"Freatch come here." papa said as I stroll down the stairs.
Tumingin naman ako sa baba at pinagmasdan ang lalaking kasama ni papa.
"Bakit po?"
"Sit." he said, sabay lahad ng kamay sa upuan na nasa kaliwa niya.
Umupo naman ako at tiningnan ang lalaking naka-upo sa harap at ngumiti.
I don't like his air, there is something in him na hindi ko gusto at hindi ko magugustuhan.
"Ito naba ang anak mo Mr. Almodavar?" he said and scan me from head to foot kaya napataas naman ang kaliwa ng kilay ko at sinukat din siya ng tingin.
"You know Mr. Almodavar I'm not looking for a tigress as a wife, I want a sheep. Yung madaling paamuhin." he said and smile mischievously.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya pero kalaunan ay napangisi din ako.
Because deep inside I know maybe he is afraid of me, at lalong hindi ako yung klase ng babae na titiklop lang ng basta-basta.
"I'm sorry about my daughter's attitude, don't worry I'll make sure that she will be a good wife." sabi ni papa ng may mababang boses.
I can't even believe it, nakiki-usap ang tatay ko.
And marriage, I could feel the chills all over my body.
"No!" matigas at puno ng determinasyon na sabi ko.
"I'm not going to marry this guy or anyone if that's what your thinking."
The thought of marrying the guy or anybody horrifies me.
"Papa I will not marry this man." pinal na sabi ko sabay harap kay papa at tayo sa upuan ko.
Ayaw kong makipag-away, pinangako kuna yun.
"Ano bang sinasabi mo Freatch, tumahimik ka at umupo." may tono ng babala na sabi ni papa kaya wala akong nagawa kundi ang umismid at umupo ulit.
"Oh, and she speaks english well." sabi nito sabay iling.
Ano bang problema ng lalaking to?
"Sit down." maawtoridad na sabi ni papa.
I look at him intently before slowly sitting down.
Hindi maalis sa isip ko ang balak na gawin ni papa.
"This man is Mr. Jared Vicente, he's a businessman and his looking for a wife. Naisip ko din pa panahon na para mag-asawa ka, ito ang tamang edad para mag-asawa."
"No, I will not may usapan kayo ni mama. And you will not break that promise." matinding riin ko.
"Mr. Almodavar I'll just go back here, mag-usap muna kayo ng anak mo." biglang singit ng lalaki at tumayo na kaya sabay na din kaming tumayo ni papa.
Pangit ang ugali ko, yes I admit that pero alam ko pa ang salitang respeto. It's one of the things I want to achieve as a person more than being a girl.
"Salamat sa pag-intindi Mr. Vicente." sabi ni papa sabay nakipagkamay dito, yumuko naman ako biglang paggalang.
Wala pa naman sinasabing sobrang hindi maganda ang lalaki kaya wala pa akong sama ng loob o hinanakit dito.
Tumingin muna ito sakin bago tumalikod at lumabas ng bahay, kaya napalingon naman ako kay papa, and his looking at me sharply.
Yumuko naman ako at tumalikod na dito, gutom na ako ang aga-aga pa kasi ng bisita.
Chinese siguro yun?
"Where are you going?" papa ask from behind.
"Sa kusina po kakain."
"Magpakabusog ka pagkatapos go to my office pag-uusapan natin ang kasal mo."
Napa-ismid naman ako dahil sa sinabi ni papa, nagpapadyak tuloy akong pumasok sa kusina.
Akala ko tapos na eh!
"Oh anong pinapadyak mo riyan? Abay baka mabasag ang sahig."
"Manang naman eh, si papa kasi."
"Oh anong sabi ng ama mo? Tungkol saan ba?"
"Ipapakasal daw ako, eh wala naman yun sa usapan."
"Akanino naman?"
"Vicente daw po."
"Sinong Vicente ba?"
"Hindi ko din po alam eh." napapailing nalang ako sabay lampas kay mamang sa harap ng lutuan para kumuha ng plato.
"Magpakabusog! Para naman akong bibitayin."I said whispering.
"Abay tigilan muna kakamurmuring jaan at tanghali na, malipasan kapa ng gutom."
Sumunod naman ako sa sinabi ni manang. Tumagal ako ng isang oras sa kusina dahil binusog ko talaga ang sarili ko, mukha tuloy akong dikya.
Kumatok na ako sa opisina ni papa at tuloy na pumasok.
"Umupo ka." malumanay niyang sabi.
"If it's about the marriage hindi po ako pumapayag." nawawalang gana kong sabi.
"You will marry the man what ever happens Freatch."
"Pero Pa, ayaw ko nga."
"You don't have a choice, gusto ko kapag bumalik dito si Mr. Vicente you will behave. Wag kang bastos sa harap niya at wag na wag no akong ipapahiya katulad ng ginawa mo kanina."
"Also don't talk in english too much. Don't be too full about yourself, your nothing."
I shut my mouth, marami akong gustong sabihin pero hindi kuna tinuloy, ayaw kong mag-away ulit kami dahil lagi na kaming nag-away simula pa ng una.
I'm tired about our cat fights pati na ang karerang binuo ko para sa sarili ko.
I want him to be proud of me but in a most good way, yung walang pressure at sakit kasi nakakapagod.
"Get out, remember what I said."
Tumango ako sabay tayo na din para lumabas.
It went smoothly unlike the past.
Naghanda na rin ako para pumunta ng tree house, I don't want to be late if it's the last thing that has to happen.
We stroll around the town, pumapasok kami sa mga store para kumain at maglaro.
"Hay kung nandito lang sana si Jadied mas masaya sana tayo napakapikonin pa naman ng babaeng yun."
"Sarap lang asarin." natatawang sabi ni Thea kaya napangiti din kami.
"Oh! Si Arch yun diba? Saan siya pupunta?" Dorothy said and pointed Arch from outside the shop.
Tumayo naman ako bigla.
"Tara habulin natin, magpalibre tayo." sabi ko sabay hila sa kanila.
"Umaandar na naman yang katakawan mo kalalabas lang natin sa foodshop oh!" banat ni Thea, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Arch! Arch!" sabay-sabay naming sigaw pero may lahi atang bingi si kuya.
"ARCH!!!!" matinis na sigaw ni Thea, napangiwi naman kami ni Dorothy sabay takip ng parehong taenga.
Mukha tuloy kaming mga baliw dito na pinagitinginan ng mga dumadaan, tunog paniki na kumakanta kasi ang boses ni Thea.
"Hoyy, boses mo." sabi ko sabay hampas.
"Oh, bakit?" inis niya ring sabi.
"Girl alam kuna maganda ka pero please lang, ang pangit ng boses mo" sabi ko sabay tango naman ni Dorothy kaya napatawa na lang kami.
"Ayy ang bad ah! Ikaw nga hindi ko nga pinupuna ang height mo pati yang mukha mo."
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya sabay simangot.
Mapanglait!
"Tara na nga habulin na natin si Arch." sabi ko sabay takbo.
Mabilis naman naming hinawakan ang magkabilang balikat niya ng maabutan namin.
"Ahhh!"
"ANO BA?" sigaw niya samin ng makita kami,panay tawa naman ang gawa namin.
Grave epic yung mukha niya. Parang narape ng maton sa kanto.
"Ge tawa pa." sabay talikod samin.
Pikon!
Tumatawa naman kaming sumabay.
"Saan ka?" tanong ni Dorothy.
"Jan lang."
"Anong gagawin mo?" tanong ko.
"Kakain."
Napataas naman ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Yaman po ni kuya. Sa labas kumakain, alam ko naman g mayaman itong lalaking ito pero hindi ko alam na sa labas siya kumakain.
"Libre mo kami kong saan ka kakain." dagdag ni Thea.
"Geh."
Sabay-sabay na lumaki ang mata namin dahil sa sagot niya.
"Totoo?" tanong kong hindi makapaniwala.
"As in like totoong-totoo?" dagdag ni Thea.
Simple naman siyang tumango kaya napatalon kaming dalawa ni Thea sa tuwa, samantalang todo ngiti naman si Dorothy.
"Yohooo jackpot!"
"Friend na tayo Arch." masayang sabi ni Thea.
"Ano pala tayo dati?" pabalang na tanong nito sa babae kaya napatahimik kami ni Dorothy sa tabi.
"Lender kita diba, Bombay ka kaya." bara ng isa.
"Ahh, ngayon kaibigan na kita?"
"Oo, ang yaman mo pala hehe."
Napangiwi na lang ang lalaki at tumalikod.
"Tara na nga sa Jecos nalang tayo."
"Talaga ang mahal kaya doon?" nag-aalangan kong tanong habang hindi pa rin makapaniwala.
Wala naman kaming magawa dahil 15 minutes lang ay nakapasok na kami sa sikat na restaurant ng Jecos.
Ito na ang pinakamahal at sikat na restaurant sa lugar, dahil galing ibang mga bansa pa ang mga chef dito.
Umupo naman na kami at nag-order na si Arch, hindi na namin pinansin ang lalaki sa pag-order dahil panay tingin ang ginagawa namin sa paligid.
"Tigilan niyo nga ang kakatingin para naman kayong manol, eh ang yayaman niyo din naman." sabi ni Arch kaya napatingin naman kami sa kanya.
"Hindi ah, hindi ka naman namin kasing yaman. Kakain pa sa labas." dahilan ko.
"Wala bang pagkain sa inyo?" tanong naman ni Dorothy.
"Hindi ang pangit kasi ng ulam sa bahay."
"Bakit ano bang ulam sa inyo?" parang chismosa na tanong ni Thea kaya napangiti naman kami.
"Seafoods." bored ang bosses na sabi ni Arch samantalang halos lumuwa naman ang mga mata namin.
"Ano?"
"Balik na lang tayo sa bahay niyo." may pagmamadali sa boses ko.
Sino ba naman kasi ang aayaw sa seafoods, maliban na lang sa mga allergic. Aba seafoods na ata ang isa sa mga pinakamasarap na pagkain.
"Ayoko nagsasawa na ako sa buwan-buwan na pagkain ng hipon, pusit, alimango, basta yung mga lamang dagat." may aburido niyang sabi samantalang gusto ko ng tumira sa kanila dahil sa sinabi niya.
"Papa-ampon na lang ako sa inyo." nagbibirong sabi ni Dorothy.
"Ako din." dagdag ko.
"Ako three." nakangising sabi ni Thea.
"Here's your food ma'am, sir."
Napatigil naman kami ng marinig ang boses ng waiter.
Nagulat nga lang ako ng makita ang magseserve samin.
"Allen? Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong.
Sigurado akong ganun din sila.
"Pare!" nakangiting bati ni Arch,nagtaka naman ako.
"Alam mong dito siya nagtatrabaho?" tanong ko kay Arch.
"Oo."
"Bat dimo sinabi?" halata ang inis sa boses ni Thea at tumayo.
"Bat di mo sinabi sakin na dito ka nagtatrabaho."
"Hindi ko kailangang magpaalam sayo."
"Ka-kahit na, d-da"
"Enjoy your meal maams, sir." putol ni Allen sa sasabihin ni Thea at tumalikod na samin.
Hayy ang complicated talaga ng lovelife.
Napa-upo na lang ng dahan-dahan si Thea, I feel sorry for her pero ayaw ko ding tingnan yung lalaking nasa tabi ko.
"Kelan pa siya nagsimulang magtrabaho dito?" namumula ang matang tanong ni Thea kay Arch.
Alam kong iiyak siya ilang segundo lang.
"Matagal na, ang alam ko naki-usap lang siya na ipasok siya para maging trainee."tumango naman ako sa sagot ni Arch.
Mahilig kasi magluto si Allen pero dahil babae lang ang alam ng lahat na nagluluto kaya hindi pa tanggap ng pamilya ni Allen na gusto niyang maging chef.
Kumain na kami ng matiwasay pero mukhang nawalan na ng gana si Thea, tahimik na siya at hindi na masyadong nagsasalita.
Pagkatapos kumain ay nagpasalamat na kami kay Arch. May lakad pa daw kasi siya kaya naman naglakad na kami pauwi. Hapon na din at hindi na masakit sa balat ang init ng araw.
"Kaya mo pa?" tanong ko kay Thea habang naglalakad kami pa-uwi.
Ayaw kong itanong kong okey lang siya dahil halos lahat ng tao sasabihin na okey lang sila kapag tinatanong sila ng ibang tao.
"Naiinis lang kasi ako, nakaraan ko pa siya hinahanap hindi ko siya nakikitang lumalabas ng bahay nila kahit na sobrang aga kong pumunta, hindi din siya naaabutang umuwi kapag hapon." malungkot na sabi nito.
"Alam ko namang ayaw niya sakin pero nag-aalala lang din naman ako bilang kaibigan, alam ko naman na si Jadied yung gusto niya wala naman akong problema doon."
"Ang akin lang gusto kong tumulong kahit hanggang sa namamalagi lang kami dito kasi aalis na din naman kami."
"Ano bang problema niyo?" malumanay na tanong ni Dorothy.
"Wala naman, ayaw niya lang na gusto ko siya. Which is sobrang impossibleng mangyari, kung pwede nga lang eh edi sana hindi ako nasasaktan, napatanga talaga ng lalaking yun minsan."
"Basta okey lang ako kaya ko pa, magsasabi naman ako kong hindi kuna kaya." nakangiting sabi nito samin kaya tumango naman kami.
Sa aming tatlo, si Thea ang pinakahonest kaya may tiwala ako sa kanya,vocal kasi siya sa lahat ng nararamdaman niya.
Tumigil naman na ako sa gilid dahil bahay na namin, nagpaalam na ako sa kanila at pumasok sa bahay.
"Hayy, alam mo ba mommy kawawa yung isang babae dito, paano ba naman, ako na hindi anak ipapaasawa sa anak ng vice-governor samantalang yung tunay na anak sa isang pipitsugin na businessman lang, yung baguhan pa." parinig sakin ni Olivia galing sa sofa ng makapasok ako sa bahay.
Wala naman akong paki-alam.
"Alam mo Freatch pakiramdam ko hindi ka talaga anak ni tito, kawawa ka naman."
"Ampon ka lang ba?"
"Mukhang may balak siyang pahirapan ka sa asawa mo." patuloy niya pang sabi at taas ng kilay ng dumaan sa harap ko.
"Can you please shut up Olivia, your so annoying. You also sound like a squeaking bat." sagot ko dito.
Napangiti naman ako ng huminto ang matunog nitong takong. Lagi talaga akong natutuwa kapag nag-eenglish ako at humihinto siya.
Pinigilan kong ilabas ang ngiti sa mga labi ko ng huminto siya sa harap ko.
"Wag mo nga akong inienglish-english, mas bobo ka naman sakin." nakataas ang kilay na sabi niya.
Pinipigilan ko naman ang tawa ko, para siyang hamster na susugod. Mataba pa naman ang pisnge niya.
Cute!
"Hindi mo ba alam kong bakit hindi pinag-aaral ng English ang mga babae dito?" proud na tanong niya sakin sabay pose pa.
Nagtaka naman ako sa tanong niya, hanggang ngayon kasi hindi ko alam ang dahilan na yun dahil hindi naman ipinagsasabi lalo na sa mga babae.
"Bobo at tanga daw kasi yung mga babaeng nag-eenglish."
"WHAT?" mataas na boses kong tanong.
"Ah basta tanga at bobo ka." sabay hawi ng buhok at talikod.
Pinagsawalang bahala ko nalang ang dahilan niya, impossible kasing ganun yun napakawalang kwenta naman.