"Manang saan po kayo pupunta?" tanong ko ng makababa ako sa kusina.
"Sa palengke, bakit may ipabibili kaba?"
"Wala po, pero gusto ko po sanang sumama kung pwede."
"Abay oo naman."
Ngumiti naman ako sa sagot niya at sabay na kaming lumabas ng bahay. Masyado pangmaaga kaya tulog pa ang mga tao sa bahay lalo na sila tita.
"Ano ba ang ipupunta mo sa palengke? Hindi ba at marami kang ginagawa?" tanong ni manang habang naglalakad kami, malapit lang naman at maaga pa.
"Hindi naman po masyado, tsaka hindi po talaga ako nagrereview kapag malapit na malapit na ang exam."
"Oo nga pala, kailan ba ang pagsusulit mo para makapasok sa kolehiyo?"
Napapangiti na lang talaga ako minsan sa lalim ng mga tagalog ni manang pero may ibang English din naman siyang alam.
"Manang bakit po ang lalim ng mga tagalog niyo, minsan po hindi kuna naiintindihan."
"Nakasanayan kuna ito, atsaka hindi naman ako nakapag-aral para matutunan ang ibang mga bagay na tinuturo sa paaralan."
Napatingin ako kay manang, wala siyang pamilya dahil pinili niya na daw at hindi din siya nakapag-aral dahil hindi kaya ng pamilya nila, kaya kahit elementary ay hindi siya nakapasok.
"Sa tingin niyo manang ano yung importance ng education?" I curiously ask.
"Anong im-im ano nga yun?"
"Importance po, yung kahalagahan ng edukasyun."
"Alam mo Freatch para sa mga kagaya ko isa yang pangarap...
Pangarap na mahirap abutin, kasabay ay susi din para sa maayos at marangyang bukas at higit sa lahat ay proteksyon para sa mga gustong tapakan kami at tanggalan ng karapatan lalo na ako dahil babae ako kagaya mo."
"Sa mundong ito mas wala akong karapatan dahil mahirap lang ako at babae, kung titingnan mo walang mayaman na abogado ang tumutulong sa aming mahihirap sa korte kaya malaki ang possibilidad na matatalo kami sa kaso at kawawa ang pamilya namin dahil para sa kanila hindi kami importante."
Malungkot naman akong tumingin kay manang, namumula ang mga mata niya pero walang luha ang bumabagsak.
"Kaya sana hindi ka gumaya sa papa mo, hindi ko naman siya sinisiraan sayo pero sana magkaroon ka ng puso na ipaglaban kaming mahihirap at naapi kasi wala kaming laban sa mga malalaking tao kung hindi ang kagaya mo."
Napapunas naman ako sa tumulong luha sa kanang pisnge ko. Hinarap ko naman si manang at hinawakan ang parehas niyang mga kamay.
Tumingin ako sa mga mata niya bago nagsalita.
"Manang hindi po ako nangangako pero gagawin ko po ang lahat para makapagtapos at makatulong sa inyo." sabay pisil ko sa mga kamay niya.
Ngumiti siya sakin ng napakatamis at niyakap ako kaya gumanti naman ako pabalik ng mas mahigpit na yakap.
"Salamat,salamat."
"Wag po kayong mag-alala kapag graduate na po ako hinding-hindi ko po kayo kakalimutan dahil isa kayo sa mga nag-alaga sakin simula pagkabata."
Kumalas na ako ng yakap sa kanya at sabay na kaming naglakad.
"Magandang umaga po." sabi ng lalaking boses na galing sa likuran.
Nagtuloy naman ako pero huminto si manang kaya napalingon din ako at bumalik.
"Abay ikaw pala yan hijo, kumusta kana?" halata sa boses ni manang ang pagkawili sa lalaking nasa harapan niya.
"Ayos lang po, kayo po?"
"Abay ayos lang din."
Nakatingin lang ako sa kanila at tumitingin, mukha namang hindi masamang tao ang kausap ni manang.
"Ah, nga pala ito yung alaga ko. Siya din yung hinatid mo nakaraan sa bahay, naku maraming salamat talaga."
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi ni manang dahil wala akong matandaan na may lalaking naghatid sakin sa bahay at lalong hindi ko kilala ang mukha niya kung sakali man.
"Manang maybe your mistaken po, hindi ko po siya kilala." sabi ko sabay hawak sa braso ni manang, nakakahiya kasi sa tao.
Tumawa namang ang matandang babae kasama ng lalaki sa harap, para silang may pinagtatawanan na hindi ko alam.
Maybe something happen that I don't remember...right! Pero ano yun?
"Hindi mo ba siya maalala Freatch?" tanong sakin ni manang pero nasa labi pa rin ang mga ngiti.
Umiling naman ako, dahil wala talaga akong maalala.
Tumingin din ako sa lalaki, pero kahit anong isip ang gawin ko at wala akong maalala.
"Noong hinimatay ka, hindi mo ba siya nakita?"
Umiling ulit ako.
"Siya yung naghatid sayo sa bahay, buti nga at hindi din siya nagkasakit dahil mabigat ka at malayo-layo yung bahay natin."
Sumimangot naman ako sa sinabi ni manang.
"Mabigat talaga manang?"
"By the way salamat pala, hindi kuna din kasi naisip na baka may naghatid sakin akala ko mga kaibigan ko." hingi ko ng salamat.
"Pasensya na din kung nabigatan ka sakin. Nga pala Freatch." pakilala ko sabay lahat ng kamay.
"Yuno." maiksing sabi niya lang at abot din ng kamay sabay bawi kaagad.
"Tara na manang." yaya ko at nagpaalam na kami sa lalaki.
"Napakagwapong binata ano? siya pala yung anak ng bagong abogado dito satin."
"Talaga po? Kaya pala hindi ko siya namumukhaan kasi hindi siya taga-dito."
Tumango naman si manang at pinutol na namin ang usapan namin tungkol sa lalaki dahil pumasok na kami sa b****a ng palengke.
Matagal-tagal din nakipagtawaran si manang sa loob habang nakatingin naman ako sa mga bagay-bagay na tinitinda.
Hindi ito ang unang beses kong pagpasok sa palengke, because I tend to tag along with my mother before when she goes to the market.
"Oh wala kaba talagang bibilhin?" tanong ulit ni manang ng pauwi na kami,kaya umiling lang ako habang nakangisi.
I just really want to have a fresh mind this day that's why I tag along with manang, it has been so painful, so stressful in short a lot of things happen and I don't want to see myself, walking and talking alone while presenting different emotions in the street.
Next week is my entrance exam on college and I'll be taking bachelor of economics though I know most lawyers would took bs political science, I want to take a different route, just a small difference.
I look at the furnitures of the tree house, I went here an hour ago just to chill on things.
This place is my safe heaven, comfort place, therapy place, kaya gusto kong masaulo ang maliliit na detalye ng bahay na ito.
Sa kabilang bayan kasi yung college dahil wala dito kaya baka kailanganin kong lumipat at magboard malapit doon para hindi ako mahirapan.
I look at the door as it open and Thea walk in. She looks down and was taken back as she sees me.
"Bakit?" nag-aalala kong tanong.
She sigh and took a deep breath.
"I don't know, I just can't figure sometimes why life resembles a roller coaster." she said and sit on the counter close to the window.
Napataas naman ang kilay ko dahil hindi ko masyadong magets yung sinasabi niya.
"Nabalitaan muna ba yung bagong pamilya ng lawyer? Ang gwapo noong anak nilang lalaki no, ano ngang pangalan noon?" she said diverting the topic, wala naman akong magawa kundi ang sakyan siya.
"Sino daw?"
"Basta Visconde daw yung apelyido, at magaling daw na abogado yung tatay, baka makalaban ni tito sa korte."
Napalingon naman kaming pareho ng pumasok si Dorothy at laylay ang balikat, mukhang problemado din.
"Anong problema niyo?" I look both of them in the eyes.
Napasandig si Thea sa headrest ng upuan niya at tumingala.
A tear escape from her eyes.
"Aalis na kami dito, babalik na kami sa Candawaga."she said and face us with a sad smile.
"Pero ayaw kong umalis."
Humugot ako ng malalim na hininga.
"Ikaw?" I ask ang look at Dorothy.
"Kailangan kong huminto sa pag-aaral, tumigil na kasing magpadala ng pera si papa at hindi na ako kayang ipag-aral ni mama, kaya kailangan naming umuwi sa lolo at lola ko." malungkot niyang paliwanag.
"Will that give you the assurance na makapag-aral pa?" I ask hoping.
Tumango naman siya.
I look at Thea who's crying, mukha siyang uhuging bata kahit matanda na.
"Wag kang mag-alala, ganito na lang basta makakapagtapos tayo ng pag-aaral okey lang sakin kahit magkakahiwalay tayo, sulatan lang natin ang isa't-isa."
"Yun naman yung goal natin diba yung makapagtapos, tsaka siguradong magkikita at magkikita din tayo sa future."
Cheer ko sa kanila ng dalawa.
"Let's just promise after 8 years we will meet again, in this place, this tree house, this time, this date 8 years later."
"Okey ba? Promise? " I ask them while smiling so widely and laid my hand
Nalulungkot ako pero ayaw kong ipakita dahil kahit ako nabibigatan din sa paghihiwalay naming tatlo, they are like my sisters by blood, hindi man kami tunay na magkakapatid pero pamilya ang turingan namin sa isat-isa. And for me they are a big part of who I am and what will I become I the future.
Tumango naman sila sakin, habang napupunas ng luha.
"Promise."
"Promise."
And also lay their hands.
"Para sa future engineer, future teacher at future lawyer ng Golden Valley." I shouted.
"Para sa Golden Valley!"
We look at each other and smile.
"Kelan alis niyo?"
"Next week pa." Dorothy answered.
"Sa Wednesday." Thea said.
"Let's just make it special and worth while, total sa friday pa ang exam ko let's meet here everyday 1 in the afternoon and do some stuffs just like old times." I suggested and they both agree.
"Maligo din tayo ng Malambunga, namimiss kunang maligo eh."
"Umamin kana kasi Thea hindi ka naman naliligo eh." asar ko.
Nginusuan niya naman ako, kaya tumawa lang kami ni Dorothy.
"Ah basta, hindi talaga kita ihahire na lawyer ang pangit ng ugali mo." sabi niya sabay irap.
"Wag kang mag-alala hindi din kita tatanggapin." bawi ko din sa kanya.
"Ang pangit mo." she fired again.
Ito yung bagay na lagi niyang sinasabi sakin pero hindi ako nagsasawang sagutin siya ng parehas na mga sagot. It's my most memorable moments with her.
"Pangit ka din."
"Ikaw yung pinakapangit sa buong galaxy ng milky way."
"Ikaw yung pinakapangit sa buong universe, period walang kasunod tapon susi sa hell."
Tumahimik naman siya kagaya ng nakasanayan habang masama pa din ang loob. Deep inside it feels warm and at the same time it hurts.
Dito napaninindigan ng buhay ang katagang 'nothing is permanent' dahil sa dalawang paraan, ikaw ang iiwan o ikaw ang mang-iiwan. And sometimes we choose the first one than the latter because we never want to leave the ones we love.
We spent the day laughing on each others joke.
I went home plastering a wide smile, pakiramdam ko walang makakasira ng kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.
Kahit na deep inside nalulungkot ako ng konti, I want to make things something worth while.
"Buti naman at dumating kana, sino ang naki-alam ng mga papel sa office may nawawala akong papeles." papa said as I enter the house.
I look at them and sigh, here we go again.
"Hindi ko po alam, wala po ako buong araw." magalang kong sabi at lumapit.
Tita and Olivia are sitting on the other side of the table. Wala si Topi baka naglalaro sa taas.
"Nakita ka daw ni Olivia na lumabas galing sa opisina ko may mga dalang papeles." he said looking at me intently.
I pursed my lips and form a thin line. Mukhang masisira pa ata ang gabi ko.
"Pa, why are you still asking if you will not believe me in the end? What's the sense?" I ask with pure curiosity.
Hindi ko pabalang na ginamit ang tono ng pagtatanong dahil ayaw kong isipin ni papa na sinasagot ko siya, even if I hate the man so much I can't hide the fact that he is my father and I want him to be proud of me just like how he is to my siblings.
"Bakit hindi mo na lang ibalik yung mga papeles ko?" he ask on a minimal tone, alam kong pagod siya dahil may kaso siya ngayong hinahawakan at magaling ang abogado ng kabilang panig.
Umiling lang ako.
"Hindi ko po talaga kinuha."
Nakaraan ko pa napapansin ang mga nawawalang dokumento ni papa, kaya lagi din akong napagsasabihin dahil ako ang laging tinuturo ni tita at ni Olivia, pero hindi ko naman pinapansin dahil gusto lang nilang mapagalitan ako ni papa kagaya ng lagi nilang ginagawa.
Napahilot naman ng sentido si papa bago winasiwas ang kamay sakin, kaya umalis na din ako para makapag-ayos ng kwarto ko, gusto ko kasing magre-arrage ng kwarto ko bago ako umalis.
Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok.
"Pasok! Bukas yan."
Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Topi.
I look at him and see the book his holding.
"Bakit?" malumanay kong tanong sa kapatid kong magtiteenager.
"Patulong ako." sabay lapit at pakita ng aklat na dala niya.
Tiningnan ko naman ito bago siya tinuruan kong paano ang gagawin.
Hindi kami masyadong close pero dahil siguro wala si kuya Ayen kaya sakin siya lumalapit para magtanong sa mga assignment niya, dahil busy din si papa.
Pagkatapos ko siyang turuan ay lumabas na siya ng kwarto ko. Were formal on each other but this is much better than the previous years.
And I feel bless with it.