtanong ka naman, I'm harmless." Umiling nalang ako at sumakay na. "Tara na, may gagawin pa ako." "Hindi mo ba ako papapasukin?" he ask as we set foot in front of the hotel. "No, I'm busy bye." sabay talikod kuna sa kanya. I started my part-time job earlier this Saturday, mabait naman pala yung may-ari. Pwede akong kumuha ng pagkain sa mga nasa stand basta yung mga malalapit maexpire lang kaya alam kong makakatipid ako. I haven't heard a letter from Thea siguro matagal bago makarating yung sulat, nagpadala din ako sa bahay at kay Dorothy. It's been a week, Monday ngayon kinakabahan ako baka kasi hindi ako pumasa mahihirapan akong maghanap ng bagong school. Nagpunta na ako sa hall kong saan kami nag-exam, doon daw kasi magpopost ng announcement para sa mga pumasa. Tumigil muna ako sa may tabi ng pinto at huminga ng napakalalim, kinakabahan ako at parang ano mang oras mapapasugod ako sa banyo. Ilang beses na lunok din ang ginawa ko kasabay ng malalalim na hugot ng hininga. Kaya ko to dapat kayanin ko. Self sure naman tayo na pumasa ka, hindi ka matalino pero hindi ka din bobo siguro naman... please make it,make it. Dumilat ako at ama't-amat na lumapit sa bulletin board na nasa may gilid ng hagdan. Parang may hila-hilang bato ang dalawang paa ko sa bagal nitong paghakbang. Maraming sumisilip sa pangalan nila pero parang hindi ko pa yata kayang makita yung pangalan ko na may nakalagay ng failed. "Wow, siya pala yung top 1 ang galing niya naman." "Sino?" " Yung gwapong lalaki sa VC1 nakaraan Visconde! " "Grabe perfect niya yung exam." Grabe ang talino pala ng lalaking yun. Tumingin naman ako sa paligid madaming tao, siguro yung mga nag-exam din kagaya ko. May mga nagchichismisan, may mga malungkot at masasayang mukha na galing sa loob ng kumpulan. Hintayin ko nalang sigurong mabawasan at kumunti yung tao, sa payat at liit kong to siguradong durog ako bago makalabas. Bawat minutong lumilipas na naghihintay ako sa likod ay mas lumalakas ang t***k ng dibdib ko, marami na kasing umiyak ang lumabas galing sa kumpulan meron pa ngang hinimatay. Hindi siguro kinaya yung resulta. Ilang minuto pa at nabawasan na ang tao, yung mga nagchichismisan sa tabi ay umalis na at may mga bago na namang pumalit. Lumapit na ako ng mapansin na iilan nalang ang natitira at mukhang nakiki-usyuso nalang. 1. Yuno Dean Visconde 100 2.Mark Jean Alilay 96 3.Marrean Andrade 94 . . . . . . 24. Freatch Almodavar 90 Amat-amat na lumapad ang mga labi ko at mabilis na akong umalis sa bulletin board. Dala ko ang magandang balita para sa sarili ko, hindi na nawala ang ngiti ko hanggang sa makabalik ako sa hotel. Hindi ako makapaniwala na pumasa ako pero grabe ang tuwa ko, pakiramdam ko walang makakasira ng mga ngiting nakalagay sa labi ko. Ang saya, SOBRANG saya ko. Wala akong ibang iniisip habang naka-upo sa isa sa mga bench ng park dito sa loob ng school, pinapanoud ko lang ang paglubog ng araw habang nakangiti ng sobra. Tinitingnan ko ang mga dumadaan karamihan mag-isa lang, may iilan na magkasintahan at mga grupo. Hindi ko alam kong paano ko nasasayang ang oras ko sa paghintay na lumubog ang araw at walang iniisip na kahit ano, hindi kasi ako pwedeng magcelebrate at bumili ng pagkain dahil siguradong mashoshort ako sa allowance kaya tipid-tipid muna ako, siguro sa susunod nalang. Tumayo na ako ng makitang isa-isa nang umiilaw ang mga poste dito sa park, it gives me a different vibe nasa bawat habang mo pauwi ay sumasabay ang ilaw ng mga poste. Parang sinasabing hindi ka nila iiwan kapag nawala na ang liwanag ng araw. It like give a message na makakauwi ka ng ligtas kasama ako. Tahimik at payapa akong naka-uwi hanggang sa makatulog ako. I start my day fixing myself, may pasok ako sa trabaho pero plano kong mag-ikot sa ibang parts ng school mamaya pagkatapos ng shift ko. Gusto ko din kasing magamay ang school baka bigla akong mawala o di kaya malate ako. By next week registration na para sa mga pumasa at hindi ko pa alam kong ano ang pipiliin kong undergrad course sabagay may counseling naman sa sabado at linggo siguro pupuntahan ko nalang para naman makapili ng magandang course na pwede kong magamit kapag naglaw na ako. Masyado na kasing maraming nagpopolsci, ang alam ko namang pwedeng pumasok sa law kahit anong course basta masipag at kayang mag-aral ng husto. "Magkanu lahat?" napaangat ako ng ulo ng marinig ang boses. Mabilis ko namang sinarado ang librong binabasa ko at tinabi. "That would be 300."sabi ko matapos kong ipunch lahat ng binili niya at pinlastik. "That's a good book by the way." sabay kuha ng pinamili niya at lumabas. That's weird, his weird. Umupo nalang ako ulit at nagbasa. I waste the day by just reading Mindset by Carol Dweck nirecommend kasi sakin ng librarian, marami naman siyang nirekomenda pero ito nalang muna siguro sa ngayon. Maybe I'll go to psychology? Pero mukhang maganda naman lahat ng course. Nagpaalam ako sa may-ari na aattend ako ng counseling bago ako umalis, martes palang naman ngayon pero mahirap na baka hindi siya pumayag kaya inagahan kuna at baka maghanap din siya muna ng kapalit ko pansamantala. Just like the other day ganun ko din pinalipas ang maghapon ko habang nagbabantay ng tindahan, tatayo lang ako kapag kakain na at babalik din sa upuan ko pagkatapos. Halos araw-araw ding bumibili yung lalaki at lagi niya ding sinasabing maganda yung librong binabasa ko, hindi naman ako sumasagot ng kahit ano. Ewan ba parang mas lalo kasi siyang nagiging weird eh. Hindi ko din nakasalubong si Jared mukhang busy ang businessman kuno, eh hindi naman halata mas mukha pa kasing conman yung lalaking yun. "Hi!" napatingin ako sa babaeng nasa harap ko at kagaya ng lagi tiniklop ko ang aklat na binabasa ko at tinabi bago tumayo at ipinunch ang mga binili niya. "Ahmm, pupunta kaba sa counseling bukas?" tinitigan ko naman siya sa tanong niya. Hindi ko alam para kasing nakita kuna na siya dati pero hindi kulang maalala. "Oo." alanganin kong sagot sa kanya habang binabalot ang mga binili niya. "153 lahat." nilabas niya naman ang wallet niya at ibibigay ang 200 sa akin. "Hm, pwede bang sabay na tayo?" tiningnan ko na naman siya ng maigi. She's weird like weird, weird. "Ako nga pala si Reena,magkatabi tayo noong entrance exam." sabay taas ng dalawa ng kilay niya na parang sinabing... Diba? Alalahanin mo,ako yun. Inilihis ko ang tingin ko sa kanya at inilala kong sino ang katabi ko noong exam. Ahh, siya yung nanghiram ng pen. " Oo, naaalala ko. "sabi ko lang at ibibigay na ang sukli niya, napalingon naman kami ng tumunog ang chime na nasa may pintuan ng tindahan. Dire-diretsong pumasok yung weird na lalaki at pumunta sa likod na stand,saulado kuna ang bibilhan niya hindi naman kasi nagbabago tuwing bumibili siya dito. "So, are you done reading?" nagtaka naman ako sa tanong niya. "The book." dagdag niya sabay turo pa ng libro na nasa likod ko. "Ahh, oo maganda." sagot ko at tumango lang siya. Binigay kuna ang binili niya at binigay niya naman sakin yung bayad at tuloy ng umalis. Uupo na sana ako ng may biglang nagsalita. "Magkakilala kayo ni sir Jeffrey?" napatingin naman ako sa kanya sa gulat. "Nandito ka pa?" takang tanong ko sa kanya. Dapat kasi kanina pa siya naka-alis, mukha rin siyang ewan dahil sa paghawak niya ng plastik. Parang yung mga bata na nakakita ng crush nila, kapit na kapit sa plastik at nasa ilalim ng baba ang mga kamay habang nagkukumikinang ang mga mata na parang nakakita ng ginto. Umiling nalang ako. "Pasensya na, pero paano kayo nagkakilala ni sir?" sabi niya at lumapit pa sa counter malapit sa mukha ko kaya naman napaatras ako ng kunti. Okey, she's definitely weird, weirder than the guy. "Ahh, hindi?" "Hindi ka sigurado?" "Hindi... Hindi ko siya kilala bumibili lang siya dito."tumango naman siya sa sagot ko, grabe may crush ba siya sa lalaking yun. "Basta sabay tayo sa counseling bukas ah, counselor si sir kaya baka maka-usap din natin siya." sabi niya habang nakangiti ng todo kaya tumango nalang ako ng alanganin mahirap na. "Magkita tayo dito bukas mga 7 dito kita susunduin." tumango ulit ako at tumalikod na siya. Umiling nalang ako dahil parang ang weird talaga. Bago ako umalis ay nagsabi ulit ako sa may-ari na may gagawin akong activity sa school bukas dahil baka nakalimutan niya at mapagalitan ako sa susunod na araw, may nahanap naman daw siyang kapalit ko kaya ayos na. Maaga akong umalis ng hotel dahil baka mas maaga sakin yung babae kahapon at magalit. Tama nga ako ng hinala dahil lampas 6 palang naman at 8 pa ang simula ng program, mukhang excited din siya dahil kanina pa siya nagkukwento tungkol doon sa teacher na laging bumibili sa tindahan. "Nandito ka din pala Reena, umaasa ka talaga na makaka-usap mo si sir Jeffrey?" tanong ng babaeng kararating lang. Naglakad-lakad pa muna kasi kami dahil nga masyado pang maaga at talagang malamig pa, hindi pa din sumisikat ng husto ang araw dahil sumisilip palang ito pero ayos lang naman dahil marami-rami din naman ang mga taong nasasalubong namin at may mga nagjojogging. Hindi kulang alam kong paano nila natatagalan yung lamig. Sabi ni Reena ganito daw talaga tuwing umaga dito may makapal na fog, makulimlim at parang may makapal na hamog nawawala naman daw kapag sumikat na ang araw kaya laging basa ang kalsada kapag alas-syete na. Minsan daw sobrang kapal nang halos na hindi mo makita ang kaharap mo kahit na isang dangkal lang ang layo niyo, minsan naman daw ganito lang tama lang na makita mo yung makakasalubongan mo ng mga sampung dipa. Hindi ko alam yun dahil alas-syete na akong gumigising sobrang lamig kasi talaga, hindi ko din naman iniisip na silipin ang labas ng ganitong oras ang sarap kasi mamaluktot kapag malamig. "Well goodluck, sayang naman kasi ang taon-taon mong pagpunta dito at pagpapanggap ng freshmen student kong hindi mo magiging counselor si sir." sabi nito at dumiretso na sa may unahang bench. "Sino yun?" tanong ko kay Reena, halata namang nalungkot siya dahil sa sinabi ng babae. "Si Aira, taga-West ville kami pati ng mga kasama niya. Pasensya kana ganyan kasi talaga samin." nawawala ng gana niyang sabi. "Pero... diba dapat icheer ka niya? Eh parehas kaya kayong babae sino pang magtutulungan kong hindi tayo-tayo." pangpalakas-loob kong sabi. Tiningnan niya naman akong maigi na para akong prutas na nagsasalita. "Bakit may nagsabi ba ako?" "Wala, taga-saan ka pala?" "Golden valley." tumango naman siya ng paulit-ulit. "Kaya pala." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong kaya pala?" "Ahh, kasi taga-Golden valley ka at tag-West ville naman kami." Napaisip naman ako sa sinabi niya, actually ngayon kulang narinig yung lugar nila. "Anong meron doon?" curious kong tanong. "West Ville is a matriarchal society ibig sabihin babae ang namumuno at nagpapalakad sa halos lahat ng bagay sa West ville dahil lalaki ang nasa bahay, halos lahat din ng batas ay pabor para sa mga babae at ang Golden Valley ay..."putol niya sa sinasabi na parang dapat alam kuna ang sagot dahil taga-doon ako. "Pat...riarchal so...ciety?"hindi ko pa siguradong sagot pero ngumiti na siya at tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD