Chapter 6

2030 Words
Nandito kami sa office ng principal at kanina niya pa kami pinapagalitan, gusto kong lumaban pero pagod na pagod na ako. Umiiyak sa tabi ko sila Dorothy at Jadied na kinukwento ang nangyari pero parang wala lang pakialam yung principal, kagaya ko ay pagod din si Thea. Tahimik kaming apat habang nilalait kami ng dalawang tao na nasa harap namin. "Kaya ayaw ko sa mga babae, napakaiyakin, you see miss Chiveail, miss Sarmiento can you stop crying. And if you think na maaawa ako sa inyo dahil umiiyak kayo NO, I won't." "This is a warning sa inyong dalawa miss Almodavar and you miss Pelajo, next time na gumawa kayo ng gulo dito sa school ko, you are immediately expelled. Kung totoosin hindi kuna kayo gustong papasukin pa dito but for the sake of what people will think I will give you last chance. " I look at the principal, assessing him kung siya ba talaga yung principal, I can't take it. Kami yung naagrabyado tapos kami pa yung masama. "And please always know your place here, laging nasa hulihan ang mga babae and will stay behind us forever walang magbabago doon." We look at him with shot eyes, he doesn't have a remorse how did it happen that he is the principal. Kanina pa kami nagpapaliwanag ng panig namin, but he's always interupting us and saying that we're disrespectful and we don't have the right. That woman are weak, we always cry, we always make our self pityful, that we're toys, bed warmers, maids, caretaker, cook. I hate him, he's just like my father, my science teacher who is beside him, my english teacher, my math, all of them. They are with a common denumenator. Lumabas kami ng kwarto na yun na lantang-lanta, tumigil na ding umiyak sila Dorothy at Jadied. It's almost evening, palubog na ang araw dalawang oras din kaming nakikinig ng sermon at hindi nagsasalita. The debate is canceled at mukhang wala ng debate na talagang mangyayari dahil isang araw lang naman tong activity na to. "Uwi na kayo?" I ask ng makalabas kami ng gate. Tumango naman silang tatlo sakin. "Hinihintay na ako ni mama." Dorothy said. "Ako din." said Thea. I look at Jadied with a little hope, she just made a half smile with reluctance but still shake her head. I smile and bid goodbye, ayaw ko pang umuwi kaya dumiretso ako sa tree house namin. I don't feel like going home right now because it doesn't feel like home. "Ma kumusta kana?... I hope your doing good, but right now I don't feel okey. Sana nandito ka pa din para mayakap mo ako kapag pangit yung araw ko o di kaya ipagluluto mo ako ng cake o gagawa ka ng ice cream." "I miss you and hoping your here at days like this." I stay on the tree house for hours, gabi na ng umuwi ako it's past nine in the evening at alam kong natutulog na ang iba dito sa bahay. Tahimik naman akong pumunta sa kusina at nag-init ng pagkain ko. It's so silent I could even hear the crickets outside. Wala ng pakialam sakin ang mga tao dito sa bahay maliban kay manang at sa hardinero namin, simula ng umalis si mama I own myself at hindi na ako kinakausap o pinapagalitan ni papa. Umakyat ako sa kwarto ko at nagabasa, it's my daily routine dahil kailangan kong magbasa para maging magaling ako. I'm not planning anything for tommorow, gusto kong magpahinga ng mahaba ngayong gabi dahil sa mga ginawa ko buong araw. "Paki-bilisan, chap-chap." "That picture, pakitanggal it's an eye sore." "Ito pa, ito pa. Paki-ingatan mahal yan." I am awaken with a voice, sobrang ingay na kahit nakatalukbong ako ay naririnig ko. I look at my wall clock, it's 9 in the morning. I get up and take a bath gusto kong maligo sa ilog ng Malambunga. I went down stairs and see everyone in the house busy placing things and items on places. Anong nangyayari? Bakit ang daming tao? Nang makababa ako ng hagdan ay nakita ko yung babaeng nagcocommand at may isang batang babae sa likod niya na nakasunod sa bawat galaw niya. I know her, she look like someone. "Oh the princess is awake." said the woman and come close to me. I look at her while trying to remember who she is. I know at the back of my mind I knew her. "What's your name?" she ask me with a soothing voice. "Freatch." "Right,my name is Alexandra and this is my daughter Olivia."sabi niya at tumingin naman ako sa batang kasama niya. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sakin, problem nito. "Pwede mo akong tawaging tita or mama kong gusto mo." "Manang pakihanda ang pagkain ni Freatch."she then look at me. "Kumain kana." sumunod naman ako dahil sa napakalambing niyang boses. Halos parehas sila ng bosses ni mama, sobrang lambing at parang hininhele ako. "Manang ang bait po ni maam Alexandra no." kwento ko kay manang habang kumakain, nakabantay kasi siya sa tabi ko. "Oo, pero parang may kamukha yang babaeng yan hindi ko lang malaman kong saan ko nakita." "Ako nga din po eh, pero ang mahalaga mabait siya, ano po bang ginagawa nila?" "Hindi ko din alam, basta kaninang umaga ay pinakilala lang siya ni Sir samin tapos umalis na. Wala namang sinabi na kahit ano." "Tapos ayan, pina-ayos na yung bahay, pati nga mga picture ni ma'am pinang-alis eh." Napatayo naman ako bigla sa sinabi ni manang,niligpit ko ang plato ko at nagmamadaling lumabas. Tama nga si manang wala na ang mga picture ni mama sa buong bahay, pati sa kwarto nila ni papa. "Ano pong ginagawa niyo, bakit inalis niyo po yung mga picture ni mama?" nagtatakang tanong ko kay tita Alexandra. "Ah... yun ba, inalis kuna gusto kasi ng papa mo na baguhin ang desinyo ng bahay at alisin ang mga pictures ng mama mo." "Pero po... Hindi ko alam ang irarason ko, naguguluhan ako kung bakit kailangang alisin ang mga pictures ni mama. Nilapitan ako ni tita at hinaplos ang pisnge ko. "Pasensya kana wala din kasi akong magawa." malungkot niyang sabi sakin. Pero hindi ko alintana yun, sumisikip ang dibdib ko at amat-amat yung pinipiga. Anong karapatan ni papa para gawin ang mga bagay na ito? Bakit kailangan niyang alisin ang mga pictures ni mama, yun nalang ang meron ako. "Asan na po yung mga pictures ni mama?" nagmamakaawa kong sabi habang sunod-sunod na bumagsak ang mga luha galing sa aking mga mata. "Sa likod ng bahay." Mabilis akong tumakbo at mas binilisan pa ng mapansin ko ang usok galing sa gubat. Nandito nga sila, mabilis ko namang hinawakan ang braso ng lalaking nagsusunog ng mga gamit. "Kuya sandali!" "Sandali lang kuya, sandali lang po." pigil ko sa kanya. "Ano pong kailangan nila?" "Kuya nakita niyo po ba yung picture ng nanay ko?" patuloy na iyak ko. "Anong picture? Yun na lang yung natira." sabi niya at turo sa mga picture frames na nasa tabi. Lumapit naman ako doon at tiningnan ang mga pictures isa-isa. Tumigil lang ako ng nakita ang pinakahuling picture sa pinaka-ilalim. Si mama. Picture niya ng dalaga pa siya, napakaganda niya at punong-puno ng pag-asa ang mga mata niya, at ang napakatamis ang maganda niyang ngiti. "Ma!" mahinang usal ko, at niyakap ng mahigpit ang picture ni mama na parang doon nakasalalay ang katinuan ko sa buhay. Wala kasi akong picture ni mama, hindi kasi kami nagtatago ng picture kahit na sa mga kwarto namin dahil ayaw ni papa, lahat ng family picture ay nakadisplay sa labas. Tumayo ako at pinunasan ang mga luha sa pisnge ko kahit na hindi pa ako tumitigil umiyak ay pinilit ko ang sarili ko. "Kuya huk! salamat po huk!" sabi ko habang sinisin-uk at tumalikod na dala ang picture ni mama. Wala akong pinansin pagpasok ko sa bahay, dumiretso kaagad ako sa kwarto at doon umiyak. Unrealistic it may seem pero hapon na ako natapos umiyak, ilang minuto lang akong nakakatulog pero babalik din ako sa pag-iyak kapag naaalala ko ang nangyari. Simple man para sa iba, pero sobrang sakit para sakin. Si mama na lang kasi ang natitirang nagmamahal at nag-aalaga sakin tapos mawawala pa pati picture niya susunugin pa nila. Paulit-ulit kong tinatanong kong bakit kailangan nilang maging ganito kasama, bakit hindi pwedeng pantay? Bakit sila dapat ang laging nasa taas. I want to soar the world and fly across the sky pero paano ko gagawin yun kong laging akong pinipigilan at hinahawakan ang maliit at malambot kong mga pakpak. Napalingon na lang ako sa pintuan ng may kumatok. "Freatch bumaba kana, kakain na." "Manang ayaw ko pa po." "Kailangan mong bumaba Nak, pinapatawag ka din kasi ng papa mo." "Susunod na po." Ayaw ko man pero kailangan kong bumaba, kumilos na ako para mawala ang pamamaga ng buong mukha ko dahil sa buong araw na pag-iyak. Halos padabog akong bumaba, iniisip ko palang na makikita ko si papa parang gusto ko ng hindi bumaba. Nasasaktan ako habang iniisip yun. Mabilis akong umupo sa lamesa wala pa si papa pero nandito na sila Kuya at Topi,nagtaka naman ako dahil nandito din si tita Alexandra at Olivia. Nasa kabilang bahagi ng mesa sila kuya habang nasa kabila naman kami, katabi ko si Olivia at katabi niya naman si tita Alexandra na katabi naman ni papa sa kabisera. Hindi maganda ang pakiramdam ko, parang alam ko ang mangyayari pero hindi tinatanggap ng utak ko ang possibling dahilan. Tumayo kami ng dumating si papa at sabay din umupo. "Kumusta ang unang araw mo dito?" tanong ni papa kay tita. Napataas naman ang kilay ko ng wala sa oras, hindi lang naman ako pati sila kuya tumingin din. What is really happening? "Ikaw Olivia nagustuhan mo ba itong bahay ko?" tanong ni papa sa katabi ko. I can almost hear my self laughing sarcastically, my father never talk to me that way. Para siyang nakikipag-usap sa batang isang taon palang at nangangailangan ng mahabang pasensya at pang-unawa. "Opo, pero wala kasi akong toys dito." "Wag kang mag-alala sa sabado bibili tayo ng mga toys para sayo." Halos malaglag ang panga ko at lumuwa ang mata ko. Ano ba talaga ang nangyayari? What is happening to my father? "Sasama po ba si Freatch?" Napalingon ako kay Olivia dahil sa tanong niya, mabilis ko ding nilipat kay papa, I want to see every bit of his reaction and I am right. Mabilis na nabura ang ngiti sa labi niya at binalik sa pagiging istrikto. "Hindi siya sasama, may mga gagawin siya sa araw na yun." "Eh, saan po ako matutulog?" "Tabi na lang muna kayo ni Freatch, wag kang mag-alala ipapalinis ko ang kwarto sa harap ng kwarto ni Freatch." Halos hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ni papa, ang daming paano, bakit, kelan ang nasa utak ko. Hanggang ngayon ayaw ko pa ding iconfirm ang mga nangyayari, hindi ko kayang tanggapin dahil kahit kelan hindi naging ganito kabait at kalambing ang tatay ko sa akin tapos makikita kong ginagawa niya yun sa iba. It hurts the most, kasi hindi ko alam kong paano niya yung ginagawa. "What is really happening papa?" lakas loob na tanong ni kuya. "From now on Alexandra will be your mother and Olivia will be your sister, they will be part of the family and I want you all to respect Alexandra at ituring na kapatid si Olivia." I look at father with so much hatred, how can he just say things so simple na parang wala siyang nasira, na parang hindi kami nawalan ng ina. "Pero paano si mama?" nagtatakang tanong ni kuya. "We will not say her name or talk about her, are we clear?" said my father with the tone of finality. Mabilis akong tumayo sa lamesa at umakyat sa kwarto ko, I can't take this anymore. I know the world is cruel but how can it be more cruel for me. Bakit ba hindi ako kayang mahalin ng sarili kong tatay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD